Simula

153 11 1
                                    

Yana's POV

Suot ang isang mini back pack na naglalaman ng mga importanteng gamit, ay tahimik akong naghihintay ng bus na sasakyan papuntang San Vicente. Maghahanap kasi ako ng matutuluyang apartment sa nalalapit na pasukan.

Naisip ko na makakamura ako kung sa probinsya ako mag-e-enrol. Masyado kasing mahal ang mga unibersidad sa Manila. Hindi naman ako mayaman para matutustusan ang matrikula do'n. Ediya rin ng 'to ng Tita ko kaya pumayag rin ako.

Siya nalang kasi ang natitirang pamilya ko. Wala na ang mga magulang ko. Matagal na silang namayapa sa mundo. Ang sabi sa akin ni Tita. Mag abang raw ako ng bus na magdadala sa akin sa terminal ng San Isidro.

Tapos sasakay ulit ako ng bus patungong San Vicente. Pero nangangalay na ako kakatayo dito sa babaan ng bus! Ilang oras na akong naghihintay pero hanggang ngayon ay wala paring dumadaan.

Tinignan ko muli ang maliit na papel na hawak at binasa ang nakasulat dito. Sinulyapan ko ang karatula kung saan nakasulat ang pangalan ng lugar na 'to. Nasa tamang address naman ako ah.

Pero bakit walang dumadaan? Walang mga sasakyan na dumaraan. Kung meron man ay napanaka naka lang. Nagdududa tuloy ako. Baka naman pinagtitripan ako ni Tita. Pero parang malabo rin.

Ang alam ko. Doon lumaki si Tita sa San Vicente e. Napabuga ako ng hangin at pinalobo ang pisngi ko. Kung kanina ay excited ako, ngayon naman ay naiinis na. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis?

Jusko day! Sinasabi ko inyo, tatlo lang kaming mga naghihintay na pasahero dito. Ako, yung isang matanda at isang lalaking mukhang nakadrugs. Paano ba kasi balot na balot ang buong katawan tapos tanging mata lang ang makikita mo. Ang jacket nito ay nakataas ang zipper hanggang bibig.

Tapos naka-cap pa. Akala mo may lamay na pupuntahan haha. Nakaitim pa siya from the bottom to the top. Hindi ba siya naiinitan? Hello? Anong akala niya? Nagyeyelo sa pilipinas? Ako nga tagaktak ang pawis kahit naka off shoulder siya pa kaya?

Gamit ang panyo ay pinunanasan ko ang pawis na tumutulo sa noo ko. Pinaypayan ko rin ang sarili gamit ang mga kamay.

" Ang init! My ghad. "

" Ito iha. " napabaling ako sa isang gilid nang magsalita ang matandang kasama namin.

Iniaabot nito sa akin ang hawak na abaniko.

" Ay naku lola, huwag na po, mas kailangan niyo 'yan. " tangi ko rito.

" Hindi apo, ayos lang ako, tagaktak na kasi yang pawis mo, baka matuyuan ka at magkasakit ka pa. Ang ganda mo pa namang bata para painitan lang. " namula ako dahil sa sinabi nito. Maganda raw ako?

" Ako? Maganda? Naku Lola, mukha malabo na po yang mata niyo patingin na kayo sa EO, tsaka okay po talaga ako, promise. " itinaas ko pa ang kaliwang kamay na parang nanunumpa.

Napailing nalang ito sa akin.

" Sa San Vicente ba ang punta mo iha? " tanong nito.

" Ahh. Opo. May tanong po ako lola. "

" Ano iyon? "

" Tama po bang 'tong lugar na hinihintayan ko? Parang hindi e, kanina pa ako rito pero wala pa ring dumadaang bus, ang sakit narin po ng paa ko. Baka kapag tumagal pa ako ng ilang oras dito mahimatay na ako dahil sa sobrang init. " natawa ito dahil sa sinabi ko. Napataas ang isang kilay ko dahil dito.

" May nakakatawa po ba sa sinabi ko? "

" Ikaw na bata ka, patawa ka talaga---" mukhang ba akong nagjojoke? "---Haha oo, ito nga ang hintayan papuntang San Vicente, ganito talaga dito iha kaya huwag kang magtaka. Madalang lang talaga ang mga bus na pumupunta sa probinsyang 'yon. "

That Aswang Is Inlove With MeWhere stories live. Discover now