chapter 3

10.5K 317 24
                                    








Unedited....







Masaya siya dahil matataas ang score niya sa quizzes. Bumaba lang talaga ang grades niya noon dahil ilang linggo siyang na-ospital at muntik na ngang ma-drop out. Muntik na ngang malugi ang negosyong naiwan ng mga magulang niya. Buti at magaling humawak ng pera ang kanyang tiyahin. May manukan sila at tita na niya ang nagma-manage kapalit ng kaunting pera na pinapadala nito para sumuporta sa pag-aaral niya kagaya ng pamasahe at pagkain. Mabait ang tiyahin niyang hindi na nakapag-asawa matapos magpakasal ang dating kasintahan sa ibang babae.

"Ang galing mo ah! Salamat sa pagpakopya," bulong ni Petra.

"Sure! Basta ikaw!"

"Pasensya ka na dahil hindi ako nakapag-aral."

"Wala iyon," sabi niya na naunawaan ang kaibigan dahil inatake ito ng ulcer kagabi kaya hindi nakapag-aral nang mabuti.

"Ano ang ulam natin mamaya? Bili na lang ba tayo ng ihaw-ihaw?" pag-iiba ni Petra.

"Pwede rin," sagot niya. Share sila sa pagluluto para makatipid sa uling at pera.

"Nakakatamad magluto eh," sabi ni Petra.

"True. Sumasakit pa ba ang sikmura mo?"

"Hindi na," sagot ni Petra at napatingin sa kulay pulang Montero car. "Wow! Ang ganda naman! Kailan kaya ako makakabili niyan?"

"Mag-aral tayo nang mabuti," sabi niya pero natigilan nang makilala ang bumabang driver saka pinagbuksan ang among nasa backseat. Napatalikod siya. "Teka, sino ang poging-"

"Petra, CR lang ako," paalam niya at tumakbo patungo sa public CR. Isang linggo na mula nang magkausap sila ni Reon sa bahay nito pero hanggang ngayon, nandoon pa rin ang kaba sa dibdib niya. Mayaman ito at mahirap siya. Paano kung may masama itong balak sa kanya? Pero mula noon, never na itong nagparamdam sa kanya. Pumasok siya sa cubicle at naupo sa toilet para pakalmahin ang sarili. Iniisip niyang baka sinusubukan lang silang lahat kung gaano sila kamukhang pera? Lalo na siya eh wala talaga siyang papel sa buhay nito at sabi nga nito, she's a nobody.

Nang mapakalma ang sarili, lumabas siya at naglakad patungo sa classroom nila pero pagliko niya ay saka naman niya nakasalubong si Reon kasama ang dalawang security guard nito. Napayuko siya para hindi makilala ng binata. Habang papalapit, mas lalo siyang kinalabahan na para bang huhulihin na ng pulis kaya nilakihan niya ang mga hakbang hanggang sa nakalagpas sila sa isa't isa.

Pagdating sa classroom, nilapitan siya ng guro.

"Miss Mendez?"

"Sir?"

"Pinapatawag ka sa dean's office."

"Ho?" nanlaki ang mga mata niya. "B-Bakit ho?"

"Hindi ko rin alam," sagot ng guro. "Excuse ka sa klase ko today. Pumunta ka na roon."

"O-Okay po," kinakabahang sabi niya at lumabas. Para siyang mahimatay sa takot. Nandito pa naman si Reon. Ano na naman kaya ang mangyayari? May kinalaman kaya ito sa pagpatawag sa kanya?

Pagdating sa dean's office, kumatok siya ng tatlong beses bago buksan ang pinto.

"Good morn-" Napatigil siya nang makitang nakaupo sa loob si Reon kasama ang ibang estudyante.

"First, pinakaayaw ko ang late. Sana magkaroon tayo ng discipline diyan," sabi ni Reon kaya napayuko ang dalaga at napakagat sa ibabang labi. "Tatayo ka lang ba buong meeting, Miss Mendez?"

"S-Sorry po," paumanhin niya saka naghanap ng mauupuan.

"Maaaring may idea na kayo kung bakit ko kayo pinatawag," sabi ni Reon pero clueless ang dalaga. "Lahat kayo ang working student ko, right?"

Un-tie (R-18)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt