chapter 13

54 9 0
                                    

"Dzaiii pasensya na kung hindi natuloy ang party, nawalan kase ako ng pera at biglang nagkaroon ng emergency. Naaksidente kase ang kuya ko kaya ang perang dapat pam party ko, iyun jusko napunta sa hospital." Mapanghinayang tono ni tita benz.

Tinapik ko ang braso ni tita benz na parang kaibigan lang. "Ok lang 'yon, ang hirap din ng buhay ko ngayon eh..."

"Ay teka, no jowa since birth kaba? Irereto kita sa prend ko." Aniya. Iiling na sana ako para tanggihan ang alok niya pero nag salita agad siya. "Gwapo si wakin dahil malaki ang katawan, moreno, may bigote at an ganda at makapal ang kilay. Mapupulang labi."

"Nakoo tita benz, wala na....ayoko na mag shota."

"Chen wala ka pang nagiging boyfriend..."

"Meron na ih." Napakamot ako ng batok. Sasabihin ko na sana kung sino pero naalala ko ang sinabi ni sam na kapag binaggit ko at nakalabas ang issue kong may relasyon ako sa kaaway na kompanya, makikick ako.

"Sino naman? Sa susunod ay dalhin mo dito ipakilala mo naman kami at ang trabahong pinapasukan mo."

Naalala ko ang isa pa. Kung kaaway ng kompanyang ito ang kompanya nila jake,  alam ni jake na kaaway nila ang pinapasukan ko?

Pero bakit hindi man lang nagawang sabihin sakin ni jake 'yon? Iniintay ba niyang malaman ko pa?

"Hindi na tita benz dahil masyado ding busy ang lalaki, pahirapan nga din akong kunin ang intensyon dahil sa tuwing uuwi ng condo ay natutulog kaagad." Aniko.

"Umuuwi ng condo? You mean? Live in kayo?" Nanlaki ang mata ko, wala nakong takas. "Hindi ako bingi chen, live in kayo ng boyfriend mo? Nicee........hindi pa kayo nag-aano?"

Kumunot ang noo ko, kung ano-ano na lamang ang pinag iisip ng bakla. Hindi niya alam na may nangyari na samin at meron ng bunga ang ginawa namin ni jake ng gabi.

"Ewww..." kunwari'y inosente kong sagot. Tumawa naman siya. "Sige na bumalik kana sa depart mo at pupunta ako kay ser bugsy." Pagpapaalam ni tita benz.

Nang makabalik ako ay kinausap ako ni sam. "Ano pinag usapan niyo ni tita benz? Grabe makasigaw sakin para lang makalapit ka sa kaniya." Napahilamos pa siya ng mukha.

Napatawa ako dahil hindi niya 'ata naalalang may harina ang mga gloves niya. 'Wag ka nga tumawa chen!" Inis niyang saad bago dumampot ng haring buo.

Hinabol niya ako at paikot ikot kami sa loob ng depart. Pansin ko pa nga ang irita ng iba dahil sa likot namin. Nabundol ko naman si cass na kasalukuyang seryosong nag lalagay din ng harina.

"Pasensya na..." humarap siya sakin bago kumuha din ng harina.

Tumakbo ulit ako, pero ng maalala kong may baby nga pala sa tiyan ko ay tumigil ako. Hinayaan ko na lamang na lagyan nila ang mukha ko ng harina para lang tumigil na.

Nag cross arm naman ang isa sa kasamahan namin. "Hindi ba kayo nanghihinayang sa harina? Pera rin 'yan! 'Wag kayong mag sayang." Aniya bago tumalikod.

"Akala mo naman kung sinong magaling mag bake." Umirap si cass bago higitin kaming dal'wa ni sam..

"Puro pag mamagaling lang naman ang alam niyang babaeng 'yan.....ni hindi nga niya nagawa ng maayos ang nakaraang bake eh...paano pa kayo kung mag bida bida siya sa contest natin noh?"

Napatawa ako sa kanila. "Hindi ko na nga pinansin tapos kayong dal'wa pa 'tong inis na inis do'n?" Aniko.

"Hindi mo pa kase talaga kilala 'yang bruha na 'yan. Madami yang kasamahan dito na malapit ang loob sa kaniya, ako ngang lead ng depart na 'to hindi niya magalang..." si sam.

Leader pala si sam ng depart na 'to. Hindi na ikatataka dahil siya ang mukhang professional baker rito sa depart na 'to. Bumalik kami sa pwesto namin at habang gumagawa ay nag kwentuhan.

"Kaya ba nung nakaraan ay ikaw ang nag lagay ng mga na i bake papuntang department ng icing?"

"Correct.." si sam habang naglalagay sa cup ng mga na mix na harina. "Kahit sa ibang depart ay may ganyang ugali tula ng bruha kanina....si phiona? Bida bida din 'yon. Kaya ikinataka ko nung una na naging kaibigan mo pa siya.."

Hindi pako makapaniwala sa sinabi ni sam na bida bida si phiona samantalang naging magkaibigan kami no'n. Ngumuso ako. Pinunasan ko naman ang mukha ko dahil ramdam kong may tira pang harina.

"Si phiona ano naman ang position niya sa depsrt nila?"

"Lead, din. Isa talaga 'yong bida bida." Iritang saad ni cass. "Naalala mo sam nung time na tayo ang inutusang kunin ang cake sa baba? Mataray niyang inabot satin 'yon." Ani ni cass.

"Mag kaugali si phiona at yang bruha dito sa depart natin." Ikinataka ko kung bakit bruha ang tawag nila diyan sa babae, 'yun ba ang pangalan nito? Bruha?

"Bakit hindi niyo banggitin ang pangalan niya?"

"Loka kaba chen? Pag sinabi ko malalaman niyang siya ang tinutukoy ko..." bakit hindi ko man lang naisip na kaya pala hindi binabanggit ni sam ang pangalan dahil baka nga tama siya na malamang siya pinag-uusapan.

"Mag focus na muna tayo sa trabaho..." ani naman ni cass bago mag simula muli.

---

Nang  matapos kami sa pagtrattabaho ay inalok pa nila akong tumambay sa opisina ni ser bugsy. "Ginagawa mo dito?" Tanong sakin ni ser.

"Ahhh sinama lang po nila sam.."

"Sam at cass hindi tambayan ang opisina ko..."

"Pero ser! Dito muna kami, teka! Peram libro!" Tumakbo si cass papuntang likod ni ser at kinuha ang libro.

"I said get out sam and cass, even you chen!" Sabay turo niya sakin. "I can't focus on this paper. Naguguluhan ako!" Sigaw niya. Natakot ako dahil sa boses niya.

"Tara na kase sam!" Nginig din ang dal'wang lumabas kasama ako. Ako na ang nagsara ng pinto pero habang sinasara ko ay nakikita ko ang mukha ni ser bugsy na mukhang galit.

Edi magalit ka!

Iniwan ko ang kotse sa paradahan ng kompanya dahil gagala ulit kami nitong dal'wa sa stella shop. Yakap yakap ni sam ang bag niya habang nakangusong naglalakad.

Siya ata ang pinaka maliit dito saming tatlo. "Ilang taon kana ba cass?" Tanong ko.

"23."

"Ikaw sam?"

"27 nako.."

Hindi ako makapaniwala. Not obbious from Sam's face that she is older than us because she is also the smallest than me and cass. Mas matangkad panga sakin si cass.

"Ilang raon na kayong nagtratrabaho sa CBR?" Tanong ko ulit.

"Mag 1-1 year na....ako." si cass.

"Ako naman 5months na." Si sam naman.

Ako ay mag 2-2 months palang. Pagkarating namin sa stella shop ay mukhang puno ng tao rito.

Sadya sigurong pag malamig ang panahon ay ganito rito, napupuno ng tao. Sa tingin ko nga ay hindi na kami magkaka siya rito at wala na kaming pwesto.

"Take out nalang tayo tapos do'n tayo sa garden ng mall." Sumang-ayon nalang kami ni sam sa gusto ni cass. No choice fin naman kami dahil sa talagang maraming tao rito sa---jake?

Agad kong hinatak sila sam at cass. "Piling ko busog ako, or do'n nalamang tayo sa mall bumili ng snack 'staka tayo tumambay sa garden ng mall." Hindi na nakapalag ang dal'wa dahil sa pag hila ko.

A mandatory love (1st Generation)Where stories live. Discover now