CHAPTER 22

159 3 0
                                    


━━━━ ◦ ❖ ◦━━━━


"Flynn! Bumalik ka, pero anong ginagawa mo dito?" nalilitong tanong ni Persinette.

Binigyan naman siya ng alanganing ngiti ni Flynn. "Magpapaliwanag ako sayo mamaya pero sa ngayon ay kailangan na nating umalis dito."

Akmang lalapitan ni Flynn ang dalaga nang nakangising bumaling sa bagong dating na binata ang reyna.

"Flynn Rider," tawag niya sa binata kaya naman napatigil sa paghakbang si Flynn.

Ang kaninang may pag-aalalang mga mata ni Flynn para kay Persinette ay napalitan ng matatalim na titig sa reyna.

"Alam mo binigyan na kita ng pagkakataon na tumakas at magpakalayo-layo pero—"

"Ikaw ang may gawa ng lahat ng iyon?" galit na tanong ni Persinette.

"Yes, dahil masama siyang impluwensya sayo anak."

Lalong nagliyab sa galit ang dalaga akmang lalapitan nito ang ina nang maramdaman nalamang niya ang malamig na metal na nakapalibot sa dalawa niyang mga kamay. Gulat na nakatingin ito ngayon sa kanyang mga kamay at nang mapansin ang ama at ang katulong na kasama ay nakagapos na rin pala ito habang hila-hila ng ibang kawal ang kabilang dulo ng kadena dahilan para hindi sila makagalaw.

"Pa!" sigaw niya nang makita ang walang kaingat-ingat na pag-hila ng isang kawal sa nanghihinang ama.

Bumaling siyang muli sa nakatalikod ng reyna at patungo na ito ngayon sa trono ng palasyo.

"Napakasama mo! Ma, bakit mo ba ito ginagawa?!" malakas na tanong ni Persinette na nakapagpatigil sa reyna.

Nakita nilang bahagyang lumingon sa kanila ang ginang at nagulat naman nang ibang mukha ang kanilang nakita.

"Anong tinawag mo sakin? Ma? Mama?" Malakas na ngumisi pa ito.

"I think this is the right time to reveal myself." Dugtong nito bago tuluyang humarap sa kanilang lahat.

Halos mapasinghap ang lahat nang makita ang kabuaan ng kanyang mukha.

"Sino siya?"

"Hindi siya ang mahal na reyna."

Bulungan ng ibang kawal at katulong sa loob ng palasyo habang hindi maalis ang mga sa ginang na nakangisi sa kanilang lahat.

"I'm not your pathetic mother Persinette. Ako si Drusila, ang kapatid ng inyong mahal na reyna," malakas na pagpapakilala nito sa kanyang sarili.

Maging si Flynn at ang ama ni Persinette ay hindi makapaniwala sa nakikita, habang nakabawi naman agad ang dalaga.

"Kaya pala sa mga sa tuwing kasama kita ay hindi ko maramdaman na ikaw ang aking ina! Bakit mo ba ito ginagawa? At nasa'n ang mama ko?" galit na tanong nito.

"Bakit hindi muna natin pag-usapan ang kay Flynn, sa lalaking pinagkatiwalaan mo sa maikling panahon na nakilala mo ito." Baling nito sa binata.

"Pakawalan mo na siya, walang kinalaman dito si Flynn," sagot ng dalaga.

"Wala nga ba?"

Naguluhan naman si Persinette. "Anong ibig mong sabihin?"

Lalong lumawak naman ang ngisi ng ginang. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit gano'n nalamang siya kabilis pumayag sa iyong gusto? At ikaw Flynn, bakit ka nga ba nagtiwala sa babaeng ito? Nagtiwala nga ba o upang linlangin lang ito?"

"Tumigil ka na!" galit na sigaw ng binata.

Nagsimula namang tumwa ng malademonyo si Drusila na waring umaayon sa kanya ang lahat.

"H-hindi ko kayo maunawaan?" halos pabulong na tanong ni Persinette.

"Persinette huwag kang makinig sa kanya, itatakas ko kayo rito." Nang hahakbang muli ang binata ay mabilis naman siyang hinawakan sa magkabilang braso ng mga kawal ngunit ginamit naman nito ang buong lakas upang makawala.

Sinuntok na rin nito ang isa sa kawal habang nakailag naman ang isa at pilit hinuhuli ang kanyang mga braso.

"Flynn!" sigaw ni Persinette nang makita ang pagbalatay ng sakit sa mukha ng binata.

Sinaksak pala ito ng ginang mula sa likod dahil sa sakit at panghihina ay kusang napaluhod na ang lalaki at bumungad sa kanila ang nakangising labi ng babae.

"Walang hiya ka! Bakit mo siya sinaktan!" galit na sigaw ni Persinette.

"Mas ikaw ang walang hiya Persinette! Hindi sana mangyayari ang lahat ng ito kung hindi dahil sayo!"

Hinakbangan nito ang binata upang malapitan si Persinette.

"You want to know a story?"

"Once upon a time there was a beautiful witch named Drusila who preserved and cherished the magical flower of Casa Blanca but suddenly a newborn princess in the kingdom of Andalasia became sick and they stole her precious flower. Drusila lost her beauty because Casa Blanca was stolen from her and so before she gave the cure to the princess she cast a curse on it where the princess became its burden and Drusila got her chance to be the new queen of the palace. But the princess became a monster that was feared by everyone because of her first victim. Gusto mo bang malaman kung sino ito?" tanong nito sa dalaga.

Hindi naman makapagsalita ang dalaga at nangingilid lamang ang mga matang nakatingin sa ginang dahil muling bumalik sa kanya ang mapait na sinapit niya noon na hindi rin niya kagustuhan.

"It was Flynn Rider's mother, all she ever did was to make your hair beautiful."

Nanginig ang mga labi ni Persinette kasabay ng pangingilid ng kanyang mga luha habang dahan-dahang tinanaw ang binata na nakakuyom na ang mga kamao sa sahig.

"Tama na! Hindi niya kasalanan 'yon!" sigaw ni Flynn.

"No! Kasalanan niya 'yon at alam mo ba Persinette, nang dahil sayo tuluyang naulila si Flynn, your monster devoured his father right before his eyes." Pagpaptuloy nito sa kuwento kung kaya tuluyan nang nabuwal sa kinatatayuan niya si Persinette habang tuloy-tuloy namang naglandas ang kanyang mga luha.

"H-hindi ko sinasadya, Flynn." Iyak nito.

"Now tell me, hindi mo pa rin ba kasalanan? Tama ka, you're the bad guy in this story my dear. Kaya rin ka karapat-dapat na maging reyna—"

Naputol ang sinasabi nito nang mabilis na sinaksak ni Flynn ang patalim na nakabaon sa kanyang tigiliran at isinaksak iyon sa likod ng ginang.

Napasinghap naman ang lahat, na maging si Drusila ay hindi iyon inasahan. Kita ang sakit na nadarama nito kung kaya kinuha namang pagkakataon iyon ni Flynn upang malapitan si Persinette habang nabaling ang atensyon ng mga kawal sa ginang.

"F-Flynn, h-hindi ko alam—"

"Shh, alam ko kaya huwag mo ng alalahanin iyon. Napatawad na kita." Putol nito habang kinakalagan ang dalaga.

"Fly—"

Hindi na natapos ni Persinette ang pagtawag sa binata nang malakas itong nahila ng kung sino mula sa likod nito kung kaya dumausdos ito pahiga sa malamig na sahig.

Bumungad sa kanila ang nakangising matandang babae na kulubot ang buong mukha at may mahaba ngunit kulot at namumuti nang buhok. Ito na pala ang tunay na itsura ni Drusila, mukha man itong matanda ay halata mo pa rin na may lakas pa rin itong katumbas ng isang malakas na tao.

"Akala mo ba'y ganun-ganun mo nalamang ako mapapatay?" Tumawa pa ito ng malademonyo.

"Persinette is my life line Flynn, mula ng inumin niya ang katas ng Casa Blanca ay nalipat na sa kanya ang kapangyarihan nito kahit pa nilagyan ko ito ng sumpa, kaya kung nais mo 'kong patayin. Kailangan mo ring patayin ang iyong pinakamamahal na si Persinette."



━━━━ ◦ ❖ ◦━━━━

IH | IssiaHermosa

What Hides Beneath The TowerWhere stories live. Discover now