------------------------

Samantala, nagising si Shiloh nang biglang sumakit ang kanyang tiyan..

Aray!! Nay!!

Sigaw ni Shiloh. Halos hindi n'ya maunawaan ang sakit ng kanyang nararamdaman.

"Nanay!!" Muling sigaw ni Shiloh.

Nagmadaling pumasok si Aling Berna at nakitang sinasapo ni Shiloh ang kanyang tiyan.

"Anak, anong nangyayari?"Biglang nag-alala si Aling Berna.

"Ang sakit ng tiyan ko...Nay, tulungan n'yo ako." Naiiyak na si Shiloh.

Agad tumawag ng ambulansya si Aling Berna.

Itinakbo sa hospital si Shiloh. Walang hinintay ang mga doktor. Muling isinagawa ang operasyon. Nagkaroon ng pagdurugo ka Shiloh kaya nagdesisyon ang mga doktor na tanggalin na lamang ang sanggol.

Nakarating ang balita kina Noah, kaya dali dali silang pumunta ng hospital.

Kitang kita nina Noah na nababahala na ang lahat habang hinihintay ang paglabas ni Shiloh sa operating room.

"Berna, anong nangyari at bakit nagkaganun si Shiloh?"

"Sumakit ang tiyan ni Shiloh kanina. At pagkatapos ay dinugo s'ya. Sabi ng doktor nagkaroon ng problema ang kanyang matris. Kaya dapat tanggaling ang sanggol."

"Ano?!" Hindi makapaniwala si Evon.

Umiyak si Evon at niyakap si Noah.

Kung masakit ang nararamdaman ng ina ni Noah sa pangyayari mas doble ang nadarama ni Noah. Hindi n'ya mapigilan ang mapaluha rin.

Napasandig naman sa pader ang ama ni Noah.

Dumating si Kiko. Nababakas sa mukha ni Kiko ang tinding pag-alala sa kasintahan.

"Nay,maayos po ba si Shiloh?" Agad natanong n'ya.

"Nasa Operating Room parin s'ya. Kailangan nating maghintay."

Mahabang oras ang hinintay ng lahat. Hanggang sa nailabas si Shiloh sa silid nito.

--------------------

Minulat ni Shiloh ang kanyang mga mata. Ramdam n'ya ang kirot sa kanyang tiyan.

"Nay.." Basag na boses ni Shiloh.

"Anak.."

Umiyak si Shiloh alam n'yang wala na ang sanggol sa kanyang sinapupunan.

Matinding iyak ang nakita ng lahat kay Shiloh. Lumapit si Evon at niyakap ang dalaga.

"Shiloh, alam kong masakit ang mawalan ng anak. Pero talagang hindi maiwasan ang mga bagay na di inaasahan." Umiyak din ng husto si Evon.

Napatingin si Shiloh kay Noah. Namamasa din ang mga mata ni Noah. Damang dama ni Shiloh ang sakit na pinagdadaanan ni Noah sa mga sandaling 'yon.

"Noah, I'm sorry.." Garalgal na boses nito.

Lumapit si Noah at niyakap ng mahigpit si Shiloh. Wala s'yang pakialam sa mga taong nasa paligid. Alam n'yang mauunawaa nila ang kanyang pinagdadaanan.

"Wala kang kasalanan." Bulong n'ya.

"Pero kailangan mo ng anak."

"Marahil hindi ito ang tamang panahon. Nauunawaan ko 'yon." Sagot ni Noah.

Hindi parin matigil ang iyak ni Shiloh. Damang dama n'ya ang sakit.

--------------------

The BearerWhere stories live. Discover now