CHAPTER 5:2

1.4K 66 5
                                    

Katamad maghintay kaya kahit nagugutom na ako ay napagpasyahan ko na lang pumunta sa HM Office ng ako lang mag-isa, malay mo rin may pagkain si HM dun edi doon na lang ako kakain.

Masiyado talagang tahimik at kakaiba rin ang simoy ng hangin, pati yung liwanag masiyadong maaliwalas.

Hindi ko na lang pinansin kahit na naiibahan ako sa atmospera ng paligid. Hindi naman siya nakakatakot, sadyang hindi lang ako komportable sa ganitong atmospera.

Nakalimutan ko palang sabihin na malalaman mo kung saang Kaharian  nabibilang ang isang nilalang base sa mga mata nila, at naka-base naman sa buhok nila  antas nila sa buhay---like if their just a commoner or they had nobility blood or royal blood.

Base sa ipinakita sa'kin kaninang info ng libro ay may tig-isang kulay ng mata ang bawat Kaharian maliban sa Luxantrixxe Empire.

Blue, kulay ng mata ng mga taga Nemrrich Empire. Magiging red lang ang kulay ng mata nila kapag nagiging vampire sila.

Green, kulay ng mata ng mga taga Weyslynn Empire.

Brown, kulay ng mata ng mga Arkanghels.

Yellow, kulay ng mata ng mga werewolves at Kitsune.

Black, kulay ng mata ng mga demonyo. Nagiging red lang rin ang mata nila kapag nagiging demonyo, kaya nga lang mas bloody at nakakatakot tignan ang mga mata nila kaysa sa mga vampires.

Pink and violet, kulay ng mata ng mga taga Luxantrixxe Empire.

The darker the color of your eyes is, the higher your mana level. Kaya nga kapag royal blood ka ay mas dark ang kulay ng mga mata mo, yun ang pagkakaiba ng kulay ng mata ng mga royal blood sa mga mas mababa ang antas na pinamumunuan nila.

Di ko namalayang nasa harap na pala ako ng HM Office, mabuti na lang talaga na pati ang kinapwe-pwestuhan ng HM Office ay ipinakita sa info ng nobela kaya hindi ako nahirapan sa paghahanap.

Hindi na ako nag-abalang kumatok, dire-diretso lang akong pumasok. Uso sa'king kumatok, hindi nga lang ngayon.

"Where's your manners, Princess Shamara?" hindi ko binigyan ng pansin ang panot na nasa harap ko bagkus ay nilibot ko ang paningin sa office niya.

Ang lawak at ang gara, mamahalin ang panot na'to. May mga vintage na paintings ang nakasabit sa buong sulok ng office, pati ibang kagamitan ay vintage rin.

Rich chestnut and black ang theme ng office niya kaya di masakit sa mata.

Nabaling naman ang pansin ko sa isang puting owl na nakahapon sa isang sanga, sangang kay ganda kasi may mga nakaukit pang foreign symbol dun.

Nakipagtitigan ako sa owl na yun, ang gandang titigan ng mala dugo niyang mga mata. Napangiti ako at tinungo ang kinapu-puwestuhan ng owl, hindi ko napigilang panggigilan ang balahibo nito nung mahawakan ko, napakalambot kasi nun.

"Mine." natuwa naman ako nung parang natuwa ang kwago sa sinabi ko.

"Don't you dare, Princess Shamara. You already lack respect, and yet you're claiming something that isn't yours. What a spoiled brat." bagot kong binalingan si HM na siyang ikina-irita nito lalo.

'Oh... Wala akong ginagawa.'

Siguro kaya mainit ulo niya dahil na-reflect sa kapanutan niya ang sinag ng araw.

"I suggest you use a wig, HM. Your temper seems too hot PO." note the sarcasm, diniinan ko rin yung salitang 'PO' para dama.

"Oh, Calm down, HM, you look like a heated teapot." segunda ko pa na ikinasabog na nito.

REBIRTH: THE VILLAIN'S SISTERWhere stories live. Discover now