Kabanata 24

101 8 0
                                    

Kabanata 24: Mine

Yana's POV

" Yana...may mga bagay mas mabuting nakatago at hindi na kailangang alamin pa dahil kapahamakan lamang ang dulot nito. " Seryoso nitong sabi at hinila ako papalabas.

" T-teka...sandali lang. " Pigil ko rito.

" Stan?! " Mahinang singhal ko ng hindi ako nito lingunin.

Bahagya itong umiling sa akin at dismayadong huminga ng malalim.

" Yana...there are things that are supposedly hidden because they contain something na hindi puwedeng malalaman nino man, tinatago at iniingatan dahil may posibilidad na kung sino man ang makaalam ay may kakaharaping kapahamakan. Those book are forbidden for a reason Yana..." mahabang saad nito.

Kumunot ang noo ko. Hindi ko siya maintindihan. Sa mga sinasabi nito sa akin parang alam na alam niya ang laman ng librong 'yon. Bakit? Ano bang meron sa librong 'yon at parang ayaw niyang alamin ko? Dahil tuloy sa mga sinabi nito ay mas na curious ako. Hindi mapakali ang kaluluwa ko at gustong bumalik do'n.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at lumingon sa aisle na pinanggalingan namin.
Pangakong babalikan ko ang librong 'yon at walang makakapigil sa akin.

Muli kong ibinaling ang tingin sa harap at nagpatianod sa paghila ni Stan sa akin. Bago pa kami tuluyang makalabas ng Library ay napatingin ako sa librarian na  nakasunod ang tingin sa amin at merong mababanaag na takot sa mga tinging ipinupukol nito sa amin. Napakurap ako at umiwas ng tingin dito.

Nang tuluyan na kaming makalabas ay agad akong napapikit at mahinang dumaing.

" Ouch! " marahan kong hinimas ang noo sa inis. Sa pagkakaalala ko ay wala namang pader sa dinadaanan namin pero sa kamalasang palad ay nabunggo ako.

Inis kong itinaas ang tingin at nakita ang nakakunot noong si Zion. Hindi ko namalayang nabitawan pala ako ni Stan habang papalabas at bahagya akong nauna dito kaya nabunggo ako.

Bumaling ito sa likuran ko at tumalim ang tingin nito. Natataka ko itong tinignan at tumingin rin sa bandang likuran. Nakita ko ang hindi mapakaling Librarian sa kinatatayuan nito. Pinagpapawisan at nanginginig ang kamay habang naglilista sa log book nito. Pasulyap sulyap rin ito sa puwesto namin pero hindi rin magtatagal at magbababa ng tingin.

Muli akong bumaling kay Zion na sa akin na ulit ang tingin. Wala na ang matalim nitong titig at masuyong nakatingin sa akin. Tinaasan ko ito ng kilay na ikinangisi niya.

" Looks like you looking for something ' mon amour ' have you ever find it? " Huh?

" Anong nahithit mo? " Naguguluhang tanong ko.

Umiling ito sa akin at marahang pinasadahan ng himas ang buhok nito. Muli itong ngumisi na ikinangiwi ko. Hinawakan nito ang kamay ko at hinila ako.

" Come...Your next class is about to begin. Ihahatid na kita. "  nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito ay nagmamadaling tinignan ang oras sa relo.

" Oh my! Taraaaa! " Natatarantang saad ko ay hinila ang kamay nito paalis.

Nilingon ko si Stan na natatangang nakatingin sa amin at nagpaalam dito.

" Bye bye Staaaan.... kitakits! " Sigaw ko rito at mabilis na tumakbo habang tangay tangay ang panganay ng mga Buenaventura.

Stan's POV

" Bye bye Staaaan.... kitakits! " Sigaw nito sa akin at hinila papaalis si Zion. Napakamot ako sa ulo at bumuntong hininga. Nakalimutan niya bang magkaklase kami? Umiling ako at nilingon ang Librarian na nanginginig sa takot.

That Aswang Is Inlove With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon