Kabanata 7

111 10 0
                                    

Kabanata 7 : Graveyard

Yana's POV

Abot abot ang kaba sa dibdib ko dahil unang araw ng pasukan ngayon. Grabe parang may karera sa dibdib ko. Para rin akong matataë na ewan, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Huminga ako ng malalim at pumasok sa gate. Marami rin akong kasabayan na mga estudyante. Medyo nahiya pa ako dahil halatang mayayaman ang mga ito. Isinawalang bahala ko nalang at nagpatuloy sa paglalakad. Pumunta akong registrar office, doon ko raw makukuha ang uniform,  school Id, mapa, susi ng locker at schedule.

Kung sa ibang paaralan hindi mandatory ang pasusuot ng uniform, dito naman ay required talaga. Strikto rin sila pagdating sa mga rules and regulations. Like no uniform no entry. Pagkakuha ko ng schedule ay agad ko itong tinignan.

Ang unang klase ko ay Biology. By the way, I' am taking Bachelor of Science in secondary education major in English. Magiging madugo talaga ang unang taon ko sa college. Sa pagkakaalam ko rin ay BS ED ang kinuha ni Snow, hindi ko lang alam kung anong major.

Building 3 , 3rd floor ang magiging classrom ko. Kinuha ko ang mapa at nanlaki ang mata ko dahil ngayon ko lang nakita ang kabuuan ng buong Dutchvill. Ang sabi kasi ni Snow ay ipapasyal niya ako no'n pero hindi natuloy.

Grabe! Ang yaman talaga ng mga Buenaventura. Akalain mo 'yon magkaiba ang gymnasium at auditorium nila. May soccer field, at meron ring time square kung saan puwede kang manatili at magmuni muni kung walang pasok. May sariling building rin ang SSC o Supreme Student Council. Bawal ring tumambay sa soccer field, may malaking cafeteria, Botanical garden at may ilog sa mismong likod ng University.

Masarap sanang tumambay kaso mahigpit na ipinagbabawal dahil kalapit lang no'n ay isang mayabong na gubat. May manual rin palang ibinigay ang registrar sa akin kanina kung saan nakalagay ang mga rules at regulations ng Dutchvill. Siguro ay sa Boarding ko lang ito babasahin.

Tiniklop ko ito at naghanap ng Cr. Magbibihis kasi ako ng uniform. Nang makahanap ay pumasok na ako. Alas nwebe pa naman ang unang klase ko at may 30 minutes pa ako. Inilagay ko dalang tote bag sa sink at kinuha ang uniform sa plastic nito.

Pumasok ako sa isang cubicle ay nagbihis. Lumabas ako at tinignan ang sarili sa salamin. Not bad. Parang siyang Korean style uniform pero hanggang tuhod lang. Kulay, itim at puti ang pangunahing kulay nito.

Long sleeve na puti, meron kulay itim na necktie at botones. May long sleeve blazer na kulay itim na merong logo ng Dutchvill sa may kanang bahagi nito. Ang palda naman ay itim rin at sa ilalim ay merong kulay puting lining. Gano'n rin ang blazer nito sa may bandang bulsa. May kulay itim rin na high socks at puting lining sa may bandang ibabaw.

Ang sapatos ay kulay puti Hindi naman nila paboritong kulay ang itim at puti no? Saktong sakto rin sa akin ang sukat ng uniform. Hindi gano'n kahaba at hindi rin gano'n ka ikli. Dalawang araw matapos kung matanggap ang email nila ay pinapunta nila ako para magpasukat. Sagot na'rin daw kasi ng school ang uniform namin.

Ayos na 'yon kay'sa magpatahi pa ako. Gagastos lang ako. Pagkatapos kong mag ayos ng sarili ay lumabas na ako. Hinanap ko ang locker at inilagay do'n ang pinagbihisan ko.

Pumunta akong building 3 at sumakay sa elevator. Bumukas ang elevator kaya lumabas na ako. Maraming mga estudyante ang nasa corridor. Merong iilan na nakikipag kuwentuhan sa mga kakilala at meron ring mga lonely na nagbabasa ng libro.

" Oh my ghad! Do know that...Zion Buenaventura have already found it's beloved? " rinig kong usapan ng mga babaeng nagkukumpulan sa isang tabi.

" Duh! There is no confirmation about that kaya may pag-asa pa tayo. " sabat naman ng isa.

That Aswang Is Inlove With MeWhere stories live. Discover now