Ang fiancee niya dapat ay una nang umatras at sinabing wala nang magaganap na kasalan. Na lalo pang nagpaalab sa kanyang galit nang malaman na naglihiman siya ng sarili niyang Ama.

Napuno ang kanyang puso ng pagkamuhi, galit at poot sa lahat... at hindi ko siya masisisi roon.

Hindi naman niya iyon kasalanan. Hindi namin iyon kasalanan. Hindi niya-ko-kasalanan kung bakit kami magkapatid. Walang kaming kasalanan tungkol dito, mga biktima lang rin kami ng mga maling naging desisyon ng pagmamahal ng mga magulang namin.

Kaya wala kaming kasalanan...

Tumikhim siya pagkatapos nang ilang sandali at nag-iwas siya nang tingin sa'kin. Nawala ang tingin ko sa kanya nang mapabaling ako sa waiter na dumating sa lamesa namin... si Robin.

"Oh?" gulat na saad ni Robin.

Nangunot pa no'ng una ang noo ko kung bakit siya ang naroon at hindi ang waiter na kumuha nang order naming dalawa. Bagama't, alam ko na narito siya, hindi ko naman inasahan na siya ang maghahatid ng pagkain namin. Pero sa huli at nagkibit na lamang ako ng balikat.

Napansin ko na ang pagtagal nang pagkakatulala niya kay Cheska kaya siniko ko na siya. Bahagya siyang napatalon sa ginawa ko. Tumikhim siya, mukhang natauhan narin, pero wala parin siya sa sarili niyang inilapag ang inorder naming pagkain sa aming lamesa.

Umiling ako. Mukha yatang hindi rin siya makapaniwala na magkasama kaming dalawa ni Cheska sa iisang lamesa, ah?

"Kaya pala ako ang pinag-serve ni Jerry dito, dahil siguro nakilala ka niya..." tukoy niya marahil sa waiter na kumuha ng order namin kanina.

"Siguro nga..."

"Kumain na kayo. Ang papayat niyo na, eh."

Hindi nakataas sa'kin ang pagsulyap niya kay Cheska nang sinabi niya ang huling mga salita. Lihim akong napangiti. Umirap naman si Cheska sa narinig niya.

"Ayan lang ang kakainin mo?" puna niya sa inorder ko.

At dahil sinabi kung busog pa nga ako. Dessert nalang ang kinuha ko.

"Oo. Kumain na kasi ako. Busog pa," pinakita ko sa kanya ang marahan kung pagtapik sa tiyan ko, nakangiti sa kanya.

Umirap niya. "Ikaw ibusin mo rin 'yan, ah?" bumaling siya kay Cheska. "Hindi ka makakaalis dito hangga't hindi mo ubos 'yang pagkain mo."

"Excuse me," alma agad ni Cheska, nakataas ang isang kilay.

"Maiwan ko na kayo..."

Pagkaalis niya, nagsimula na kaming kumain nang tahimik. Mukhang hindi pa yata naghapunan itong si Cheska kaya ang inorder niya ay yuong heavy meals. Nauna akong natapos sa kanya. Nagpaalam akong magpupunta muna sa restroom. Tumango siya habang kumakain parin. Pagbalik ko sa lamesa namin tapos na siya at kumakain nalang nang kanyang napailing panghimagas.

Pagkaupo ko napatitig agad ako sa wine glass na nasa harap ko.

"Drink it, para naman may kasama rin akong uminom."

Pinakatitigan ko siya, normal lang naman ang kilos niya. Binalik ko ulit ang tingin ko sa inumin at sumimsim doon. Pagkatapos, dahan-dahan ko iyong inilapag pabalik sa lamesa habang ang mga mata ko ay nasa kanya.

"Cheska, ano ba ang pag-uusapan natin?" marahang tanong ko.

Nawala ang pagkakangisi niya. Umayos siya ng pagkakaupo pagkatapos ay sumimsim rin siya sa kanyang wine glass. Ngayon wala nang makikita sa kanya kundi ang blankong ekspresyon.

Kung kanina ay bahagya nang nawala ang tensyon sa pagitan namin. Ngayon naman pakiramdam ko ay unti-unti itong bumabalik at mas humigit pa nga.

"Ah..."

My Personal YayaWhere stories live. Discover now