Kabanata 22

65 5 1
                                    

Kabanata 22: Necklace

Yana's POV

" Gorgeous. " rinig kong bulong nito na mas lalong ikinainit ng mukha ko. 

Umiwas ako ng tingin at sumubo ng pagkain. Muli ko itong sinulyapan at nakita ang ngising nakapaskil sa labi nito.

" A-ano palang ginagawa niyo rito? " tanong ko.

" We are here to eat ' mon amour'. " ngumiwi ako sa sinabi nito.

Tama nga naman. Bakit pa ba ako nagtanong?

Hindi na ako sumagot at nagpatuloy sa pagkain. Nasa pangatlong subo na ako nang napansin ko itong nakatitig lang siya akin. Akala ko ba kakain siya?

" Sabi mo kakain ka? Nasaan na ang pagkain mo? " kunot noong tanong ko.

" I am already full ' mon amour ' "

" Huh? Hindi ka nga kumain e, anong kinain mo hangin? " nakataas kilay na sabi ko.

Natawa ito sa sinabi ko at pinisil ang pang ibabang labi nito. Umiling ito sa akin bago sumenyas sa waiter. Agad na may lumapit dito at sinabi nito ang gusto niyang kainin. Saglit rin ako nitong sinulyapan at tinanong.

" What do you want for dessert ' mon amour? ' they have chocolate mousse cake and blueberry cheesecake, they also have lava cake, straberry cake, red velvet cake, chocolate mud cupcakes, carrot cake and banana cake. Which one do you like? " baling nito sa akin.

Hindi ako sumagot ito at saglit na natanga sa tanong nito. Tumaas ang isang kilay niya at ilang sandali pa ay muling binalingan ang waiter na naghihintay sa gilid.

" Blueberry cheesecake and chocolate mud cupcakes for her. " matapos nito ay umalis na ang waiter.

Sandali...wala naman akong sinabi na yun yung gusto kong kainin ah? Paano niya nalaman?

" Psychic ka ba? " kunot noong tanong ko rito.

Naguguluhan itong tumingin sa akin.

" Paano mo nalaman na yun yung gusto ko? Nababasa mo ang isip ko? " dugtong ko pa.

" Nah... It was just a lucky guess, I guess? " kibit balikat na saad nito.

Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos kami ay sandali kaming nanatili sa cafeteria at hindi rin nagtagal ay bumalik na kami sa kanya kanya naming klase.

" Ihahatid kita. " seryosong sabi ni Zion. Hindi pa man ako nakakabawi sa gulat ay kinuha niya ang bag ko.

" T-teka! Sandali..." hindi ako nito pinansin at hinawakan ang kamay ko. Bahagya akong nakaramdam ng kiliti nang sandaling maglapat ang kamay namin sa isa't-isa.

Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang tignan ang kamay namin. Ramdam ko ang pangangamatis ng mukha ko dahil sa hiya. Ang laki ng mga daliri niya at pansin ko lang na parang mainit siya? Para siyang may sinat dahil sa temperatura ng katawan niya. Pero kung titignan ko siya ay parang wala naman siyang iniindang sakit.

Natigil ako sa pag oobserba dito dahil natatanaw ko na ang pintuan ng classroom namin. Bahagya kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak nito pero humigpit lang ito.

" Zion..." mahinang tawag ko.

" Hmmm? " bahagya ako nitong nilingon at tinignan.

" Y-yung kamay ko... " hindi makatinging sabi ko.

Hindi niya ako pinansin at tuloy tuloy lang ang paghila sa akin. Sumimangot ako at nagpatangay dito. Nasa tapat na kami ng pintuan ng classroom ay pilit kong binabawi ang kamay ko, pero kahit anong gawin ko ay mas lalo lang itong humihigpit.

That Aswang Is Inlove With MeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang