Chapter 12: Meeting

30 2 0
                                    

Calvin POV

       Nasa back seat ako ngayon ng aming kotse at tinatahak ang daan papuntang GHU upang pumasok na naman sa eskwelahang nag bigay ng problema sa‘kin.





Ako? Heto mukha akong panda ngayon dahil sa hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa pesteng misteryosong lalaking iyon kahapon na hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga sinabi nito at lalong lalo na ang sulat na natanggap naming mag kakaibigan.







“Calvin...”







Nabalik lamang ako sa reyalidad nang may kung sinong tumawag sa aking pangalan at nang makita ko kung sino ito, walang iba kundi ang personal driver nang aming pamilya kaya sinagot ko na lamang ito.







“Kuya Daniel, bakit po?” Pag tatanong ko dito.



“Nandirito na po kasi tayo.” Sagot nito sa tanong ko.









Dahil sa narinig ko mula dito ay tumingin ako sa bintana ng kotseng sinasakyan ko, tama nga, nandirito na kami pero hindi ko naramdaman yun ah. Siguro dahil sa pag iisip ko ng mga nang-yari kahapon kaya minabuti ko na lamang bumaba.







Nang makaalis na ang sasakyang nag hatid sa‘kin, ngayon heto ako at tiningala ang eskwelahang pinapasukan ko.







Minabuti ko na lamang pumasok nang maipakita ko na kay mamang guard ang aking ID ay agad nito akong sinenyasan na pumasok na.






Eto ako ngayon at rumarampa sa hallway nitong University habang ang mga kapwa ko estudyante ay may sari sariling ginagawa at akala mo‘y walang dinadalang problema.







Nakarating na ako sa mga bench nitong University kaya umupo muna ako dahil mukhang saaming apat ay ako pa yata ang na una? Kaya ibinaba ko na lamang ang aking bag at kinuha ang aking cellphone upang itanong sa aking mga kaibigan kung papasok pa ang mga ito, may GC naman kami e.







Nang mabuksan ko na ang aking cellphone ay agad kong hinanap ang aming GC nang makita ko na ito ay agad akong nag tipa sa aking key board.








                      ❣️4 squad❣️

                                                      Me 😉
          Asan na kayo? Nandito na ako sa school.


Kaleah 🤨💅
Wow! Himala huh!? Maaga?



Naomi 🫡
Mag papa fiesta na ba kami? Hahaha!





Ian 😎
First time in history.









Natampal ko ang sariling noo dahil sa mga sinabi nila, nag tataka ako kung bakit naging mga kaibigan ko ang mga ito.








                                                       Me 😉
                Bilisan n‘yo na lang, ayokong nag iintay.


Ian 😎
Hahahaha!! ‘Di ka naman mabiro.



Kaleah 🤨💅
Nandirito na rin kami.



                                                       Me 😉
                                    Na saan ba kayo?



Naomi 🫡
Nasa cafeteria kami, Calvin.



Kaleah 🤨💅
Wait ka na lang namin dito.



The Red Full Moon (Moon Trilogy 1) {BL} [COMPLETED]Where stories live. Discover now