Chapter 3: First Day Of School

50 3 0
                                    

Isang magandang paligid iba't-ibang mga halaman at bulaklak sa gitna noon ay may mataba at mayabong na isang puno ng mangga sa ilalim nito ay may munting batang lalaki ang animo'y nag aantay doon.

"Vin." Tawag ng kung sino dahilan upang mapalingon ito sa tumawag ng kanyang pangalan.

Sa pag harap ng munting batang lalaki sa tumawag sa kanya ay sumilay Ang ngiting napakatamis sa mga labi nito ng masilayan niya ang taong tumawag sa kanya kasabay noon ang pag sulpot pa ng mga kasama ng taong tumawag sa kanya at naka ngiti ito ang iba naman ay kumakaway habang nakangiti.

Lumapit ang munting batang lalaki sa isa pang batang lalaki at niyakap niya ito, yumakap naman ito pabalik sa kanya na ikinangiti niya lalo, kalaunan ay kumalas silang pareho.

"Hindi ba ngayon ang araw ng alis n'yo, Den?" Tanong ng munting batang lalaking nag ngangalang Vin sa kaharap na tumawag sa kanya kanina.

Simpleng ngiti at tango lamang ang isinagot ng nag ngangalang Den kay Vin. Maya-maya'y may dinukot sa bulsa ng pantalon ang munting batang lalaki na si Den at agad naman nitong kinuha ang kanang kamay ni Vin gamit ang kanang kamay nito. Pag katapos ay isinuot ni Den ang isang napaka gandang porselas na kulay silver na may pendant na half moon ng matapos maisuot ay agad nag salita ang batang si Den habang hawak ang kamay ng munting batang lalaking si Vin.

"Ibinigay 'yan ng aking Ama sa aking Ina at kanina lang ni Mom ibinigay sa akin, sabi niya ibibigay ko lamang ang porselas na iyan sa taong importante sa akin at ikaw yun, Vin."

"Iingatan ko," sagot ni Vin dito.

"Den!"

"Den!!"

"Tara na aalis na tayo!!!"

Napalingon silang dalawa sa iba pa nilang mga kaibigan na tinatawag ang batang lalaking si Den.

"Tinatawag ka na nila." Sabi ni Vin.

Pag katapos sabihin ang mga salitang iyon ay bumitaw ang kamay ni Den sa kamay ni Vin at tumalikod muling nag lakad papunta sa iba pang mga kaibigan pero agad huminto sa pag lalakad si Den at kasabay ng isang salitang binitiwan niya sa batang si Vin na nakatanaw sa kanyang pag alis.

"Aalis ako pero aalis akong baon ang mga alaala nating dalawa, babalik ako dito dahil dito tayo unang nag kakilala Vin... Hanggang sa muli.... Paalam."

At kasabay noon ang papalayong pigura nito sa lugar na iyon kung saan maraming alaalang na buo...

Calvin POV

Habol hiningang nag mulat ako ng aking mata at napalingon na lamang ako ng biglang tumunog ang aking alarm clock.

Krinnnnnggg!

Agad ko namang pinatay ito at agad dumiretso sa Cr na nandirito sa aking kwarto ng makapasok ay agad akong tumingin sa salamin na nandirito.

"Anong klaseng panaginip yun? Bakit ang labo ng kanilang mga mukha?" Nasabi ko na lang habang nasa harap ng salamin na nadirito sa banyo.

Umiling ako upang makalimutan ang napaka weird na panaginip ko pati ang mga taong iyon, agad ko namang binuksan ang gripo at nag hilamos pag katapos ay ginawa ang dapat kong gawin kaysa isipin ko yung panaginip na iyon ay baka mahuli ako dahil sa first day of school ngayon.

Papunta na akong dining area at ng nakita na nila ako ay saka nila ako binati.

"Good morning princess." Sabay-sabay na wika nina Mommy, Daddy at si Kuya.

"Good morning din po." bati ko naman pabalik at nag simula ng kumain.

Habang sakay ng kotse ni Kuya, yes ihahatid niya ako ngayon sabi ko nga 'wag na at baka mahuli pa siya dahil tulad niya ay first day of school din ng school nila at tama kayo sa inyong nabasa, mag kaiba kami ng school na gusto kase simula pa kinder e nakikita ko na pag mumukha niya.

The Red Full Moon (Moon Trilogy 1) {BL} [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang