Kabanata 8

104 9 0
                                    

Kabanata 8 : Zion Buenaventura

Yana's POV

" Shut up! You both! " gigil na saad ni Travis na siyang ikinatawa ng magpipinsan.

" Looks like...Someone will be buríed 6ft under the ground. " walang pake na sabi ni Clayton habang ngumunguya ng hawak nitong Doritos.

" Tss! " inis na singhal ni Zion. Nagsalubong pa lalo ang kilay nito.

Napatingin ako sa kamay nito na patuloy paring nagdurugo. Hindi ba siya nasasaktan? Dapat pumunta na siyang clinic!

Nagawi ang tingin ko kay Archer na tahimik na nagmamasid sa amin. Agad kong iniwas ang tingin dito dahil parang kinikilatis niya ako. Pinaglalaruan rin nito ang mapulang labi habang nakatingin.

" Zio, I think...you need to go to the clinic. " biglang sabi nito habang nakatingin parin sa akin bago bumaling Zion at tumingin kay Walter.

Tama! Tama! Dahil baka maubusan siya ng dugo!

Saglit na natigilan si Walter dahil sa paninitig ni Archer at lumapit ito kay Zion para bumulong. Kumunot ang noo ni Zion sa sinabi nito at tumingin sa akin. Binasa nito ang pang ibabang labi at tumayo.

Nagulat pa ako dahil sa bigla pagtayo nito. Lumapit ito hanggang sa huminto ito sa harap ko. Langhap na langhap ko pa mahahaling pabango nito. Bigla tuloy akong nanliit dahil sa taas nito. Nagmumukha akong duwende! Ngumuso ako iniwas ang tingin.

" Can you accompany me? " narinig kong sabi nito, kumurap ako at sumulyap dito.

Ako ba ang kinakausap niya?

" Ako? " parang tangang sabi ko at itinuro pa ang sarili. Saglit na dumaan ang ngiti nito sa labi at kalaunan ay nawala rin.

Tumango ito sa akin kaya natigilan ako saglit. Bago pa ako makasagot ay sumingit si Walter.

" Wala ka namang ginagawa diba? Can you accompany him? Kawawa naman baka maubusan siya ng dugo. "  natatawang sabi nito. Muli kong tinignan ang kamay ni Zion na patuloy paring nagdurugo, mukhang malalim ang pagkakaon ng bubog sa kamay nito. Napangiwi ako.

" S-sige... " nauutal na sabi ko.

Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Snow. Ramdam ko pa ang pagtutol nito pero bago pa ito makapagsalita ay hinila siya ni Travis.

" Come on... My hand hurts badly. " seryosong sabi nito. Kumunot ang noo ko dahil kung titignan mo siya ay parang hindi naman siya namimilipit sa sakit.

Nauna itong lumakad kaya sumunod ako. Tahimik lang kami habang naglalakad. Nasa bandang likuran ko rin ang dalawang kamay habang pinipisil pisil ito. Nauna ito ng bahagya sa akin kaya malaya kong pinagmamasdan ang matipunong likuran nito.

Suot nito ang uniform ng Dutchvill. Malinis at plansyadong plansyado. May rolex sa kanang kamay at ang sapatos...halatang mamahalin. Napapikit ako at inamoy ang mabangong pabango nito. Kahit malayo ito sa akin ay naaamoy ko pa rin ito. Para siyang  naliligo ng pabango sa totoo lang.

Napatigil ako bigla sa paglalakad dahil sa biglang paghinto nito. Napahawak ako sa ilong dahil ang sakit! Kahit ang noo ko ay masakit rin. Ano ba 'yan! Bato ba ang katawan niya?

" Ouch! " mahinang daing ko.

Lumingon ito sa akin kaya umayos ako ng tayo. Siguradong namumula ang ilong at noo ko dahil sa pagkakabunggo. Tumingin ito sa noo ko at kumunot ang noo. Napaatras ako ng hawakan nito ang noo ko. Pakiramdam ko ay tumigil bigla ang oras at kami lang dalawa ang nasa paligid.

Marahan nitong hinimas ang noo ko. Uminit ang pisngi ko dahil sa paghawak nito. Para itong nakahawak sa isang babasaging porselana dahil sa rahan ng pagkakahimas nito.

That Aswang Is Inlove With MeWhere stories live. Discover now