chapter 33

43 10 0
                                    

"Ahhh niligawan mo si kim?" Tanong ni jake.

"Exactly. What about you?"

"Eto may nililigawan din." Sagot naman ni jake.

Please stop rolling this damn world! Naiipit na ako sa sobrang kahihiyan. At talagang dito pa silang dal'wa nag kwentuhan sa harap namin.

"Lalabas na muna ako--" sasabihin ko palang ay biglang nagsalita si xander.

"Sino naman nililigawan mo?"

"Si chen."

Ang laki ng ngiti ni xander bago tapikin ulit si jake sa balikat. "Good choice dude. Ano trabaho mo ngayon?"

"Hawak ko ang kompanya ni dad. Ako ang may hawak ng interview form."

"Dito sino?---"

"Si kim.....umalis na nga kayo!" Inis kong tugon.

Lumingon ako sa kanila at parehas lang nakatingin sakin ang dal'wa. Si kim naman ay parang nakakita ng multo at ayaw na talagang ilingon ang mukha.

"Kung hindi mo ililingon 'yang mukha mo kim. Aalis na ako." Ani ni xander.

"Ito na nga po eh." Sabay tingin ni kim.

"Napakaganda mo naman pala tapos takot kang ipakita mukha mo sakin?"

Napa smirked naman si jake na parang nagiging bitter sa nakikita.

"You too." Bulong ni jake sakin. "Kain tayo sa labas?" Yaya niya sakin.

Well? Meron choice o wala? Oo o hindi? Ayaw o gusto?

Ponyeta sasama nalang ako. "Tara." Aniko

"C-chen wag moko iwan."

"Para namang kakainin kita palagi kim." Iritang tugon ni xander. Siraulong babae. Akala mo naman ay multo si xander. Kapopoging lala----

"Alam ko nasa isip mo chen." Si jake.

Lumabas kami ng room at nagsalita siya. Tumigil siya kaya naman napatigil rin ako. Tumingala siya. "So sino mas hot samin?" Aniya pa.

Kinagat ko ang labi at sinuntok ang dibdib ng mahina lang naman.

"Wala.."

"Pero nasa isip mo ay pogi si xander. We already know that. Kilala ko si xander and he's a kind of man na hinahabol habol noon. Pero mas gwapo parin ako. Hindi mo pako sinasagot eh." Naglakad ulit siya kaya sinundan ko siya.

"Paano kung sagutin na kita?"

Tumigil na naman siya at tumingin saking seryoso. "Sinong niloko mo?" Parang ang sarap sapakin ng mukha ng lalaking ito dahil ayaw niya maniwala.

"Ayaw mo ba?"

"Sino nga bang niloko mo?"

"Sige babawi---"

"Joke lang...dinga? Sinasagot mo na ako? Sayang yung mga flowers na binibigay ko sayo at mga letters na may kasamang chocolate staka may kasamang pag---"

"Oo nga.. sinasagot na kita. Mamaya isumbat mo pa mga pinamimigay mo sakin eh. Hinalikan mo na nga ako noon eh."

"Gusto mo lang mahalikan ulit kaya pinaalala mo 'yon chen." Inirapan ko siya.

Maya maya ay naramdaman ko ang pagkapit niya sa bewang ko kaya naituon ko ang palad ko sa dibdib niya. Hinalikan niya ako. Kasama ng mga halik na 'yona ng patunay na kahit hindi niya ako minahal nung una. Sa huli ako parin ang mamahalin niya.

"Stop--" aniko.

Napatingin kaming parehas ni jake sa hallway. Nakatitig lang ang janitor kaya naman napapikit ako ng sobrang diin. Hinawakan ni jake ang kamay ko at lumabas kami sa company.

A mandatory love (1st Generation)Where stories live. Discover now