40

6.5K 313 46
                                    














Unedited...








Mula airport, laging nakaalalay si Reon sa dalaga dahil firstime nitong sumakay sa eroplano at mangibang bansa.

Dahil maiksi lang ang panahon nila, dalawa lang ang pupuntahan nila sa Europe, ang Paris at Netherlands. Nauna silang tumungo sa Paris, France at pinanood ang eiffel tower sa gabi. Tuwang-tuwa si Zia nang umilaw ang tower pagpatak ng alas siete sa gabi. Si Reon ang naging photographer niya.

"Hanggang umaga na ba ito iilaw?" tanong ni Zia habang nakatingala sa Eiffel tower.

"Fifteen minutes lang 'yan. Tapos mamayang alas otso, iilaw ulit," sagot ni Reon.

"Ay, akala ko magdamag na," ani Zia.

"Tara, doon tayo," sabi ni Reon sabay turo patawid sa tulay. Sumunod si Zia sa kanya. Maliban sa malamig ang sinoy ng hangin, winter pa kaya damang-dama talaga nila ang pasko.

"Ang dami palang ibang lahi dito na nagbebenta no?" puna ni Zia dahil sa gilid ng kalsada ay may nagbebenta ng sombrero at keychain na eiffel tower design.

"Mga refugee ang mga 'yan," sabi ni Reon saka hinawakan ang kamay ni Zia. "Ang lamig!" agad niyang depensa bago pa makareklamo ang dalaga. "Isa pa, baka magkahiwalay tayo at mawala ka."

"Oo na! Dami ka pang dahilan eh. Kapag holding hands, holding hands na!" ani Zia saka inirapan ang binata.

Tumawid sila sa kalsada at naglakad sa parang mini park na may fountain kaharap lang ng eiffel tower.

"Sir, Ma'am," tawag ng lalaking may dalang heart balloons. "I am a professional photographer. Would you like me to take you a photo?" tanong nito sa dalawa.

"How much?" tanong ni Reon.

"Twenty euro," sagot nito.

"Pa-picture tayo," sabi ni Reon at hinila si Zia sa gitna. "Please take eiffel tower as our background," ani Reon at ibinigay kay Zia ang heart balloons saka inakbayan ito para magpakuha ng litrato.

"Magkaharap tayo," ani Reon. And look into my eyes."

Hinawakan niya si Zia sa bewang saka niyuko. Naiilang na tumingala si Zia saka nginitian si Reon.

"Shit," bulong ni Reon saka niyuko si Zia at mariing na hinalikan sa mga labi kaya napapikit ang dalaga pero naramdaman niya ang pag-flash ng camera.

"May I see?" tanong ni Reon na lumayo sa dalaga at tiningnan ang mga litrato nila. Ipinakita ng photographer at sinabing pumili sila ng isa kaya nagulat si Zia dahil bakit isa lang?

"I'll take it all," sabi ni Reon at tinanong kung ilan ang i-a-add niya? Kumuha rin siya ng copy nila. Ibinalik ni Zia ang balloons saka sumama kay Reon na maghanap ng makakainan.

"Wala bang rice?" reklamo ni Zia na medyo nilalamig na kahit makapal ang winter jacket niya.

"Hanap tayo ng may rice," natatawang sabi ni Reon.

"Kahit steak na lang, okay na ako," ani Zia at muling tiningala ang eiffel tower. Sobrang ganda nito tingnan at ang taas pa. Niyaya siya ni Reon na umakyat pero ayaw niya dahil takot siya sa heights. Kuntento na siyang tingalain ito.

"Do you like it?" tanong ni Reon nang muli siyang akbayan.

"Yes. Parang kailan lang, tinitingnan ko lang ito sa poster."

"Ngayon kasama ka na sa litrato," ani Reon saka tumigil at hinalikan sa noo ang dalaga.

"Thank you, Reon."

Un-tie (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon