62

6.3K 292 29
                                    









Unedited...







"Kumusta ang first day of school?" masayang tanong ni Zia nang maaga pang dumaan sa condo ni Chester .

"Okay lang pero sana lagi mong tandaan na mas matanda pa rin ako sa 'yo."

"Oo naman. Makakalimutan ko ba 'yon?" natatawang wika ni Zia. "Bakit mo naman nasabi?"

"Kasi oras-oras na lang nagcha-chat ka. Zia naman! Hindi ako kindergarten na iniwan ng inang mag-isa sa school."

Lumabi ang pinsan. "Syempre natutuwa lang ako. Firstday mo kaya. Isa pa, ganyan ka rin naman sa akin noon ah!"

"I know pero teenager ka pa noon at walang alam dito sa ciudad e ako? Jusko naman, ang tanda ko na, Zia. Gamay ko na ang palibot dahil sa pagta-taxi ko."

"Sorry na. Ako kasi ang na-excite."

"Psh! Kumusta ang trabaho?"

"Okay lang. Mahirap sa una pero kinakaya naman!" masayang sagot ni Zia.

"Salamat, Zia."

"Walang anuman dahil dapat lang tayong magtulungan pero magta-taxi ka pa rin ba talaga?" Masasabi niyang pareho na silang magpinsan na naka-move on. May kirot man sa puso minsan pero hindi na iyon ang focus nila. Tama si Reon, darating ang araw na maalala nila ang nakalipas pero hindi na iyon makakapinsala sa present life nila.

"Hindi naman lahat ng bagay i-asa ko sa iyo. Ikaw na nga ang nagbayad ng matrikula ko at bahay, pati ba naman ang pagkain eh sa 'yo pa?"

"Tigilan mo ako, Chester! Tayong dalawa lang naman ang magtulungan."

"Pero malakas pa ako at kaya ko. Binilhan na nga ninyo ako ng taxi eh. Isa pa, alangan naman pabayaan ko 'yan."

"Pwede namang ipabyahe mo sa iba tapos magbigay lang sa 'yo."

"Iyon ang gagawin ko kapag Lunes hanggang Biyernes pero kapag weekends, ako na ang babyahe dahil wala naman akong ginagawa."

"Sus, mag-aral ka na lang."

"Pwede naman akong mag-aral habang nag-aabang ng pasahero. Ano ba? Diskarte ko 'to sa buhay, Zia. Hayaan mo ako, okay?"

"Hmm? Bahala ka. Sige na, male-late na ako sa trabaho," paalam ni Zia at lumabas na dahil baka mainip pa ang driver.

"Kuya Mario, remind mo po ako na dadaan sa mall after ng duty dahil bibili ako ng baby's dress," excited na pakiusap niya.

"Buntis ho kayo?"

"Hindi po ah," natatawang sagot ni Zia. "Para sa baby ni Kuya Marvin."

"Ah... akala ko buntis na naman ho kayo, Ma'am."

"Sana nga po," ani Zia pero kapag hindi pa ibigay ni Lord, okay naman sa kanya. Si Reon, atat na atat nang magkaanak pero sabi ng OB, wala naman daw problema sa kanila kahit na na-abort ang una nilang baby.

Pagdating sa opisina, agad na tumungo si Zia sa office ni Reon.

"Morning," bati niya kay Reon na kausap si Jessica. Napatingin si Reon sa wristwatch nito kaya napakagat siya sa ibabang labi. "Ahm... dinaanan ko lang sa condo niya si Chester para kumustahin ang first day of school niya kahapon."

"Sa opisinang ito, no excuse sa kung ano man ang rason kung bakit late ka. Do you think valid ang reason mo para i-consider ang pagka-late mo?"

"Five minutes lang naman," nakalabing depensa niya.

"In our office, time is gold! Dapat alam mo na 'yan," ani Reon at hinarap sj Jessica. "Pakikuha naman ako ng coffee ko sa cafeteria."

"Yes, sir." sagot ni Jessica at nginitian si Zia. "Morning, Ma'am."

Un-tie (R-18)Where stories live. Discover now