PROLOGUE

155 11 0
                                    


━━━━ ◦ ❖ ◦━━━━


Once upon a time there was a newborn princess in the far away land of kingdom Andalasia. Everyone was rejoicing as they welcomed the princess.

"Rejoice! The kingdom of Anladalasia is blessed with a beautiful and lovely princess."

Ang lahat ay naghiyawan at nagpalakpakan habang nakatingala sa lalaking nag aanunsyo ng kapanganakan ng bagong silang na prinsesa ng Andalasia.

"Rejoice! Princess Persinette is born! Long live our princess Persinette!"

Everyone repeated the last words to give the blessing of long life for the princess.

Samantala, tuwang-tuwa naman ang hari at reyna sa nasasaksihang pagsasaya ng kanilang nasasakupan.

"Maraming salamat sa maganda at malusog na anak," ani haring Henry.

"Ang lahat ay aking inaanyayahan na dumalo sa binyag ng aming anak," malakas na anunsyo ng hari.

Muli na namang nagsaya ang mga tao dahil sa balita.

Kilala ang hari at reyna bilang mabubuti sa kanilang nasasakupan kung kaya mahal na mahal sila ng mga ito.

Dumating ang araw ng selebrasyon, at muling nagkasiyahan ang buong palasyo sa pagdating ng prinsesa. Nagbigay rin ng kanya-kanyang regalo ang mga ito na nais ibigay sa prinsesa.

"Maraming salamat sa lahat ng dumating at nagbigay ng kanilang mga regalo para sa prinsesa," pasalamat ng reyna.

Natapos ang selebrasyon ng may ngiti at galak sa kani-kanilang mga ngiti.

Malalim na ang gabi habang pinagmamasdan naman ng reyna ang kanyang anak na mahimbing pa rin ang tulog.

"Napakaganda talaga ng anak natin, parang ang nanay niya."

Napangiti naman ang reyna nang marinig ang asawa mula sa kanyang likod na kalaunay yumakap rin sa kanya at sinamahan itong pagmasdan ang kanilang anak.

"Napakasaya ko na nagkaroon tayo ng malusog at napakagandang prinsesa."

Tila hindi nagsasawa ang mag-asawa habang pinagmamasdan ang mahimbing na natutulog nilang anak sa maliit nitong kama.

Nang mapagpasyahan na nilang magpahinga ay inayos ng reyna ang sapin ng kanyang anak bago nahiga sa tabi ng asawa.

Sa kalagitnaan ng malalim na gabi ay isang palahaw ng sanggol ang gumising sa mag-asawa.

Dali-dali namang bumangon ang reyna at dinaluhan ang anak na walang tigil sa pag-iyak.

"Anong nangyari?" tanong ng asawa nito nang malapitan ang reyna na hinehele ang anak.

"Hindi ko rin alam mahal, maayos ko naman siyang iniwan kanina. Maaari ka bang gumawa ng kanyang gatas?"

Ginawa naman agad ng hari ang pinakiusap sa kanya ng asawa.

Nang magawa ito ay mabilis iyon ipinainom sa anak ngunit hindi pa rin tumitigil ang sanggol sa pag-iyak kung kaya nagsimula ng mabahala ang dalawa.

Mabilis na pinatawag ng hari ang manggagamot ng palasyo.

Matapos nitong matignan ang sanggol ay may binigay itong inumin na nag patigil naman sa pag-iyak ng bata.

"Mahal reyna at hari, ikinalulungkot ko pong ibalita sainyo ngunit ang prinsesa ay nakakaranas ngayon ng kakaibang sakit na kahit ako'y ngayon lamang nakita ang mga sintomas na ito. Sa ngayon po ay aking binigyan ito ng paunang lunas ngunit kalauna'y maaaring bumalik muli ang dinaramdam ng mahal na prinsesa," magalang na paliwanag ng manggagamot sa mag-asawa.

Hindi naman napigilan ng reyna ang mapaluha sa naging balita sa kanila ng manggagamot. Mahigpit itong niyakap ng hari at nangakong gagawin nito ang lahat upang mabigyang lunas ang sakit ng anak.

"May alam ka bang paraan para mabigyang lunas ito?" alalang tanong nito sa manggagamot.

Tumango naman ang matanda sa hari na nagbigay kapanatagan sa kanya.

"Isang paraan lang ang makakapagbigay lunas sa sakit ng mahal na prinsesa, at iyon ang katas ng Casa Blanca. Mahirap itong mahanap dahil mailap itong mamulaklak ngunit kilala ito bilang lunas sa kahit na anong sakit, nagtataglay ito ng kakaibang katas na maaaring makagamot sa prinsesa."

Nang marinig ang paliwanag na iyon ng hari ay mabilis nitong pinatawag ang mga kawal at inasatang hanapin ang nasabing halaman sa lalong madalin panahon dahil ito'y kailangang-kailangan na ng prinsesa.

Labis ang pag-aalala ng mag-asawa sa paghihintay sa kanilang mga inasatasang tao na maghanap ng nasabing halaman. Habang nag-aantay ay hindi iniwan ng dalawa ang anak na mahimbing na muli ang tulog.

"Nag-aalala ako mahal, paano kung hindi nila mahanap agad ang halaman. Hindi ko kayang makitang nahihirapan ang anak natin." Muling naiyak ang reyna kung kaya kinabig ito ng hari upang mayakap.

"Magtiwala lang tayo mahal, gagaling ang anak natin. Magpahinga ka na muna at ako nalang ang maghihintay sa mga kawal," pag-aalo ng kanyang asawa.

Dumating ang umaga ay isang hindi magandang balita ang bumungad sa mag-asawa.

"Paumanhin mahal na hari ngunit amin ng sinuyod ang buong nasasakupan ng kaharian ay wala kaming nahanap na Casa Blanca," malungkot na balita ng isa sa mga kawal.

"Hindi maaari! Suyurin niyong muli ang buong kalupaan!" galit na utos ng reyna.

"Mahal kumalma ka," pagpapakalma naman ng asawa at pilit na pinauupo ito sa kanyang tabi.

"Paano akong kakalma kung nabibilang ang oras na maaaring lumubha lalo ang karamdaman ng ating anak. Kayo'y muling umalis at huwag na huwag kayong babalik hangga't wala kayong dala-dalang bulaklak," mariing ani ng reyna.

"Masusunod mahal na reyna," magalang na sagot naman ng kawal.

Hindi na nagsalita pa ang hari dahil maging siya ay iyon rin ang nais kung kaya hinayaan na nito ang asawa at pilit na pinakakalma nalamang ito.

Ngunit bago pa man makalabas ang mga kawal ay biglang bumukas ang malaking pintuan ng palasyo.

"Mahal na reyna at hari, ang manggagamot ay muling nagbabalik at ito ay may dala ng bulaklak ng Casa Blanca."

"Papasukin mo," mabilis na sagot naman ng reyna.

Tumango naman ito at pinapasok ang matandang babae.

"Paumanhin mahal na reyna at hari dahil ngayon lamang ako." Yuko nito.

"Ayos lamang iyon at tayo na 'wag na tayong mag-aksaya pa ng oras at gawin na natin ang nararapat upang gumaling na ang prinsesa," nagmamadaling utos ng reyna na ginawa naman ng matanda.

Dinikdik nito ang bulaklak at piniga ang katas nito. Lulan ng maliit na babasaging mangkok ay ang katas ng Casa Blanca at ibang halamang gamot na bit-bit ng matanda patungo sa prinsesa. Sinulyapan naman niya ang mag-asawa na waring nang hihingi ito ng permiso kung kaya tinanguan naman siya ng mga ito.

May ngiting nilapitan niya ang sanggol at maingat na pinainom ang katas dito. Hindi napigilang sulyapan ng mag-asawa ang anak nang makita nila ang kakaibang liwanag na gumapang patungo sa malaginto nitong buhok.

"A-anong nangyayari?" alalang tanong ng hari.

"Mabuti lamang siya. Normal lamang iyon mahal na hari, tulad ng aking sinabi ay kakaiba ang bulaklak na ito. Maghintay nalamang tayong magising ang prinsesa at natitiyak kong magaling na ito. Mauna na po ako," nakayukong paalam ng matanda.

"Maraming salamat." Buong pusong pasalamat ng dalawa.

Nagyakapan naman ang mag-asawa sa saya at galak dahil sa balitang iyon ng manggagamot sa kanila.



━━━━ ◦ ❖ ◦━━━━


IH | IssiaHermosa

What Hides Beneath The TowerWhere stories live. Discover now