Epilogue

31 3 0
                                    

        Maaliwalas at maganda ang panahon, masaya ang lahat ‘yan ang makikita mo sa buong paligid nang LHSA.

Samantalang sa loob nang SSG Office kung saan tahimik at walang kibo ang apat at tinitingnan ang mag kapatid na Velasco na nag uusap.



“Kuya.” Wika ni Calvin sa kapatid na bising bisi sa pag tipa sa laptop nito.

“Hmm?” Sagot ni Michael kay Calvin.



“P‘wede mag tanong kuya?” Tanong ni Calvin sa nakakatandang kapatid nito.







Itinigil naman ni Michael ginagawa nito at hinarap ang bunsong kapatid na katabi nito ngayon.








“What?” Tanong nito sa kapatid.

“E, ‘di ba, wala namang klase ngayon? P‘wede bang daan tayo sa GHU? Gusto ko lang makita sina Kaleah, please?” Ani ni Calvin sa kanyang kuya Michael na ngayon ay nakatingin sa kan’ya.



Nag pakawala muna ng malalim na buntong hininga ang kuya nito at saka sumagot. “Ok.”






“Yehey! Thank you, Kuya!" Wika ni Calvin na napatayo sa kinauupuan nito at niyakap ang kapatid.”








Samantalang ang mga kaibigan naman ni Michael na sina David, LJ, Del at Timo ay napapangiti dahil sa nakita sa mag kapatid.












Nang makarating sina Michael, Calvin at Tin sa eskwelahan ng GHU ay agad pinababa ni Michael ang dalawa at nauna ng pumasok sa loob samantalang siya ay nag hanap nang mapaparadahan.









Sina Calvin at Christian naman ay madaling nakapasok dahil sa uwian na rin ng GHU.







Umupo ang dalawa sa isa sa mga bench dito at tinanaw ang mga taong kailangan nila ngunit hindi naman nabigo ang dalawa ng makita nila ang tatlo.







“Kaleah!” Sigaw ng binata sa kung sino.







Agad naman tumakbo ang tatlo ng makita ang dating kaibigan ng makalapit ay nag yakapan, nag kamustahan at nag pakilanlan sa isa ‘t isa.








“Calvin!”







Napalingon si Calvin sa taong tumawag sa pangalan niya at nang makita ang kuya pala nito ay ipinakikilala rin niya ito sa tatlo.








Pero sa kabilang bahagi ng GHU sa isang tago,madilim at walang gaanong tao ay may nag pakitang dalawang pares nang sapatos na itim at kasabay noon ay kita ang itim na pantalon at tuxedo tanging pulang pabi lamang ang kita ng liwanag nang araw na papalubog.






Unti-unti ay dumilat ito at pulang mga mata ang makikita kahit madilim ang bandang itaas nang mukha nito.







Tumanaw ang mga mata nito sa dereksyon nina Calvin na masaya at nag k‘we-k‘wentuhan.






Sumulpot naman sa tabi ng lalaki ang isang babaeng may pula ring mga mata, suot ay pang opisinang hapit na palda at nakaitim na heels at saka nag wika habang nakatingin din sa tiningnan nito.




“Bakit ayaw mo pang mag pakita sa kanila?”

“May panahon para diyan.” Seryosong saad ng lalaki sa kan’ya.


“Hanggang kailan.... CJ?” Tanong muli ng babae.



“Darating din tayo diyan, ‘wag kang mainip.” Ani ng lalaki sa babae.








Maya-maya ay may isa pang lalaki ang nag pakita upang maputol ang kanilang usapan.



“Young Master, pinatatawag na po kayo ng inyong Papa.” Sabi ng lalaking kadarating lang at saka nag laho.







Nang marinig nang lalaki ang sinabi ng bagong dating ay muli nitong sinulyapan ang p‘westo nina Calvin na tinutungo na ang gate ng GHU at masayang nag k‘we-k‘kwentuhan sa mga kasama.



“Sabik na akong makita kayo, mayakap ngunit konting tiis na lamang mag kikita at mahahawakan ko na rin kayo...." putol nito at saka tumalikod sa madilim na lugar at bago ito tuluyang mag laho ay huling salitang binitiwan nito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

“Mga anak.”

                     THE END

The Red Full Moon (Moon Trilogy 1) {BL} [COMPLETED]Where stories live. Discover now