CHAPTER 10

50 4 0
                                    



━━━━ ◦ ❖ ◦━━━━


Tila hindi naman nasisiyahan si Flynn sa nakikita. Mula nang makababa kasi ang dalaga ay hindi na ito tumigil sa kakatakbo sa paligid na para bang ito ang unang pagkakataon na nakakita siya ng mga bagay-bagay sa labas ng tore.

May pasigaw-sigaw din ang dalaga na tila doon inilalabas ang labis na saya nito nang makalabas ng kuweba na naging lagusan patungo sa labas ng tore.

"Ito na yata ang pinakamasayang araw sa tanang buhay ko!" malakas na sigaw nito sa habang nasa likod siya ni Flynn at isinaboy ang mga nakuhang tuyot na dahon.

Hindi naman natinag sa kanyang kinatatayuan si Flynn at hinipan pa ang dahon na dumampi sa kanyang pisngi.

"Gusto mo bang makita ang mga ilaw o dito nalang tayo maghapon?" bagot na tanong nito sa dalaga.

Natigil naman sa ginagawa si Persinette at mabilis na lumapit sa lalaki saka ito nginitian ng malaki.

Hahakbang na sana paalis si Flynn nang may marinig silang kaluskos mula sa mga talahib. Sa isip ni Flynn ay ang kabayong humahabol sa kanya habang si Persinette naman ay isang nakakatkot at mabangis na hayop ang nasa likod ng mga kaluskos na iyon.

"Flynn!" sigaw nito saka mabilis na kumapit sa lalaki mula sa likod nito.

Kapuwa hinihintay nilang dalawa ang nasa likod ng mga talahib nang isang kuneho ang lumabas mula roon.

"Oh, isang kuneho lang pala. Huwag kang mag-alala hindi sila nananakit," ani Flynn sa dalaga kaya mabilis naman itong humiwalay sa kanya at akmang lalapitan ang hayop nang mabilis itong umalis.

"Umamin ka nga ilang taon ka ng hindi nakakalabas sa tore mo?" tanong ni Flynn.

Nag-iwas naman ng tingin si Persinette dito.

"Mukhang matagal na nga, pero hindi ka ba nagugutom? Ako kasi oo, halika may alam akong masarap na kainan na sa unang langhap mo pa lang mapapa-ulalam ka na," aniya sa dalaga bago marahang hinila ang kamay nito.

Napahigpit naman ang kapit ni Persinette sa hawak na kawali. Hindi niya nais bitawan ito lalo pa't nasa labas na sila ng tore.

Samantala sa palasyo ng Andalsia ay isang masaganang salo-salo ang idinaos ng reyna.

"Tunay nga namang napakabuting ina ng ating mahal na reyna. Biruin mong kahit abala ito sa pagpapatakbo sa palasyo ay mayroon pa rin itong panahon upang idaos ang anibersaryo ng kamatayan ng anak nila," komento ng isa sa kanyang bisita.

Lihim namang napangisi ang ginang dahil sa narinig na papuri mula dito.

"Ngunit mahal na reyna, nasa'n ang mahal na hari? Tila hindi ko pa ito nakikitang muli," tanong naman ng isa.

"Ang mahal na hari ay may kinakaharap na sakit sa ngayon at akin siyang ipinapagamot sa ibang lugar upang mapabilis ang paggaling niya at nang makabalik na ito sa kanyang palasyo," malumanay naman na sagot nito.

Napatango nalang ang ilan sa kanya,

"Tuloy ba ang pa-ilaw mamaya mahal na reyna?" tanong muli ng isa sa reyna.

Binalingan naman ito ng ginang at nginitian. "Oo naman, iyon ang mahalagang parte ng selebrasyong ito. Ang mailawan ang kalangitan kung nasaan na ngayon ang aking anak."

Habang pinagmamasdan ang kabuuan ng malawak na silid kung saan idinaos ang anibersaryo para sa anak ay hindi mapigilan ng reyna na mapangiti dahil nakuha na niya ang matagal na niyang inaasam. Ang buong kaharian.

What Hides Beneath The TowerNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ