Chapter 15: Michael's Dream

26 0 0
                                    

Michael POV

          Nandirito na ako sa loob nang LHSA at tinatahak ang daan papuntang SSG Office dahil marami pa akong gagawin.






Pansin ko rin ang iilang estudyanteng nandirito na at halatang nagiging puso na naman ang mga mata dahil sa pag dating ko kaya‘t minabuti ko na lamang na bilisan ang aking pag lalakad.









“Ang aga ko pala para pumasok, haysstt!” Bulong ko sa hangin at lalong binilisan ang lakad.









Nang marating ko na ang pasilyo ay agad na‘kong nag madali at kinapa sa bulsa ng suot kong uniform ang susi para sa pintuan ng SSG Office ng matanaw ko na ito.








Agad na akong tumigil sa pag lakad nang nandirito na ako sa mismong harapan ng pinto ng SSG Office at binubuksan ito gamit ang susing hawak ko at nang matagumpay ko na itong mabuksan ay agad ko namang pinihit ang hawakan nito upang makapasok na ako at agad kinapa ang switch ng ilaw dahil madilim ang paligid nang silid.











Nang lumiwanag ang paligid ay agad naman akong dumiretso sa aking lamesa at saka inilagay ang aking gamit.













“Haysstt! Salamat, nakakapagod ang araw na‘to.” Wika ko tsaka isinandal ang likod sa sandalan ng upuang inuupuan ko ngayon.










Ibinaling ko naman ang aking ulo sa bintana nitong opisina kita ko ang madilim pang ulap at paligid tsaka muling ibinaling sa kisame ang aking tingin at bumalik ang alaala nung isang araw kung saan nag pakita ang misteryosong lalaki na iyon.










“Sino kaya siya? Bakit kilala niya ako?” Takang tanong ko sa aking sarili.







Dahil sa kakaisip nang dahilan sa mga nang-yari nung isang araw ay agad bumigat ang talukap ng aking mata and everything went black.






















“Tan! Halika laro tayo!” Wika ng batang lalaki habang kumakaway ito sa isang simpleng bahay kung saan may isang pang batang lalaki ang nakadungaw sa bintana.







Maya-maya‘y bumukas ang hindi kalakihang gate ng simpleng bahay ay duon lumabas ang batang kanina lamang ay nakadungaw sa bintana ng makalabas ay sinalubong naman siya ng apat na batang lalaki.








Kasabay noon ay ang pag takbo nilang lima palayo sa bahay na iyon at tanging sigawan ang maririnig mo sa kanila.








“Tan! Sandali naman oh!” Sigaw nang isang batang lalaki.



“Ang bagal n‘yo!” Balik na sagot ng batang lalaki na nag ngangalang Tan habang tumatawa.




“Huli ka!” Sabi ng isa pang batang lalaki ng makuha nito ang kanang kamay ni Tan.





“Kahit kailan talaga D ang bilis mong tumakbo!” Wika ni Tan sa batang lalaki nag ngangalang D na seryoso lamang kung tumingin kay Tan samantalang si Tan ay nakangiti dito....


















“Michael!”

“Pre! Gising!”

“Dre! Nananaginip ka!”


“Uy! Pre! Gising!”








Na pa dilat ako, tagaktak ang pawis kahit na ka aricon ang buong silid at mukha ng mga kaibigan kong nag aalala ang unang nasilayan ko.








Napatingin ako sa may bintana kung saan umaga na pala at ibinaling kong muli sa mga mokong ang aking tingin.






“A-Anong nang-yari?” Wala sa sariling tanong ko sa kanila dahil sa panaginip na iyon.







Nakita ko naman ang pag tingin nila sa isa‘t isa at saka nag salita si Timo.







“Pag pasok namin dito e, nananaginip ka na pre kaya ginising ka na namin.”



“Hirap mo palang gisingin pre.” Wika ni LJ na nag aalala pa rin sa‘kin.






“Huh? Bakit?” Takang tanong ko dito.




“Anong bakit? E, kulang na lang humingi kami ng tulong dahil kahit anong lakas nang yugyog namin sa‘yo hindi ka pa rin gumising.” Sagot ni Del sa akin.



“Anong na panaginipan mo ba?” Seryosong tanong ni Dave sa‘kin na ikinatingin naman ng tatlo.



“Ang natatandaan ko lang ay malabo lahat pero may bahay akong nakita then limang batang lalaki tapos may binanggit silang name ang pag kakatanda ko is yung isa ay T-Tan? Then D?” Mahabang pahayag ko sa kanila.







Nag tinginan ang apat nang sabihin ko ang panaginip ko na iyon at kita ko ang pag kagulat sa kanila na agad naman nilang binawi at bumaling sa akin.







“Pang ilan mo na iyan?” Seryoso at pag tatanong muli ni Dave sa‘kin.




‘Dami namang tanong nito, reporter ba kukunin nitong mokong na ito?’ pag tatanong ko sa‘king isip.







“Michael.”







Nabalik ako sa aking sarili ng muli akong tawagin ni Dave.









“Huh? Ahh, oo, pangatlo na ito.” Wika ko dito.



“Pangatlo na ito?” Takang tanong ni Del sa‘kin.





“Oo, yung first is yung first day of school then nung isang gabi, ngayon na lang ulit na ulit pero laging hanggang doon lang kase laging may gumising din sa‘kin tulad n‘yo, ginising n‘yo ako.” Mahabang paliwanag ko sa kanila.



“ ‘Wag mo na lang munang isipin ‘yan.” Seryosong sabi ni Dave sa‘kin at saka pumunta sa table nito at ganoon na rin ang ginawa ng tatlo pa.








‘Pero ang weird ng reaction nila kanina?’ takang sabi ko sa aking isip.








Iwinaksi ko na lamang iyon sa aking isip dahil marami pang dapat isipin tulad nang paanyaya ng GHU saamin.








“Mike.”







Nabalik ako sa reyalidad ng may tumawag sa akin kaya agad naman akong tumingin sa tatlo.








“What?” Taas kilay kong tanong kay Del.



“Wala pa akong pinapadalang sulat sa kanila.” Balik na sagot ko dito.



“Hindi ka pa ba nakakapagbigay?” Tanong ni Dave na ikinalingon ko naman upang tingnan ito.







Iling lamang ang isinagot ko dito at muling bumaling sa laptop ko at may kinalikot.

The Red Full Moon (Moon Trilogy 1) {BL} [COMPLETED]Where stories live. Discover now