Heto siya, hindi lang isang dakilang guro. Kundi isa din siyang counselor ng mga kaibigan niyang bigo sa pag-ibig. Kaya nga ayaw niyang pumasok sa ganitong bagay kung hindi pa naman siya handa, baka magkaleche-leche lang ang buhay niya at tagain pa ng tatay niya ang lalaking magpapaiyak sa kanya. Mahirap na.

"Ano? Ako? Magiging katulong? Hoy, grabe ka naman, Mads! Pangkatulong na lang ba ang tingin mo sa beauty ko? Nakapag-aral naman ako. Mataas naman ang grades ko sa thesis tapos.. May experience naman ako maliban sa pagiging teacher at kaya ko naman magkaroon ng mas magandang work sa abroad nuh!" Bulalas niya ng sinabihan siya nitong mag-apply bilang katulong sa ibang bansa dahil urgent hiring daw umano ang amo ng kaibigan ng ate nito sa Dubai.

"Teka nga, hindi pa nga ako tapos! Makinig ka muna." Panggi-giit nito. Umismid siya at itinikom ang bibig.

"Diba gusto mo mag-abroad?"

"Oo, pero hindi DH, ano ka, nakakapagod kaya ang trabahong 'yan, saka baka magkaroon Ako ng maniac na amo nuh..." Nguso niya. Kinilabutan siya nang maalala ang mga news sa TV na mga DH na nagahasa ng mga amo nila.

"Makinig ka nga Muna, kulit nito. Ibahin mo ang Dubai sa Saudi, open country ang Dubai girl." Pagka-clarify. Hindi siya kumibo at hinayaan itong ipagpatuloy ang nais iparating.

"Yon na nga. Sabi ng ate ko, mahal ang bayad. Hindi isang regular rate lang ng isang DH sa abroad. Kasi nga kung tapos lang ang contract niya sa amo niya ngayon, siya na sana ang mag-aapply doon. Imagine, ang employer ang magso-shoulder ng visa mo, pamasahe, lahat, at isa pa, hindi ka agad makakapasok sa ibang bansa nuh kung wala kang pera pangstart. I mean, mahirap kung hindi isang DH ang starting point ng job mo. Remember, si Ate Lessa nga nagstart siya as katulong tapos isang taon lang, nag-apply siya ng mas higher ang salary, nag-aral siya doon, then ayon, nasa isang accounting firm na siya ngayon. Sayang nga si ate Bebe, kung tapos lang sana contract niya, siya sana ang papasok diyan. Try mo na. Sabi ng ate, pilot daw ang boss mo. Malay mo magiging backer mo yan sa pag-aaply mo ng flight attendant." Ngisi nito, sabay kindat nito, wari may nais iparating.

"Matigil ka, Kate. Hindi uso backer sa ibang bansa, saka hindi ko gusto yang iniisip mo." Umirap siya.

"Walang imposebli. Single daw yong guy. Saka diba gusto mo yong foreigner ang maging tatay ng anak mo, blue eyes." Panunudyo ni Kate, sabay sapak sa balikat niya.

"Tigilan mo ako, Kate." Sa isip niya ay may kung anong kaba ang kanyang naramdaman na tila hindi niya maipaliwanag. Pero na-eexcite din siya sa ideyang makapag-asawa ng foreigner. Hindi dahil gusto niyang makapunta ng ibang bansa, o magbago ang lifestyle kundi, gustong gusto niya ang blue eyes. She really has that fantasy about blue eyes guy.

"Go na yan, Mads. Sayang ang opportunity, saka kumpleto ka naman diba. May passport kana, ready na din medical mo. Anytime, you can go abroad. Basta, don't forget pasalubong sa amin ni Jushua." Ngisi nito saka sumubo ng halo-halo. Kaya hindi pumapayat itong kaibigan niya dahil sa hilig nito sa sweets.

"Paano si Papa? Mataas pa naman standards no'n pagdating sa magiging trabaho ng anak niya." Ismid niya. True naman, her father is very pessimistic about opportunities kung hindi nito gusto. Ayaw ng tatay niya na mangibang bansa siya.

"Naku hayaan mo yan si Tatay Alonzo. May standard ba na ipapaasawa ka lang niya kay Roberto Junior?" Humagikhik ito nang banggitin ang longtime suitor niya na si Roberto Junior. Sinapak niya ang balikat ni Kate.

"Hoy, baka marinig ka. Sabihan pa akong choosy." Irap niya sa kaibigan sabay sulyap sa tiyahin nitong nasa kalayuan nagseserve ng order.

Tumatawa lang si Kate sa reaksyon niya. Ginagawa kasing libangan ni Kate ang asarin siya kay Roberto dahil nga nerd ito at madaling mauto base na din sa pinapakita nitong behavior.

BOOK 1: The Gutsy MadelineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon