chapter 14

6.9K 248 15
                                    






Unedited...



"Sa Sabado, sunduin kita mga 6 pm. Or sa office ka na after ng work, sabay na tayong pupunta, okay?" wika ni Reon habang nagbibihis ng damit si Zia.

"Ano hong mayroon?"

"Party ng pamangkin ko."

"Hindi ako sigurado."

"Come on, minsan lang syang mag-aya at pumayag na ako."

"Pero h-hindi po ako pwede," sabi niya dahil alam niyang mayayaman na naman ang nandoon at ma-out-of place siya.

"At bakit?"

"K-Kasi ano." ayaw lang talaga niya pero kailangan niyang makahanap ng valid reason.

"Because?" ulit ni Reon. "Wag ka nang maraming dahilan, Zia. Five o'clock, papasundo kita kay Marvin."

"May pupuntahan talaga ako, sir!" sabi niya at napakagat sa ibabang labi. "In-invite rin ako ng bestfriend ko na pumunta sa birthday party niya kaya h-hindi ako pwedeng sumama sa 'yo."

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" salubong ang kilay na wika ni Reon.

"K-Kahapon lang niya sinabi at lastyear, hindi rin ako pumunta. Nangako ako na ngayon ako pupunta kaya mahalaga ang dadaluhan ko bukas," sabi niya. No choice sya e.

"Hindi ba pwedeng ma-cancel mo iyon?"

"Nangako na ho ako."

Narinig niya ang pagbuntonghininga ni Reon.

"Okay," ani Reon. "Then mapilitan akong si Monica ang isasama." Wala siyang choice. Nasabi na niya kay Monica na may isasama siya pero mukhang ayaw naman ni Zia.

"Goodluck!" ani Zia. "Okay lang ho ba sa kanya na may iba ka pang babae?"

Iniwas niya ang mga mata nang tumingin si Reon sa kanya.

"What do you mean?" tanong ni Reon.

"Girlfriend mo siya tapos nakikipag-sex ka sa akin."

"It's none of your business, Zia!"

"Sorry," ani Zia at kinuha ang bag. "Baka nasa baba na si Kuya Marvin."

"Here. Take this," alok ni Reon na may hawak na limang libo. "Baon mo."

"Hindi ko na po kailangan, sir. May pera pa ako."

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo, Zia?"

"May sapat pa ako na pera."

"Hindi ka makakaahon sa putik sa ganyang mindset!" ani Reon. "Kapag magsawa na ako sa 'yo, hindi na kita bibigyan ng pera. Bakit hindi mo ipunin ang bigay ko at ipatayo ng sariling business kagaya ng ginagawa ng ibang babae? Tutal wala ka na rin namang magawa eh! May nangyari na sa atin. Wala kang mararating sa pride mo, Zia!"

"Alis na ho ako," paalam niya saka walang lingong iniwan si Reon.

Agad siyang nagpahatid kay Marvin sa paaralan.

"Kuya Marvin? Tingin mo makakalaya pa ba ako sa ganitong sitwasyon?" tanong niya.

"Na ano?"

"Na parang puppet ni Sir Reon," sagot ni Zia. "Alam mo ang sitwasyon namin at alam mo ring anumang oras ay balewala na ako sa kanya. Pagod na ho ako, Kuya. Wala akong kalayaan. Nakatali na ako sa kanya na kahit anong gusto kong gawin ay wala akong kalayaan!"

"Mabait naman si Sir Reon," ani Marvin at nginitian siya. "Just go with the flow."

"Sa inyo mabait siya. Sa akin, hindi!"

Un-tie (R-18)Where stories live. Discover now