Chapter 6: The Member Of SSG Officer's

35 2 0
                                    

Calvin POV

      Heto ako ngayon bagot n bagot dito sa loob ng room wala kaming klase dahil busy mga teachers ngayon lalo na ang aming adviser na nasa unahan kaharap ang laptop niya at puro kabundok na papeles ang nasa mesa nito.

Samantalang ang aking mga kaklase heto chismis dito, chismis doon, kwentuhan dito, kwentuhan doon at kung tinatanong n‘yo kung ano naman ginagawa ng mga kaibigan ko? Si Kaleah na katabi ko sa kaliwa nag fa-facebook lang naman sa kaliwa naman nito si Naomi na nag lalaro ng kung ano sa cellphone niya at si Ian na katabi ni Naomi, ayun kumakain lang naman at dahil sa kabagutan ko ay dumayukyok na lamang ako sa aming lamesa ni Kaleah ng may biglang kumatok para tumahimik ang lahat dahilan upang tumingala rin ako.

Bila na lamang tumayo si Sir John at pumunta sa dereksyon ng pinto nitong room upang malaman kung sino ang taong nasa labas at kung sino ang kumatok ng mabuksan ay may kinakausap ito dahil sa pag bukas ng bibig ni sir kahit hindi ko makita kung sino ang taong kausap nito sa labas ng bumaling ang paningin ni sir saamin at nag salita ito.


“Quite section A! Nasa labas ang lahat ng miyembro ng SSG Officer, gusto daw nilang mag pakilala sa inyong lahat at saka ang section n‘yo na lang daw ang hinuli nilang puntahan.” Pag papaliwanag ni Sir John saamin dahilan upang ang lahat ay maging si ‘Flash’ at dahil sa narinig naging parlor ang classroom namin dahil ang mga bakla kong classmate at babae heto make-up dito, make-up doon.

Napatingin naman ako sa aking katabi na si Kaleah dahilan upang matampal ko ang sariling noo dahil katulad ng iba ganoon din ang ginagawa nito kaya ibinaling ko naman ang aking paningin kay Naomi ganoon din ang ginagawa nito tulad sa iba si Ian ayun napapailing naman dahil sa nang-yayari ang iba ko pang kaklaseng lalaki na akala ko walang pake sa mundo ayun nag pupulbos at nag lalagay pa ng wax sa kanilang mga buhok sa ulo.

‘Hindi n‘yo naman sinabi na graduation na pala, edi sana dinala ko yung lahat ng make-up kit ni Mommy, galing pa naman yun sa iba‘t ibang mga bansa tulad ng USA, Paris, Korea at marami pang iba.’ Sabi ko sa aking isip, haystt!

Na pa ngiti na lamang si sir sa ginawa ng mga kaklase ko sa may pa blush on pa, lipstick sa labi na ang kapal na akala mo sinapak ng kung sino dahil sa pula pa naman, iling na lamang ang ginawa ko.

“Ok na ba kayo section A?” Pag tatanong ni Sir John saamin ng nakangiti.

“Ok na po!”

“Yes, sir!”

“Papasukin n‘yo na po yung boyfriend ko!”

“Akin sir! Papasukin n‘yo na po yung Asawa ko!”

Na pa ngiti na lang si sir sa mga sinabi ng mga kaklase ko. Samantalang ako eto iiling-iling dahil sa mga pinag sasasabi nila.

“Calvin.” Tawag ni Kaleah sa akin kaya nilingon ko siya

“Ok lang ba?” Tanong ulit nito sa akin habang ang kamay nito ay nakaturo sa kanyang mukha kaya tumango na lamang ako para sabihing maayos ang make-up sa mukha niya.

“Ok, pwede na kayong pumasok.” Sabi ni Sir John upang ang lahat ay parang bulateng nilagyan ng asin at pigil ang kilig dahil sa pag pasok ng walong miyembro ng SSG Officer ng GHU at siyempre ang naunang pumasok ay si Lucas na mas malamig pa sa yelo.

“Kyaahhh!”

“Ang gwapo talaga niya!”

“Pre, ang ganda niya.”

“Heto na naman ho kami.” Bulong ko.


“Section A,” saway ni Sir John saamin.

Kaya tumahimik ang lahat upang makapag simula na ang mga miyembro ng SSG na nandirito sa harapan namin.


The Red Full Moon (Moon Trilogy 1) {BL} [COMPLETED]Where stories live. Discover now