Kabanata 14

87 9 0
                                    

Kabanata 14 : Pagpapakilala

Yana's POV

Maingat akong nagmamasid at pinakikiramdaman ang buong paligid. Baka kasi biglang sumulpot ang guard na humahabol sa akin naku mahirap na at baka hindi lang suspension ang abutin ko. Bakit  ba naman kasi bawal pumasok sa school ground kapag walang pasok? Wala naman akong nabasang gano'n sa manual ng University ah? 

Hmmm. I smell something fishy.

Naniningkit ang mata ko dahil sa sikat ng araw na tumama dito at iniharang ang kamay bilang panangga. Natigil ako bigla sa paglalakad dahil sa pagkakabunggo. Bago pa ako mapaupo sa damuhan ay may matitipunong braso ang biglang humawak sa beywang ko.

Mahahalin na panlalaking pabango ang unang naamoy ko. Kasabay no'n ang pagsalampak ko sa matigas na dibdib nito. Napakurap ako dahil dito. Unti unti ay tumingala ako para tignan kung sino ang sumalo sa akin na siya ring nakabangga ko.

Halos maduling ako dahil sa lapit ng mukha naming dalawa. Tulad no'ng una naming pagkikita, pakiramdam ko ay biglang huminto ang paligid. Everything I seems blurred at tanging siya lang ang malinaw na nakikita ko. Saglit akong natulala sa kulay ng mata nito.

Para akong dinadala sa ibang dimensyon kapag tinititigan ko ito. Ang lakas rin ng kabog ng dibdib ko at parang merong paro paro na lumilipad sa tiyan ko. Muli akong napakurap at natatarantang lumayo dito. Biglang uminit ang pisngi ko at yumuko.

" P-pasensya na...hindi ko sinasadya. " paumanhin ko.

Lumipas ang ilang minuto at wala akong nakuhang sagot dito kaya umangat ang tingin ko. Agad akong umiwas ng tingin dahil sa mariin nitong pagkakatitig. Kinagat nito ang pang ibabang labi at ngumiti sa akin. Natigilan ako dahil sa ginawa niya.

Ang guwapo niya kapag ngumingiti.

" What brings you here mon amour? " biglang tanong nito kaya bigla akong nanigas at napalunok.

Sheeet bhe! Apo pala siya nang may ari ng school. Paano nalang kung isumbong ako nito? Ano nalang ang mangyayari sa akin kapag nalaman niyang tinakasan ko ang guard? Pilit akong ngumiti dito na nauwi rin sa ngiwi.

" Hehe. Wala lang..." wala akong matinong maisagot dito kaya iginala ko ang paningin sa paligid baka sakaling may mahanap akong sagot.

" Hmm...gusto mong ipasyal kita? " nabuhayan ako dahil sa sinabi nito at namimilog ang matang tumingin dito.

" Talaga? I-I mean... puwede? " hindi makapaniwalang sabi ko.

Bahagya itong natawa dahil sa reaksyon ko kaya saglit akong natulala.

Ang manly ng boses niya kapag tumatawa.

Tumango ito kaya bumusangot ako. Kumunot ang noo ko dahil naalala ko ang sinabi ng guard sa akin kanina. Pinagtitripan ba ako ng guard na 'yon? Sabi niya bawal pumasok, tapos itong si Zion puwede naman daw. Sino sa kanila ang paniniwalan ko? Aba syempre si Zion! Anak siya ng may ari e.

" What's with that face mon amour? " marahang sabi nito. Napansin niya yata ang busangot kong mukha.

" Wala lang...sabi kasi ng guard bawal raw pumasok, pinagloloko niya yata ako. " kamot ulong sabi ko.

" Tsk! Don't mind him, where do you want to go first? " tanong nito.

" Sa field! " masayang sabi ko.

Bigla itong matigilan dahil sa sinabi ko.

" Bakit? Bawal ba? " malungkot na saad ko.

Napahawak nito sa leeg niya at hinimas ito. Dinilaan niya rin ang pang ibabang labi at. Napatingin sa itaas. Natulala tuloy ako sa adams apple niyang tumataas baba.

That Aswang Is Inlove With MeWhere stories live. Discover now