Chapter Five

2 1 0
                                    

An excerpt...


Chapter Five

TUMINGIN AKO SA WALL clock na nasa taas ng TV ng kuwarto ko. Alas-siyete na ng gabi. Magkatabi pa rin kami ni Kim. Hindi ko maalala kung ilang beses ko siyang inangkin kanina. Iyon ang gusto niya. Ang makalimot ako sa masalimoot na nangyari sa akin. Masasabi kong nagtagumpay si Kim sa gusto niya.

Hindi na ako virgin! Ah, nito pang nakalipas na araw 'yon. Tapos ngayon, parang ngayon ko lang na-claim. Tss.

Kahit si Kim—ang ex ko—ay hindi ko niyayang may mangyari na sa amin. Dahil nire-respeto ko siya, ang mga magulang niya, at lalo na siya. Hindi ko rin naman niyaya ang babaeng katabi ko ngayon, siya pa nga ang nagyaya sa akin nito. Lalaki lang ako, may pangangailangan. O pagdating ba sa babae, pabor ba sa kanila 'tong, "Lalaki lang ako, may mga pangangailangan?" Hindi yata. Pero kaming mga lalaki, 'yon ang sinasabi. Naisip kong, masakit na marinig 'yon ng isang babae.

Kung nalaman ng mga kaibigan ko na ni isang babae ay wala pa akong nagagalaw ay malamang pagtawanan nila ako. Pero ngayon, puwede ko nang maipagmalaki sa kanila na sa wakas—nabinyagan na ako! Ngumiti ako. Nakakaawa ako.

Pumikit ako.

Noong college ako, kahit maraming babae ang lumalapit sa akin. Wala akong nagagalaw. Promise! Wala pa talaga. Natatakot ako sa HIV, o sa AIDS? O 'yon ba talaga ang mga ikinatatakot ko?

Bumuga ako ng hangin. Nilingon ko si Kim. Nakatapi lang siya ng kumot. Himbing na himbing. Bakit ganito? Sa tuwing matatapos ang magandang nangyari sa amin, aantukin siya. Sleeping pill ba ang ano ko? Tsk. Kahit sa isip nahihiya akong sabihin ang pribadong parte ng katawan ko. Pero, 'di ba ang dibdib ay pribado rin? Unfair naman yata 'yon. Tulad sa mga pelikula, palaging dibdib ang ipinapakita sa babae man o sa lalaki. Pero 'yong ibabang parte, hindi na. Mahirap na ipakita.

Unfair talaga.

Nakapatay ang TV pero tumitig ako roon. Nakikita ko ang sarili ko sa TV. Masasabi kong pati ang mga mata ko ay nakangiti. Wooh! Blooming ako ngayon. Dahil ba 'to kay Kim? Kailangan ko pa lang magpasalamat sa kanya dahil sa ginawa niya. Unti-unti, dahan-dahan ay nakakalimutan ko na si Kim—si ex.

Tang'na! Para akong high sa sex. Sana pala noon ko pa 'to sinubukan. Eh, di sana, hindi ako naatat magpakasal. 'Naman kasi, sina Mama masyadong religious. Si Mama kasi, magma-madre sana, si Papa, magpa-pari. Sa kumbento sila nagkakilala. 'Ayun, lumabas ng kumbento, nabuo ako. Ang plano raw nila sa akin noon ay ako ang pagpariin. Kaso nang lumaki ako, iba ang tinahak kong karera. Wala na silang nagawa.

Puwede pa naman daw 'yon. 'Yong magiging anak ko, puwedeng maging madre kapag babae at pari kapag lalaki. Bahala sila. Sperm cell pa lang, pinagti-tripan na nila. Ito ang hindi maganda dito, eh. 'Yong hindi ka gagawa nang mabuti, tapos ang ibang tao ang pagbabayarin mo. Hindi makatarungan.

Disrobe And Doubts by Rill MendozaWhere stories live. Discover now