An excerpt...
Chapter Six
UNTI-UNTI KONG IMINULAT ANG mga mata ko. Wala si Kim sa tabi ko. Lumabas ako ng kuwarto ko. Pinasok ko ang kuwarto niya. Wala siya roon. Lumabas ako. Kinakabahan ako. Umalis ba siya? Tuluyan na ba niya akong iniwan? Sayang. Sana nasabi ko kung ano ang mga naiisip ko.
Wala ang robe ko sa kuwarto niya. Pati ang sa akin. Oo, malamang suot niya pero, ano ang ibig sabihin nito? Binuksan ko ang main door. Wala siya sa labas. Sinarado ko ulit. Umupo ako sa sofa.
"Nasaan ka? Kim! Kim!" Naihilamos ko ang mga palad ko.
Ito ang mahirap, eh. 'Yong sasanayin ka niya sa mga bagay na ikasisiya mo, 'yon pala, iiwan ka rin niya nang biglaan. Nang walang paalam. Kahit man lang sana, "I love you, goodbye" wala. Wala man lang "I love you" o kaya "good." Talagang silent leaving ang ginawa niya. Paano ba 'to?
Tang'na naman, o.
Saka bumukas ang pinto ng CR. Nakita ko si Kim. Tinakbo ko siya. Saka niyakap nang mahigpit.
"O, bakit? In love ka na, 'no? 'Wag gano'n. Hindi ko kaya 'yon."
Tumatambol pa rin talaga ang dibdib ko. Gusto ko siyang halikan at itali sa kama ko para hindi na siya mawala.
"Ayoko niyan. 'Wag kang magsasalita nang ganyan. Ayoko pa sa ganyan."
"Eh, di sa mga susunod na araw, puwede na?"
"Hindi ko alam." Iniwan niya akong nakatanga sa harap ng pinto ng CR. Pumasok siya sa kuwarto. Tumunog ang pinto, parang may binato. Pumasok ako roon. Nakita kong basag ang isang maliit na figurine—'yong light blue na dolphin.
Nakahubad na si Kim. Umiling ako. Nilapitan ko siya. Dinukwang ko siya para halikan. Kinawit niya ang mga kamay niya sa batok ko para mas mariin ang paghalik ko sa kanya. Kumalas ako pagkatapos. "Ano'ng ginawa mo sa CR?"
"Nagdasal..." saka niya ako hinawakan sa braso para ihiga. Kinubabawan niya ako.
"It's your drive today."
"Uh-huh."
Ang saya kapag ganito. 'Yong na-miss mo siya—aminin ko man o hindi sa sarili ko—at nakakasabik kapag makita mo na siya.
BINABASA MO ANG
Disrobe And Doubts by Rill Mendoza
General FictionDISROBE AND DOUBTS Rill Mendoza TEASER: Iniwan, nasaktan, nag-Batanes. Ganyan ang life sentence ni Seb matapos siyang iwan sa dambana ng kanyang bride na si Kim. Nagpakalayo, naging ermitanyo, nagmunimuni. Hanggang sa isang araw... A woman in dirty...