21

6.6K 309 33
                                    








Unedited....







"Bakit ka nakaganyan?" tanong ni Reon nang mapunang napahawak si Zia sa puson. Matapos ng mahabang sagutan kanina ay hindi na niya napigilang magsalita muli.

"Wala." Umayos sa pagkakaupo ang dalaga.

"Ano nga, Zia?"

"Masakit lang ang puson ko."

"Kailangan mo ng gamot?"

"Hindi na. Pagod lang ako kaya nagkakaganito."

"Are you sure?"

"Yes, sir," sagot niya.

Tumigil sila sa mall na malapit sa hotel ni Reon.

"Baba na."

"Bakit?" tanong ng dalaga.

"May bibilhin tayo."

"Pwede bang maiwan na lang ako?"

"Hindi pwede. Baba ka na."

"Please, masama ang pakiramdam ko," pakiusap ng dalaga kaya napatingin si Reon sa kanya.

"Ngayon marunong ka nang makiusap!" ani Reon saka bumaba nang pagbuksan ni Marvin ng pintuan. "May papabili ka?"

"Napkin!" biro na sagot ng dalaga kahit na half-meant dahil may period naman talaga siya ngayon.

"Pakibantayan si Zia," bilin ni Reon kay Marvin.

"Hindi ba siya sasama?"

"Hindi. Dito lang kayo."

"Pero boss—"

"Kaya ko na ang sarili ko, Marvin. Huwag mo siyang iwan dito."

Nag-aalalang sinundan ng tingin ni Marvin si Reon na pumapasok sa mall.

"Matanda na ho siya kaya kaya na niya ang sarili niya," sabi ni Zia kay Marvin na nakatayo sa tapat ng pintuan habang naninigarilyo.

"Hindi siya pwedeng mawala sa mga mata namin."

"Bakit?"

"Alam mo namang bilyonaryo si Boss, marami ang nagkainteresado sa buhay niya. Mahirap nang malamangan ng kalaban."

"Sundan mo na lang po kaya siya? Okay na ako rito," ani Zia na na-guilty naman.

"Mas magagalit yun kapag sundan ko."

"Pasensya na po," paumanhin niya. "Sundan na kaya natin sjya sa loob?"

"Pwede rin," sabi ni Marvin dahil baka masalisihan sila ng mga kalaban sa negosyo at naghahanap lang pala ang mga ito ng tiyempo.

"Tara!" sabi ni Zia saka bumaba kaya sinundan siya ni Marvin. Nagsisi tuloy siya dahil nag-iinarte pa siya. Ang sakit lang ng puson niya kaya tinatamad siyang bumaba para samahan ito at umiiwas na rin siya sa sasabihin ng mga nakakakita sa kanila.

"Saan siya pumunta?"

"Supermarket 'yon," sabi ni Marvin kaya pumasok sila sa Supermarket para hanapin ang binata.

"Wala naman ata," wika ng dalaga na nakadalawang ikot pa. "Tawagan mo na lang ho kaya?"

Dinukot ni Marvin sa bulsa ang cellphone at tinawagan si Reon pero hindi nito sinasagot ang tawag.

"Hala, kuya, kinakabahan ako!" wika niya.

"Tara, hanapin natin sa iba," yaya ni Marvin.

"Maghiwalay na lang kaya tayo?"

Un-tie (R-18)Where stories live. Discover now