34

5.9K 321 42
                                    














Unedited....










"Pauwi ka na?" tanong ni Jeric nang mahabol siya.

"Oo. Wala na kasi akong gagawin eh."

"Tara, hatid na kita."

"May sundo ako eh."

"Sus, eh di tawagan mo."

"Eh? Baka magalit ang boss nila," nag-aalalang sagot ng dalaga. Ayaw naman niyang mapagalitan ang magpinsang driver dahil sa kanya.

"Takot ka pala kay Tito eh."

"Syempre sya ang boss ko. Alam mo namang alalay lang ako."

"Alalay na may alalay," natatawang sabi ni Jeric. "Alam mo, Zia, huwag kang magpa-under sa kanya. Isipin mo na hindi ka niya maid kung ganyan ang treatment niya sa 'yo. Ba't ka magpapaalipin sa kanya?"

"Hindi naman pero ayaw ko lang makipagtalo sa kanya. Kilala mo naman siya eh."

"Kilala ko nga siya kaya nga sinasabi kong lumaban ka. Ginaganyan ka niya kasi nagpapaapi ka."

"Jeric kasi—"

"C'mon, Zia! Kilala ko si Tito Reon, hindi 'yan magkakaganyan kung hindi mo sinanay. Believe me, may laban ka sa kanya."

"Kaunting time na lang at matapos na ako."

"Zia naman! Bakit ka ba natatakot sa kanya? Hindi ka niya tatanggalin sa scholarship! Kahit na nanakot 'yan, may isang salita lang!" halos pikong sabi ni Jeric. "Speaking of the devil!" bulong niya nang makitang palapit ang tiyuhin.

"Hindi ka pa ba uuwi, Zia?" tanong ni Reon.

"Pauwi na kami, ihahatid ko siya," sagot ni Jeric saka inakbayan si Zia. "Di ba, bes! Ihahatid kita?"

"H—Ha?" napatingin si Zia kay Jeric pero naramdaman niya ang pagpisil nito sa balikat niya na tila sinasabing sumakay na lang siya. "Ah, oo. Pauwi na kami."

"Hatid ko na siya tutal, malapit lang naman ang bahay ko sa condo niya," ani Jeric at matamis na nginitian si Reon. "Ikaw ho, tito? Uuwi ka na ho ba?"

"Hindi pa," sagot ni Reon.

"Di pa ba tapos ang klase mo? Ilan ba ang tinuturuan mo?"

"Apat na klase," sagot ni Reon. "Nagpapaturo pa ang kaklase ninyo sa akin sa ibang subject ninyo kaya tuturuan ko na lang."

"Ay, grabe naman! May bayad pala mag-tutor sa 'yo?" sarcastic na tanong ni Jeric.

"Libre lang, mabait naman ako," sagot ni Reon. "Kawawa naman kasi, mukhang hindi naturuan ng mabuti ng ex-boyfriend niya."

Paunti-unting gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Jeric. Mukhang hindi niya nagustuhan ang tono ng pananalita ni Reon.

"Sino ang tuturuan mo?"

"Ah, si Trina lang naman. Nakiusap na kung pwede ko turuan eh," sagot ni Reon. "Sige, ingat kayong dalawa sa pag-uwi. Siguraduhin mong ihatid mo si Zia sa bahay niya."

Tumalikod na si Reon saka naglakad patungo sa library.

"Alam mo, Zia, kung hindi ko lang siya tiyuhin, baka hinamon ko na siya nang suntukan!" gigil na sabi ni Jeric.

"Oh, ba't parang galit ka?" natatawang tanong ni Zia.

"Damn! Baliw ba siya? Bakit sya magtuturo kay Trina? Nanghahamon talaga sya eh!"

"Baka gusto mong magpaturo din sa kanya?" sarcastic na tanong ni Zia. "Mauna na ako, nasa labas na ang sundo ko!"

"Teka, ihahatid na kita."

Un-tie (R-18)Where stories live. Discover now