11

7.2K 273 23
                                    




Unedited...






"Bakit ba kailangan mo pang magtrabaho eh, bilyonaryo ka na?" tanong ni Mary sa kanya. "Kami na ang bahala rito. Unless, wala kang tiwala sa amin?"

"Ikaw? Bakit ka nagtatrabaho e pwede ka namang sa bahay lang at magpatayo ng sarili mong business?" balik-tanong ni Reon.

"Mas malaki ang kita rito kaysa mag-business pa ako," sagot ni Mary.

"See? Same lang sa akin. Nakakatamad tumambay sa bahay. And besides, dito ang bahay ko sa office at hotel kaya malamang araw-araw ninyo akong makikita."

"Hmm? Seriously, Reon. Magliwaliw ka. Noong walang-wala ka, gala ka nang gala pero ngayong halos nasa iyo na ang lahat, saka ka naman tinamad. Life is too short, enjoy! Isa pa, tumatanda ka na. Kahit na mag-anak ka ng isang barangay, kaya mo silang buhayin."

"Ba't ba atat na atat kayo sa akin? Hayaan ninyo ako."

"Hanggang ngayong apektado ka pa rin ba kay Monica? Marami namang babae riyan!"

"Kinalaman ni Monica? We're over!"

"But she's back at alam naming baliw na baliw ka sa kanya."

"Noon 'yon!"

"At ngayon?"

"People change," ani Reon at hinigop ang kape.

"How about Zia?"

Napasulyap si Reon kay Mary saka inilapag ang tasa nga kape.

"Anong Zia?" clueless na tanong ng binata.

"May gusto ka ba sa kanya?"

"What?" napa-smirk ang binata na para bang malabo ang itinatanong ng kaharap.

"Ano sya sa buhay mo maliban sa working student mo siya?"

"She's nobody!" ani Reon saka napailing.

"But did you fuck this nobody?" nakataas ang kanang kilay ni Mary na para bang imbestigador.

"Is it the right approach sa boss mo?"

"I am not an employee, Reon! I am talking to you as a friend!" giit ni Mary.

"I fuck her, yes!" pag-amin ni Reon. "But who cares?"

"We don't care!" ani Mary na inirapan si Reon. "Nakakapagtataka lang na until now, kinikita mo pa rin siya."

"She's a working student, alangan naman tatanggalin ko. Isa pa, she works hard naman sa school kaya wala akong nakikitang rason para tanggalin siya sa work."

"But you can put her sa ibang department o building."

"Wala tayong tigalinis."

"Maraming extra diyan."

"I don't trust them!" agad na depensa ni Reon. "You knew me!"

"At sa kanya, may tiwala ka?"

"She's harmless," ani Reon.

"For now," ani Mary na tinitigan nang maigi si Reon.

"What do you mean?"

"Ewan," ani Mary. "Why do I feel na she will be your greatest downfall?"

Tumawa nang malutong si Reon saka umiling.

"Umuwi ka na nga nang maaga. Kung ano-ano ang iniisip mo eh."

"Be careful, Reon. Kilala ka namin," ani Mary.

"Wala siyang gagawing masama, I can assure you," kampanteng sabi ni Reon.

Un-tie (R-18)Where stories live. Discover now