CHAPTER 3

177 22 4
                                    

CHAPTER 3:

After medical examinations, agad siyang dinala ni Miss Jolie sa isang high end salon and Spa, na-amazed lang siya dahil karamihan mga staff ay mga Filipino at hindi na siya nahihirapang mag-adjust at magrequest kung ano ang gusto niyang gawin sa kanyang buhok, at katawan. She had armpit waxing, manicure pedicure, hair treatment, and body scrab. Feeling niya natanggal ag lahat ng libag sa kanyang katawan. Medyo ginupitan din ang kanyang buhok, ang dating hanggang puwet ang haba ay naging Lampas bra level na lamang ito. Nabawasan ng 2 inches. All in all, it felt refreshing.

"Akala ko talaga Ma'am ay Foreigner ka. Para ka kasing Mexican na may blend na Arabian. Yon lang ay maputi ka at makinis, walang kapikas-pikas." Hanga sa kanya ng babaeng nag-ayos sa kanya. Ngumiti siya sa sinabi nito.

"You want a Brazilian waxing?" Tanong sa kanya ni Jolie.

"Hah? Ah eh kakatreatment lang ng hair ko." Napamaang niyang sabi sa tanong ni Miss Jolie. Nagtawanan si Jolie, ang hairdresser at ang isa pang staff na nagwawax sa mga legs at katawan. Medyo na-loading siya sa reaksyon nila. What's funny ba? And what is Brazilian waxing?

"Sige let her try it." Nakangiting utos ni Jolie sa staff ng spa sabay tango.

Umuwi siyang nagpaika-ika matapos maranasan ang sinasabi nilang Brazilian waxing. Halos murahin na niya ang babaeng nagwawax ng pempem niya kanina nang walang kakilakilabot. Ano tingin nito sa pempem niya? Kilikili? It was her first time na may ibang nakakita sa vagina niya maliban sa kanyang sarili.

"Masasanay ka din sa Brazilian waxing. Trust me it's a wonderful feeling na matanggalan ka ng pubic hair sa private part. Very clean. Uso kasi yan dito sa Middle East. Ayaw nila ng mabalahibong katawan, it's dirty to some of the Arab women here." Si Miss Jolie. Lihim siyang napaismid. Malay ba niya? Maluha-luha na nga siya kanina at tila gusto niyang sipain ang babaeng tumutyugi sa pempem niya na akala mo nagtanggal lang ng libag sa katawan.

"Balbon ka pala, Madeline. Buti na lang wala kang bigote." Nakangiting sabi ni Miss Jolie while looking at her. Yong balbon niya ang nananatili sa katawan niya, hindi niya pinawax dahil baka magka-allergy pa siya gaya noong nangyari sa kanya noong college. Kasagsagan kasi yon ng mga kung anu-anong beauty experiments sa mga di afford ng mamahaling services ng salon at spa. Kaya ayon, napagalitan siya ng nanay at tatay niya sabay two weeks no attending classes. Buti na lang hindi siya nabagsak sa major subjects niya.

“Nasa lahi namin Miss Jolie. Dalawa kami ng kapatid ko ang medyo balbon.”

"Natural din ba ang buhok mo? Medyo brown at big curls?" Tanong nito.

"Opo, Miss Jolie." Sagot niya habang nakatingin sa labas ng windshield. Magkatabi kasi sila sa backset ng SUV habang tahimik lang na nagmamaneho si kuya Rody.

"It's nice, akala ko nagpapakulay ka. May lahi ba kayong foreigner?" Tanong ulit nito.

"Sa side ng parents ko, mix blood na din po. Pang third generation na yata kami."

Actually, her mother has a blood of Iranian, kasi half yong lola niya. Sa side naman ng papa niya ay Spanish.

And now, heto siya nakikipagsapalaran upang makaipon at makapagbusiness. Wala naman kasing yumayaman sa pagtatrabaho lang especially if minimum wage earner lang ang salary.

Hanggang sa makarating sila sa penthouse ay nagkukuwentuhan sila ni Miss Jolie. Single Mom din pala ito at nasa fifteen years old na ang anak na naiwan sa Pilipinas. May boyfriend daw ito ngayon na isang Scottish, at hinihintay na lamang daw niya itong magpropose para makapaglie low na daw siya sa pagtatrabaho at magiging abala na sa pagbuo ng pamilya. She is thirty-nine years old but she looks like thirty-five. Ganoon nga siguro kapag working Mom. Abala sa pagpapaganda at pagtatrabaho kaya nag-iiba ang growth and personality development.

BOOK 1: The Gutsy Madelineजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें