Kabanata 1

152 10 2
                                    

Kabanata 1 : Inaaswang ako!

Dala dala ang mabibigat na bagahe. Heto at naghihintay ulit ako ng masasakyang bus papuntang San Vicente. Panibagong pasakit na naman sa akin dahil ang tagal dumating ng sasakyan kong bus! Jusko! Pa VIP rin e. Nakakairita lang.

Mahina kong tinatapik tapik ang paa sa sementadong daan habang naka ekis ang magkabilang kamay sa dibdib. Suot ko ang isang malaking back pack, may malaking maleta sa gilid at isang traveling bag. Daig ko pa ang pupuntang ibang bansa dahil sa mga bagaheng dala.

Naiinis na tumingin ako sa langit at bumuga nang hangin. Saktong pagbaba ko ng tingin ay siya namang pagdating ng bus. Nahihirapan kong iniakyat ang bagahe sa compartment dahil sa bigat nito. Nang maayos ko ang mga dinala ay naghanap ako ng mauupuan.

Umupo ako at nakapangalumbabang tumingin sa bintana. Noong isang araw...hindi naging maganda ang pagpunta ko ng San Vicente. Hinding hindi ko talaga makalimutan ang nangyari no'ng araw na 'yon. Grabe! Kahit mga uwak lang 'yon, iba parin talaga ang kilabot na dala nito sa akin.

Tinanong ko si Ate Emily tungkol sa mga uwak na nakita. Ang sabi niya ang normal lang daw talaga 'yon. Pero kung ako ang tatanungin saang parte ang normal do'n? Halos atakihin ako sa puso dahil sa talim ng pagkakatitig ng mga ito tapos sasabihin niyang normal!?

Pero...baka gano'n nga talaga. Baka masyado ko lang tinatakot ang sarili ko. O baka dahil rin sa pagod kaya gano'n nalang ang iniisip ko? Sabagay. Sabi rin kasi ni Ate Emily pagpatak raw ng ala-sais ay wala ng mga taong gumagala pa labas.

Dagdag pa niya, gano'n raw talaga kapag sumasapit ang gabi. Naglalabasan ang mga uwak. Pero hindi raw gano'n karami tulad nang nakita ko. Haay. Baka nga napapraning lang ako.

Nabalik ako sa realidad dahil sa mga busina at sigawan ng mga tao sa terminal ng bus. Huminto ang sasakyan at bumaba na ako. Hila hila ang maleta ang ay pumila ako sa bus na papuntang San Vicente. Kumpara noong unang sakay ko ay mas maraming pasahero ngayon.

Marahil ay dahil sa nalalapit na pasukan. Habang binabagtas ng bus ang daan papuntang San Vicente ay napatingin ako sa mga kable ng kuryente sa bawat poste. Napakurap kurap pa ako dahil pakiramdam ko ay namamalikmata lang ako.

May uwak na nakadapo dito at mariin na nakatingin sa akin. Napalunok ako dahil bawat linya ng kuryente ay meron. Ako lang ba? O talagang sinusundan ako ng mga ito ng tingin? Anong meron sa akin at sinusundan nila ako ng tingin?

" Miss. "

Ang ganda ko naman yata at pati ang uwak ay hindi maalis alis ang tingin sa akin.

" Miss. "

Pero parang hindi rin e. Ang mga tingin nito sa akin ay parang lalamunin ako ito ng buhay. Ang sama makatingin parang may hinanakit sa akin.

" Miss!? "

" Ay! Bakit ba! " gulat kong sigaw pabalik. Napatingin tuloy ang ilang pasahero sa akin.

" Hehe sorry sorry, ano po 'yon? " tanong ko kay mamang konduktor. Pa epal kasi nasigawan ko tuloy.

Napakamot ito ng ulo ko. " Ticket niyo po. " umiling nalang ako at ibinigay ang ticket dito.

Nang matapos ito sa ginagawa ay sinundan ko ito ng tingin. Wala lang napansin ko kasi yung tattoo sa may bandang balikat niya. Parang siyang pamilyar pero hindi ko lang maalala kung saan at kailan ko nakita.

Iniwaglit ko nalang ito sa isipan at muling ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. Umayos ako ng upo dahil natatanaw ko ang mayabong na kagubatan na papasukin namin. Ito nanaman tayo. Wala bang ibang daan papunta San Vicente na hindi dumadaan nakakatakot na gubat na iyan?

That Aswang Is Inlove With Meحيث تعيش القصص. اكتشف الآن