CHAPTER 02

72 8 0
                                    



━━━━ ◦ ❖ ◦━━━━


Sigawan at nagtatakbuhang mga tauhan nila ang bumungad sa hari at reyna nang mabalitaan nilang nagkakagulo sa silid kung saan ginugupitan ang prinsesa.

Halos mapasigaw naman ang reyna nang makita ang malaki ang itim na may halong kulay lila na ahas. Ito'y patuloy na hinahabol ang mga tumatakbong tauhan sa silid.

"Persinette!" malakas na tawag ng hari sa kanyang anak.

"Ma! Pa!" umiiyak na tawag naman ng prinsesa sa kanyang mga magulang. Hindi pa rin ito makagalaw sa kinauupuan.

Akmang lalapitan siya ng kanyang mga magulang nang masaksihan nila mismo sa kanilang harapan kung paano lamunin ng halimaw ang mayordoma.

"Mahal! Kunin mo ang anak natin!" nanginginig ang boses na utos ng reyna sa asawa matapos masaksihan ang karumaldumal na pangyayari.

"Lumabas ka na, kukunin ko ang anak natin," bilin ng hari sa reyna at kasunod niyon ay ang sunod-sunod na pagpasok ng kanilang mga kawal.

Gamit ang kanilang mga espada ay pilit nilang inaabot ang ulo ng halimaw.

"Pa!" iyak ng kawawang prinsesa na nasa likod ng halimaw animoy pinoprotektahan siya nito.

Hindi magawang makalapit ng hari sa kinaroroonan ng anak dahil sa tuwing tatangkain nito ay siyang pagatake naman ng halimaw.

"Huwag kang gagalaw anak, ililigtas kita."

Sa bawat kawal na lumalapit at umaatake sa halimaw ay napapaatras ang iba dahil walang awa nitong inuubos ang kanilang mga kasamahan.

Sa sumunod na pangyayari ay sunod-sunod na umatake na ang mga ito at kasabay niyon ang pagkakataon para sa hari upang makuha ang anak ngunit laking gulat niya nang makitang ang katawan ng halimaw ay nakadikit mismo sa buhok ng anak.

"A-ano ito?" halos pabulong nitong tanong saka nalipat ang tingin sa luhaang anak.

"Natatakot ako pa." Iyak pa nito.

Tila nahagip ng paningin ng halimaw ang ama ng prinsesa kung kaya dito nabaling ang kanyang atensyon na nakita naman ni Persinette kaya mahigpit nitong niyakap ang ama.

"Huwag!" nakapikit nitong sigaw habang mahigpit ang yakap sa kanyang ama.

Lalo namang hindi nakagalaw sa kanyang kinatatayuan ang hari sa nasaksihan. Nakita niya kung paano unti-unting naging buhok ang kanina'y isang higanteng halimaw na sinakmal ang bawat makita nito.

Nang ilibot nito ang sa buong silid ay wala na ang bakas ng halimaw at tanging mga kawal na napaupo sa nasaksihan. Kitang-kita sa mga mukha nito ang gulat at takot.

"Mahal! Persi!" sigaw ng reyna nang hindi na siya napigilan ng mga guwardiya.

Mabilis nitong dinaluhan ang kanyang mag-ama.

"Ayos lang kayo? May masakit ba sayo anak?" magkasunod na tanong ng reyna sa dalawa.

Kumawala naman sa yakap si Persinette at lumapit sa ina.

Pinantayan naman siya nito at sinuri ang anak. Nang wala itong nakitang galos o sugat sa anak ay tila nakahinga na ito ng maluwag.

"A-anong nangyari? Nasa'n na ang halimaw?" Baling ng reyna sa kanyang asawa na tila wala pa rin sa sariling nakatulala sa kawalan.

"Mahal ayos ka lang ba?" tanong pa nito nang hindi siya sinagot ng asawa.

"K-kailangan nating mag-usap," bulong nito at lumipat ang tingin sa anak.

What Hides Beneath The TowerTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang