Kabanata 16

91 10 0
                                    

Kabanata 16 : Transferee

Yana's POV

Lunes. Tapos na ang one week suspension ko sa wakas! Naghahanda na ako papuntang school kaya nag ayos at nagbihis narin ako. Nang matapos ay bumama na ako para kumain. Walang tao pagkababa ko marahil ay nasa paaralan na sila. Kumpara kasi sa kanila ay mas maaga ang klase nila kaysa sa akin.

Pagkatapos kong kumain ay sandali akong nagpahinga. Masyado pa namang maaga. Alas diyes palang at alas onse pa ang pasok ko. Matapos kong magmuni muni ay tumayo na ako at lumabas ng bahay. Inilock ko ito at nag abang ng masasakyan. Lumipas ang ilang minuto ay may natatanaw na akong tricycle kaya pinara ko ito at nagpahatid sa University.

Bumama na ako pagkatapos kong magbayad at pumasok ng Dutchvill. Maingay at maraming tao ang nasa hallway habang tinatahak ko ang daan papuntang classroom. Nagtatawanan, nagkukulitan at ang iba ay nag aasaran. Tahimik lang ako habang masaya silang pinagmamasdan. Mula sa hallway natatanaw ko dito ang malawak na soccer field. May ilang mga naglalaro do'n.

Bigla akong nailang dahil sa tinginan ng mga estudyante sa akin. Kumunot ang noo ko. Akmang kukunin ko ang maliit na salamin sa bag nang naramdaman kong may sumasabay sa bawat lakad ko. Lumingon ako dito at gano'n nalang ang gulat dahil sa nangiting mukha ni Zera.

" Hi! Good morning! " masayang bati nito.

Hindi ko tuloy alam kung ano ang irereact ko kaya ngumiti ako dito.

" G-goodmorning rin. "

Tumingin ito ng diretso sa daan at ipinagsalikop ang kamay nito likod.

" How are you Elliana? "

" A-ayos naman... I-ikaw? "

Bahagya akong nailang dito dahil sa pagkausap niya akin. Hindi ko tuloy maiwasang yumuko at paglaruan ang dalawang hintuturo dahil sa masamang tingin na ibinabato sa akin ng mga estudyanteng nakakakita sa amin.

Kung nakakamatäy lang ang tingin, baka kanina pa ako nahandusay sa daan. Biglang huminto si Zera sa paglalakad kaya huminto rin ako. Ang bastos naman kasi kung mauuna ako. Hindi nagtagal at nag angat ako ng tingin dito. Akala ko nasa harap na kami ng classroom.

" B-bakit? " tanong ko dito nang seryoso ako nitong tinitigan.

" Nothing. " ngumiti ito at nagkibit balikat.

Natigilan ako saglit. Ang weird niya kasi. Hindi ko nalang ito pinansin.

" You're cute. " sabay pisil nito sa pisngi ko at hinawakan ang palapulsuhan ko sabay hila sa akin.

Her action left me totally flabbergasted. Sa sobrang gulat ay nagpahila nalang ako dito. Hindi naman gano'n ka lakas ang paghila niya kaya nagpatangay ako. Hindi ko rin maiwasang pansinin ang malalambot nitong mga kamay. Halatang hindi ito sanay sa gawaing bahay dahil sa lambot.

" We're here! " sabi nito at muli akong hinila sa puwesto.

Nakaupo na ako't lahat lahat ay wala parin akong masabi. Nang sa wakas ay mahanap ko ang boses nagsalita ako.

" Ahmmm, pasensya na pero kasi...may nakaupo na diyan. " mahihiyang sabi ko sabay turo sa upuang inuupuan nito na sa tabi ko lang. Si Lorae kasi ang nakaupo diyan.

Lumingon ito sa akin at inosenteng tumingin.

" This seat? " turo nito sa upuan.

Tumango ako.

" Oh! Is that so? I thought this seat isn't own by anyone? I've been seating here since last week kaya... I'm sorry lilipat nalang ako. " tumayo ito kaya nataranta ako at hinawakan ang palapulsuhan nito.

That Aswang Is Inlove With MeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant