Chapter 19: Welcome to Langston High School Academy

24 2 0
                                    

Calvin POV

        Matapos ang mga nang-yari noong biyernes sa GHU ay dumaan ang sabado ‘t linggo na hindi ko kinausap si kuya Michael hindi naman dahil galit ako nag tatampo lang naman.



Ngayon ay araw ng lunes eto rin ang unang araw ko sa sarili kong paaralan na kung saan nag aaral si kuya, walang iba kundi sa LHSA.






Gusto ko sana mag paliwanag sa mga kaibigan ko ngunit kahit sa contact number ay hindi ko na sila matawagan kahit sa FB ay wala na rin.




Sabi nga ng iba ‘nasa huli ang pag sisisi’ may dahilan naman ako kung bakit nag sinungaling ako sa kanila noon e.





Pero kung nasa punto ka na ng salitang ‘sana’ edi hindi aabot sa ganito ang lahat.


Edi sana kasama ko pa sila ngayon at nasa GHU pa rin ako ‘tsaka for sure ayos pa kami ni kuya tulad dati.






“Calvin, anak.”



Nabalik ako sa reyalidad nang may tumawag sa pangalan ko at kasabay ng mahihina at sunod-sunod na katok sa pintuan ng kuwarto ko.




Binuksan ko ito at kita ko naman si mommy sa labas nito.




“Papasok ka ba o hindi muna?” Pag tatanong ni mommy sa akin.


“Opo, papasok po, susunod na po ako.” Wika ko dito.






Ngumiti ito ng tipid at halata sa mata nito ang lungkot, alam na din nito ang nang-yari at alam din nito kung bakit wala kaming pansinan.




“O, sige, hintayin kita sa baba.” Sabi nito at saka umalis.



Isinara ko naman ang pintuan at saka humiga muli sa aking kama at tumitig sa kisame ng aking kuwarto.






Tumagilid ako ng higa at napadako ang aking paningin sa aking alarm clock na nasa tabi ng lamp shade ko sa tabi ng kama.




“7:00 am” Bulong ko ng makita ang oras.






Bumangon na ‘ko sa pag kakahiga at saka lumabas nang kuwarto ko.




Nang makarating ako sa dining area ay nakita ko si mommy na nag hihiwa ng sibuyas na napatingin sa p‘westo ko.






Ngumiti ito at itinabi ang ginagawa ‘tsaka nag salita. “Anak, maupo ka na.”



“Manang, yung pag kain ni Calvin!” Tawag nito habang pinaghahain ako.

“Opo, ma'am!” Balik na ani ng aming kasambahay mula sa kusina.






Maya-maya ‘y lumabas mula sa kusina si Ate Helen na may dalang pag kain na agad namang tinulungan ni mommy.



“Anak, nasa sala pala yung isusuot mong uniform.” Panimula ni mommy na ikinatigil ko sa pag nguya ng pag kain ‘tsaka sinulyapan ko ito.





Itinuloy ni mommy ang kanina pa nitong ginagawa kaya napatingin naman ako sa orasang nandirito ng makita kong 7:20 am na kaya agad akong tumayo na nag palingon kay mommy.





“Tapos na po ako, maliligo na po ako.” Sabi ko at saka lumabas nang dinning area ng hindi ko na inintay ang sagot ni mommy.




Dumiretso ako sa sala at kinuha ang asul na parihabang kahon na nasa sofa at saka umakyat na upang maligo.


The Red Full Moon (Moon Trilogy 1) {BL} [COMPLETED]Where stories live. Discover now