Kabanata 20

88 6 0
                                    

Kabanata 20: 

Yana's POV

Nagising ako dahil init na naramdaman. Bahagyang kumirot ang ulo ko dahil sa biglaang pagbangon kaya napahawak ako dito.

Ano bang nangyari? Wala akong maalala.

Inilibot ko ang paningin sa buong paligid at kunot noong inaalala ang lahat.

Paano ako napunta sa kuwarto? Sino ang nagdala sa akin dito? Kahit anong pilit ko na alalahanin ang nangyari ay wala talaga akong naalala. Blanko ang laman ng isipan ko. Daig ko pa ang nagka amnesia. 'Yon ngalang ang mga nangyari kahapon lang ang hindi ko maalala.

Marahas akong bumuga ng hangin at tumayo sa kama. Wala sa sariling napabaling ako sa orasan at napakurap. Nanlaki ang mata ko at nagmamadaling pumasok sa banyo.

Sheeet! May pasok pa pala ako!

Constantine's POV

Una palang alam ko na agad na mainit ang dugo niya sa akin. Mas lalo pa itong nagalit noong nilapitan ko ang pinakaminamahal niya. Gusto ko lang makipagkaibigan dito. Pero isang pagkakamali yata ang ginawa ko.

Masyado akong napadala dahil ito ang kauna unahang pagkakataon na nagkaroon ako ng kaibigan. Hindi ko inaasahan na lumampas na ako sa aking limitasyon.

Wala sa sariling napalunok ako. Alam ko kung ano ang kaya at hindi kayang gawin nito. Kaya nitong mga nakaraan ay iniiwasan ko na si Yana. Lalaki ako pero natatakot ako sa posibleng gawin nito sa pamilya ko. Lalo na at pinagbantaan na ako nito.

" Stay away from her or else... " parang kulog na pagkakasabi nito at may pagbabanta.

Nandito kami ngayon sa gymnasium dahil maglalaro sila ng basketball ng mga pinsan niya. Kahit hindi ko ito tignan ramdam ko ang talim ng pagkakatitig nito. Nasa amin ang tingin ng mga pinsan nito kaya mas lalo akong naiintimidate.

Dahan dahan akong tumango. Nakatungo at hindi makatingin dito.

" Zio! " tawag sa kanya ng isa nitong pinsan. Umangat ang tingin ko.

Bahagya niya itong nilingon.

Kumpara sa Buenaventurang 'to ay walang wala ako. Tindig palang nito nakakasindak na paano pa kaya kung nagalit siya.

Muli itong bumaling sa akin kaya yumuko ulit ako. Ayaw kong salubungin ang nagbabaga nitong mata. Nakakatindig balahibo.

" Know your place Mr. Montecarlo. " mariing sabi nito at umalis.

Noon lang ako makahinga nang maluwag ng umalis na ito sa harap ko. Para akong mabunutan ng tinik. Nanghihina akong napaupo sa isa mga bleacher at saglit na natulala.

Ipinilig ko ang ulo at tumayo. Bago tuluyang umalis ay napatingin pa ako sa hawak hawak na bola ni Zion kanina. Agad akong napangiwi dahil parang kinalmot ito ng mabangis na hayop. Gula-gulanit at hindi na makilala.

' Ganyan ba ang mangyayari sa akin sa oras na magalit ko siya ng husto? ' napalunok ako.

Huminga ako ng malalim at tahimik na umalis. Habang naglalakad sa kalagitnaan ng hallway ay naisipan kong pumunta sa locker room. Kumunot ang noo ko dahil sa mga kalampag na naririnig.

Parang may tao. Pero paanong nangyari 'yon kung gayong nasa oras na nang klase?Mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas ng mga estudyante kapag class hours.

Dahan dahan akong sumilip at nakita ang isang anino ng isang lalaki na may pinagkakaabalahan sa isang locker. May kung ano itong ginagamit para buksan ito. Hindi ko masyadong nakikita ang mukha nito dahil sa suot na hoodie jacket. Isang tingin palang alam mo na agad na hindi ito estudyante.

That Aswang Is Inlove With MeWhere stories live. Discover now