chapter 12

48 9 0
                                    

Pag-uwi ko sa bahay ay hindi bumungad sakin si jake. "Hindi ka man lang nag paalam na papasok ka?" Aniya.

"Nakalimutan ko kase."

"Sa'n kaba nanggaling bukod sa trabaho?" Naalala ko ang sinabi ni mama, gamot sa bipolar disorder, sakit sa mood. Kung gayon ay pwedeng may sakit nga si jake dahil minsan ay bigla bigla niya akong hinahalikan.

Bakit ba hindi ko naisip agad na pwedeng may sakit si jake? Na w-weirdohan lang ako pero hindi ko man lang naisip na pwedeng sakit na iyon dahil ilang minuto palang ay mag babago ang ekspresyon niya.

Itatanong ko din sana sa kaniya kung may sakit ba siya pero naalala ko ang pinaalala ni mama na iwasan ko ang pagtanong kay jake tungkol dito. Ililihim ko na naman ang bagay na ang hirap ilihim.

"Sa hospital."

"Bakit?"

"Masakit ang ulo ko kaya nag pa check up ako..." hinipo niya ang noo ko. Ngumisi pa siya.

"Hindi ka naman mainit, niloloko mo bako?" Aniya bago tumawa. Napairap nalang ako sa kaniya. Sobrang weird, pero dahil alam ko ng may sakit siya wala na sakin an salitang weird.

Nag alala ako sa kalagayan ni jake. Alam niyang may sakit siya pero hindi niya sinasabi samin? Or baka naman alam ng mama at papa ni jake pero pinapanatili nilang sabihing isekreto 'to?

"Si trya." Napatingin ako sa kaniya. "Kailangan niya ako." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "She's trying to suicide, she's planning to kill herself. Wala siya ngayon, nasa probinsya siya. Babalik siya sa isang linggo." Aniya.

"Jake, sino ba si trya?"

"Kaibigan ko." Bulong naman niya.

"Hindi mo kailangan mag alala ng sobra sobra sa kaniya, bakit sakin hindi? Hindi ka nag alalala."

"I have a sick on mind chen, hindi kita kayang alagaan. I have a mental disorder chen." Tuluyan na niyang inamin ang katagang akala ko ako ang magtatanong. "You need to keep your self safe dahil isang babae lang ang naalagaan ko. At si trya 'yon"

"Jake."

"Sorry....hindi talaga kita kayang mahalin, i told you, simula palang ay nahirapan na kong kumbinsihin ang sariling mahalin ang babaeng sobrang hirap mahalin."

Tuluyan ng tumulo ang luha ko.

------

Lumipas ang isang linggo. Agad akong napatayo at napahawak sa tiyan, fvcking tommy, ang sakit sobra. Para akong laging masusuka at nahihilo ako ng sobra.

"Ok kalang?" Tanong ni jake. Umiling ako.

Hindi ok an isang katulad ko, babadtrip ako.

Pumunta ako ng cr at sumuka ng sumuka.  Binuksan ko ng sobrang lakad ang gripo para hindi marinig ni jake na nagsusuka ako. Para din akong natatae.

"Ihahatid kita sa pasok mo." Ani ni jake.

"H'wag na papa check up ako dahil baka may sakit na din ako."

"Hindi nakakahawa ang sakit ko chen, gagamutin nadin ako sa isang linggo."

Sa isang linggo din ang baking contest namin. Lugi din kami sa contest dahil ang icing ay mas sanay sa paglalagay ng icing.

"Ok papasok nako." Umalis siya at iniwan ako sa condo. Nahihilo ako piling ko konting galaw ko ay tutumba ako. Nang maramdaman ko ang paggalaw ng tiyan ko ay napaisip ako.

Hindi kaya?

"What th3 fvck? Buntis ako?" Tanong ko sa sarili.

Kay mama ako mag papa check up at kapag nalaman niya ay mas madodoble ang pag-aalala niya.

▪▪▪

Nang makarating ako sa hospital ay nandidilim ang paningin ko. "Ma'am ok kalang po ba?" Inalalayan ako ng isang lalaki. "Mukhang hihimatayin po kayo shhh,, namumutla po mga labi niyo." Napatingin ako sa lalaki.

At nang maihatid niya ako sa office ni mama ay napatayo si mama sa kinauupuan niya. Nagpasalamat naman siya kay kuya sa paghatid sakin dito.

"Anong problema chen?"

"Maa.....masakit ang tiyan ko at ang ulo ko."

"Chen.." bulong ni mama, alam ko na agad ang nasa isip niya. "Si jake ay may sakit chen.....paano kung?"

"Hindi pa ma...hindi pa tayo sure kung buntis ako..."

"Kung nagsusuka ka at piling mo natatae ka iyan ang sintomas na buntis ka."

Naalala ko an mga iniisip ko kanina. Parang natatae, at nasusuka ako.

"May nangyari sa inyo?"

"Ma nung isang linggo."

Napahampas si mama sa noo. "Paano kung magkaroon din 'yan ng sakit sa ulo chen! Kailangan mong isekreto kay jake sa mama niya sa papa niya at maging sa papa mo, sa kaibigan mo at kahit kanino. Tanging tayo lamang dal'wang ang makakaalam muna nito. At kung hindi kapa talaga sigurado kung buntis ka 'eto. PT" inabot niya sakina ng pt.

"Ihian mo 'yan. Pumunta ka sa cr, at kapag nag positive 'yan hindi mo na kailangan guluhin ang iniisip mo."

Sinunod ko ang utos ni mama, pumasok ako sa cr. At nang malagyan na ng ihi ang pt ay nag 2 bar ito. Ang two bar daw ay paalalanh buntis ka.

I can't believe na nag bunga ang ginawa namin ni jake, pero paano 'tong utos ni mama? Tatay ng bata si jake. Kailangan din malaman ni jake na buntis ako dahil ama siya nito. Pero utos ni mama ang dapat kong sundin.

Lumabas ako. "See? Anak buntis ka."

"Ma bakit hindi ni jake kailangang malaman na buntis ako?"

"Baka hindi niya kayanin, baka magwala siya o masaktan  ka niya pati ang baby mo..." aniya. Natakot ako ng sobra sa mga sinabi ni mama, hindi ko pwedeng hayaang masaktan ang ama namin, at baka hindi din siya maniwala sakin na anak namin 'to at maging  dahilan pa 'yon ng paghihiwalay namin.

"Maaa....pero paano kung  malaman ni jake?"

"Amanda chesney hindi niya malalaman kung hindi mo sasabihin kahit kanino."

Nahihirapan ako sa sitwasyon ngayon. Deserve niyang malaman pero mukhang mas kailangan ko talagang itago nalang.

Pagpunta ko sa trabaho ay sinalubong agad ako si sam at cass.

"Bhie diba engaged kayo ni ser jake?" Si cass habang binubulong iyon.

"Bakit?"

"Pumunta siya dito kanina may kasamang babae, nakahawak sa beywang. Hindi nman ikaw 'yon eh.."

"Si jake?" Tumango naman sila. "Baka guni guni niyo lang o kamuka lang. Ano naman ang gagawin no'n dito? At may kasama pa talagang babae ha?" Aniko.

Alam ko sa sarili ko na hindi imposible ang sinabi nila. Pero syempre fahil nag bubulag bulagan ako sa harapan ng dal'wa pag tatakpan ko si jake. Alam ko na posibleng pumunta talaga sila jake dito.

Kakayanin ko pang 'wag niya akong kausapin ang hindi ko lang makaya ay malamang babae ang kaigiban niya, pero may gumugulo sa utak ko. Hindi lang basta kaibigan.

Hindi ko pinansin si sam at cass at nag dire-diretso akong pumasok sa depart. Kinuha ko ang apron at nag suot ng hair net. Kinuha ko ang mga harina, napatingin pa ako sa tiyan ko.

Ako, ako ay may baby sa tiyan. Hindi pa pwedeng malaman ng tatay niya. Alam kong may point si mama, hindi ko basta basta pwedeng sabihin kay jake dahil alam din ni mamang hindi ako mahal ni jake.

Hindi lang ako ang nakakaramdam ng sakit ngayon, pati ang baby ko. Hinawakan ko ang tiyan ko at napangiti.

Agad kong nabitawan ng tawagin ako ni sam.

A mandatory love (1st Generation)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن