CHAPTER 05

56 6 0
                                    



━━━━ ◦ ❖ ◦━━━━


Lumipas ang araw, linggo, buwan at taon ay hindi na muling nakabalik si Persinette sa kanilang palasyo at ayon sa kanyang ina na siyang madalas dumalaw sa kanya ay patuloy pa rin siyang hinahanap ng mga tao.

Sa tuwing tatanungin niya ang kanyang ina tungkol sa kanyang ama ay madalas nitong dahilan ang mga tungkulin ng hari sa kanilang palasyo na hindi nito maaaring mapabayaan. Malungkot man ay inunawa nalamang iyon ni Persinette.

Sa nakalipas rin na mga araw na iyon ay tila hindi na rin alam ni Persinette ang petsa at mga pagbabago sa kanyang paligid dahil mahigpit ang kanyang ina sa bilin nitong huwag lumabas ng tore kung kaya mula nang makapasok siya rito ay hindi pa niya ulit naramdaman ang damuhan sa kanyang mga paa.

May iilan rin siyang napansin sa kanyang buhok dahil sa paglaki niya ay siyang doble rin ng paghaba ng kanyang buhok. Napansin niya ring tila hindi na ito gaanong sensitibo tulad dati.

Sa paglitaw ng araw ay maagang gigising ring si Persinette upang gawin ang karaniwan niyang ginagawa. Linisin ang buong silid na sing laki lang ng kanyang kwarto sa palasyo at iba pang gawaing bahay dahil wala siyang ibang kasama. Iyon kasi ang ibinibilin ng kanyang ina kapag ito'y dumadalaw sa kanya.

Sa paglipas rin ng panahon ay tila nagsisimula na siyang magtampo sa kanyang mga magulang na kahit ang ina niya nalamang ang dumadalaw sa kanya na kalaunay dumadalang na rin kumpara noon na halos araw-araw siya nitong dalawin upang ipag dala ng kung ano-ano ay kanya pa ring inunawa dahil naiintindihan naman niya ang hirap ng kanilang sitwasyon.

Matapos ang mga gawaing bahay ay nahiligan rin niyang magbasa ng mga libro na dinadala sa kanya ng mga tagapag-silbi o'dikaya ng kanyang ina sa pamamagitan ng mga iyon ay mayroon pa rin siyang mga nalalaman mula sa mga bagay-bagay na nasa labas ng kanyang tore. Maliban doon ay natutunan naman niyang gumuhit at magpinta na maging ang dingding na ng kanyang silid ay napuno na rin ng kanyang mga obra.

Bukod pa sa mga iyon ay nasubukan na rin niya ang iba pang bagay upang mapatid ang pagkabagot niya. Dahil din sa tagal ng pananatili niya sa tore ay natutunan na rin niyang manahi ng mga damit na kanya ng sinusuot ngayon at higit sa lahat ang pinakaimportanteng parte ng kanyang araw ay hindi niya dapat makaligtaang gawin ay suklayin ang napakahaba na niyang buhok.

Matapos niyang masuklay ang kanyang buhok ay nahahapong napatingin siya sa dingding na nasa itaas ng kanyang maliit na kama. Nasa itaas siya ngayon ng kisame kung saan may naglalakihang kahoy na nagsisilbing pondasyon ng bubong.

Gamit ang buhok bumaba siya mula doon at inakyat ang kama upang silipin ang natapos na niyang naipinta.

Imahe iyon ng kanilang palasyo na tanaw niya mula sa mataas na toreng kinalalagyan niya. Sa taas niyon ay ang daan-daang ilaw na lumilipad sa langit at iyon ay nangyayari lamang isang beses sa isang taon at sakto sa mismong kaarawan niya.

"Ano kayang pakiramdam ng makita ang mga ilaw na ito sa malapitan," bulong niya habang hinahaplos ang mga iyon.

"Sa tingin mo ba'y papayagan ako ni mama na makalabas para masaksihan ko ang mga ilaw na pinapalipad nila sa langit?" tanong niya nang bumaling ito sa malaking salamin katapat ng kanyang kama.

Kita ang saya sa kanyang mga mata sa tuwing pinag-uusapan ang mga ilaw sa kanyang obra.

"Maaari ko naman ding hilingan na iyon nalang ang maging regalo niya sakin lalo na't ito ang ika-dise otso ko ng kaarawan," aniya pa.

Matagal niyang tinitigan ang repleksyon hanggang sa mapangiti siya nang makita niyang umilaw ang kanyang buhok na tila ito ang kausap at sumang ayon pa sa kanyang mga sinabi.

What Hides Beneath The TowerWhere stories live. Discover now