Calvin POV
Pumarada ang kotseng sinasakyan ko ngayon sa harap nang gate ng GHU, agad naman akong bumaba at saka dumiretso sa guard nitong University upang ipakita ang ID ko ay agad na akong pumasok.
"Ang aga ko naman ata." Bulong ko sa aking sarili ng mapansin kong kakaunti pa lang ang mga tao dito.
Agad na akong lumakad upang hanapin ang aking mga kaibigan ng matanaw ko ang mga ito na papunta sa kinaroroonan ko ng nakangiti na animo'y walang problema ng muling sumagi sa'king isipan ang mga sinabi ng librarian sa akin kahapon.
"Ang salitang kaibigan kaylan man hindi mo makikita sa eskwelahang ito, tanging sarili mo lamang ang pwede mong pag katiwalaan. Darating ang oras mas pipiliin nila ang sarili kaysa sa pag kakaibigan na binuo n'yo, hindi lahat nang nakikita ng mga mata ay totoo."

Pa ulit-ulit na nag e-eko sa aking isipan ang mga katagang iyan mga salitang mahirap paniwalaan dahil sa kabutihang pinakita nila sa'kin at kung totoo man na hindi pag kakaibigan ang mutibo nila, bakit pinapatagal pa nila kung ang lahat ng mga nasa eskwelahang ito ay puro panlilinlang lamang, sana kaya ko pang bumalik sa umpisa...
"Calvin!"
"Uy!"
Nabalik ako sa aking sarili ng may yumugyog sa akin at kita ko ang mga kaibigan kong nasa harapan ko na pala.
"H-Huh?" Tipid na wika ko sa kanila.
"Ay, anyare sa'yo? Tulala kang nag lalakad d'yan." Wika ni Kaleah na nag pipigil pa ng tawa.
"Calvin ayos ka lang ba?" Tanong naman sa'kin ni Ian na halatang nag aalala.
"May nang-yari ba sa house n'yo?" Sunod namang tanong ni Naomi sa akin.
Awkward akong na patawa at agad nag salita. "Oo naman ok lang ako tsaka never naman akong nag karoon ng problema sa bahay." Pag papaliwanag ko sa kanila.
"E, bakit parang lutang ka?" Taas kilay namang tanong ni Kaleah.
"Ah, 'yun ba? Nag kakabisa lang." Pag papalusot ko sa kanila.
YOU ARE READING
The Red Full Moon (Moon Trilogy 1) {BL} [COMPLETED]
VampireAng sabi nila ang mundo daw ay puno ng misteryo. Ang sabi pa ng iba ang ating mundo ay napakamahiwag. Kung iisipin mo na tayo lamang ang nakatira sa mundong ito. Nag kakamali ka... Dahil sa kabilang bahagi ng mundong ito may mga katulad din natin na...