CHAPTER 2

161 16 5
                                    

CHAPTER 2:

Hila-hila ni Madeline ang malaking maleta papunta sa waiting area ng Dubai International Airport. Palinga-linga pa siya sa subrang pagkamangha ng lugar. Nakakalula ang lawak at linis ng airport. Subrang gara din ng mga disenyo. Hindi ka masestress sa paghihintay ng taong susundo sa'yo dahil madami kang makikita. Umupo siya sa bakanteng upuan at hinalukay ang cellphone sa shoulder bag to take selfies. Dahil hindi naman nagagamit ang sim niya dito sa Dubai, tiyak na wala talaga siyang signal.

"Excuse me, are you Madeline Grace Ramirez?" Tanong ng babae sa harapan niya na parang isang Filipino din pero medyo may edad na, nasa late thirties na yata ito. Hindi siya expert sa panghuhula ng edad. Ngumiti ito sa kanya.

"Yes po." Agad siyang tumayo, "I mean yes, yes, I am Madeline Grace Ramirez." Iniisip niya baka hindi ito marunong magtagalog. She smiled shyly. Sosyalan pa naman ang aura nito.

"Don't worry, marunong ako magtagalog. You look prettier than your picture." Ngiti nito sabay hagod sa kanyang kabuuan. Bigla siyang naconscious, ukay-ukay pa naman itong mga pangwinter jacket niyang sout, which is nagmumukha siyang tanga dahil wala namang winter sa Dubai pagdating niya. Alanganin siyang ngumiti. Mukhang mabait naman ito at walang halong pangmamata the way she approached her even though nagmumukha siyang engot.

Siyempre Voters ID ang binigay ng hunghang niyang kaibigan sa contact nito sa Dubai. Paano ka ba magiging maganda sa isang black and white picture? At parang nakazoom pa ang mga pisngi niya sa larawang iyon. Well, hindi naman talaga siya pangit, hindi lang siya pangmodel na kagandahan. She's so proud of her pointed nose, thick and curve eyelashes dahil sadyang lahi talaga ng mga Apostol ang pagkakaroon ng tantalizing and expressive eyes, side ng mother niya. And of course, her round shape face with cute dimples on her cheeks. Madami nagsasabi na ang cute niyang tingnan, very smiling face.

Sa lahat ng Ramirez sisters, siya itong may pinakamagandang ngiti, iyon ang sabi ng karamihan. Si Myrtylle naman ang pinakamaputi at so far pinakamatangkad. Si Lilly kasi ay unti-unting lumalabas ang tingkad ng kagandahan nito while Mavs is too young to say about her beauty but she is also pretty and has wide eyes and pointed nose.

In short, lahat silang magkakapatid ay magaganda at may kanya-kanyang ways of attraction. Plus, makinis ang mukha niya kahit hindi pa siya maglagay ng mga skincare. She stands 5'5 tall, may katangkaran ng konti na 'yong height niya sa Pilipinas pero nang makita niya ang mga foreigner dito sa Airport, nagmumukha siyang pandak.

"Let's go." Lumilipad ang utak niya nang alalayan siya nito sa kanyang mga dala. Najetlag yata siya sa byahe. Hindi niya maalala ang buong pangalan nito dahil lutang siya nang magpakilala ito. Basta't ang natatandaan niya ay ang first name nitong 'Jolie'. Madami pa itong sinabi habang paalis sila pero wala na siya sa huwisyo para matandaan ang mga ito. May lumapit pang isang lalaki na nasa trenta na din ang edad, ito daw ang personal driver ng kanyang boss. Ang driver na mismo ang nagkarga ng mga kagamitan niya sa magarang SUV.

"By the way, si sir Joseph ay currently nasa byahe papuntang France. Mga tatlong araw pa bago ang balik niya. Dito kasi ang base niya sa Dubai. The next day, nakaschedule na pala ang mga medical check-up mo para makapagproceed tayo sa contract signing." Orient ni Miss Jolie sa kanya habang sakay sila ng SUV.

"Ahm, hindi pa po ba enough ang medical results na na-submit ko po two weeks ago?" Bigla siyang na-anxious na baka magbago ang isip ng boss nila. Masyado naming OC itong amo niya knowing na latest results na iyon sa health check-up niya.

"Nacheck na ni madam Amanda ang medical records mo pero gusto kasi ni sir Joseph is intensive ang medical check-up mo at gusto niyang ipaulit dito since high end ang medical equipment and tests dito sa Dubai. But don't worry, Madeline, hindi iyon ikakaltas sa salary mo. He just wanted to be sure that you are healthy enough to handle your job." Explain nito.

BOOK 1: The Gutsy MadelineWhere stories live. Discover now