Chapter 7:The Queen Bee

28 1 0
                                    

Calvin POV

       Heto ako ngayon parang zombie kung mag lakad dahil feeling ko tamad na tamad ako ngayong araw ng may biglang tumawag sa akin.

“Calvin!!”

Kaya na patingin ako sa harap ng makita ko ang mga kaibigan ko na sina Ian, Naomi at Kaleah na kumakaway at nakangiti sa dereksyon ko kaya pinilit ko na lamang ngumiti dahil ayokong makita nila akong malungkot at ng makalapit ako sa kanila ay agad nag salita si Kaleah.

“OMG! Wala tayong klase ngayon!” Masayang hayag nito sa akin.

“So, saan tayo ngayon?” Pag sasalita ni Ian at tinatanong kami.

“Sa room na lang tayo tambay.” Suhesyon ni Naomi na sinang ayunan ng dalawa.

Andirito kami ngayon sa third floor dahil nandirito ang room namin ang mga gamit namin na nasa loob ng room kami eto nasa labas at nakadungaw sa first floor sa mga estudyanteng dumaraan dito.


Habang malalim ang iniisip ko dahil sa nang-yari kahapon sa parking lot ay nabalik ako sa reyalidad ng sumigaw si Kaleah.

“Kyaahh! OMG! Ang gwapo talaga niya!” Sabi nito habang nakangiti sa kanyang cellphone.


Agad sumilip si Naomi sa tinitilian ng bruha niyang pinsan ng bigla rin itong nag tititili.


“Gosh! Sobra! Send mo sa‘kin, dali!” Sabi ni Naomi kay Kaleah.



“Wait! Ok?!” Sabi ni Kaleah na kinikilig pa rin sa kung sino na namang ponsyopilato ang nakita sa timeline niya.


“Sino na naman ba yan?” Pag tatanong ni Ian na naiiling.


Ako? Eto hinihintay din kung sino ba yung tinitilian ng mag pinsang ito nang biglang iniharap ni Kaleah Ang cellphone nito saamin ni Ian dahilan upang mamilog ang mga mata ko dahil sa larawang ipinakita ni Kaleah.

“Oh di ba ang gwapo!” Sabi ni Kaleah ulit ng biglang mag salita si Naomi dahilan upang sa akin mapunta ang atensyon nila.


“Calvin bakit namumutla ka?” tanong ni Naomi na nag aalala.

“Ayos kalang Calvin?” Tanong rin ni Ian at hinawakan ako dahil feeling ko matutumba ako anytime.



‘ ‘Wag mong sabihing kilala nila ang—’ Pag iisip ko ng yugyugin ako nilang tatlo para mabalik ako sa reyalidad at makita ang mga kaibigan kong nag aalala sa akin.


“Calvin! Hoy!” Sabi ni Kaleah na alalang alala sa akin.


“H-Huh?” Tugon ko sa sinabi niya.


“Ok ka lang ba talaga Calvin, gusto mo pumunta tayo sa clinic ngayon?” Si Naomi.

“Oo nga.” Pag sang-ayon ni Ian.


“H-Hindi..ok lang a-ako...ahmm..k-kilala n‘yo siya?” Tanong ko at turo sa litratong nasa cellphone ni Kaleah.


“Oo.” Si Naomi ang sumagot at makikita mo parin ang pag aalala sa magagandang mga mata nito.


“Don‘t tell me Calvin na hindi mo siya kilala!” Gulat na reaksyon ni Kaleah sa akin.


Iling lamang ang itinugon ko sa kanya kahit ang totoo ay kilala ko naman ang taong nasa litrato.

“Really?” Hindi makapaniwalang sagot ni Ian sa naging reaksyon ko.


Sasagot sana ako ng mag hiyawan ang mga kaklase ko na nasa loob ng room namin kaya pumasok na lamang kami para malaman kung bakit sila nag sisigawan.


The Red Full Moon (Moon Trilogy 1) {BL} [COMPLETED]Where stories live. Discover now