Chapter 8: Kaleah Vs Keira

28 1 0
                                    

Someone's POV

       Isang malaki at malawak na silid may isang malaking bintana at ang tanging ilaw lamang ng buwan ang nag sisislbing liwanag sa kwartong iyon. Sa loob ng nasabing silid ay animo‘y may pulong dahil sa dami ng taong nasa loob nito, isang taong nakaupo sa unahan, nakapikit ang mga mata at nakataas ang mga paa sa mahabang mesa na animo‘y natutulog at walang nag aabalang mag salita dahil baka ito‘y magising.


Sa tahimik at madilim na silid at bigla na lamang may dalawang taong sumulpot na nakasuot ng purong itim, nakaluhod ang mga tuhod at ang isa ay hindi nakaalalay lamang habang ang ulo ng mga ito‘y nakayuko.

Ang mga naroon ay lumingon sa dereksyon ng taong nasa dulo na animo‘y na tutulog at maya-maya‘y unti-unti itong nag mulat ng mata, sa pag mulat ng mga mata nito ay kulay pula at nag simulang mag salita ito.


“Nagawa n‘yo ba ang pinag-uutos ko?” Tanong nito sa malamig na boses at ang mga matang kulay pula ay deretsong nakatingin sa dalawang taong nasa dulo ng mesa na nakasuot ng purong itim at nakayuko ang mga ito sa kanila.

“Opo, kamahalan.” Sagot ng isa sa kanila.

“Kung ganoon makakaalis na kayo, ipapatawag ko na lamang kayo kung meron akong ipag uutos.” Sagot nito sa dalawang tauhan.

Pag katapos sabihin ang mga salitang iyon ay parang isang kisap mata‘y nag laho ang dalawang taong nakasuot ng purong itim sa madilim na bahagi ng kwartong ito ng may mag salita.


“Anong plano mo ngayon?” Sagot ng isang lalaking naging kulay pula rin ang mata samantalang ang iba naman ay naging kulay gintong dilaw ang mga mata.

“Mag papakilala ka na ba?” tanong naman ng isa pang may kulay gintong dilaw na mata.

“Hindi pa. Hindi pa ito ang panahon, darating din tayo diyan.” Sagot nito sa kasama.

At ang mga kasama nito ay nag katinginan sa isa‘t isa dahil sa natanggap nilang sagot mula rito.


Calvin POV

         Andirito ako sa loob ng room kalalabas lang kasi ng adviser namin so iniintay na lang namin yung susunod na teacher namin.

Nang biglang bumukas ang pintuan nitong classroom at iniluwa ang isang babae na feeling mo laging may kaaway at ng matiwasay niyang nailagay sa table ang lahat ng gamit niyang dala ay bigla itong nag salita.

“Good morning section A, I'm your teacher in history and my name is Mrs. Emily Torres De Guzman call me Ma'am Emily, understood.” Pag papakilala nito na akala mo mangangain ng buhay feeling ko istrikto itong teacher namin, ayoko pa naman ng ganoon.

“Good morning din po Ma'am Emily!” Sagot ng buong klase namin.

“Ok, umupo na.” Sabi ni Ma'am Emily saamin.


Umupo na lamang kami at ang mga kaklase ko eto tahimik at akala mo may bumabang anghel dito sa room namin, ang tahimik kase e.

“Ok ang lesson ko for to day is tungkol sa mga bampira at lobo.” Paliwanag ni ma'am Emily saaming lahat ng dahil sa sinabi nito ayun napanganga ako ay hindi lang pala ako, lahat pala kami dito.

Nang biglang may nag taas ng kamay sa harapan upang sumagot ng makita ito ni Ma'am ay tinawag niya ang kaklase kong babaeng nag taas ng kamay.

“Yes iha?”

“E, ma'am totoo po ba sila? Di ba po fiction lang po ang mga bampira at lobo?” Sabi nung classmate ko na babae sa aming guro.

Agad sumenyas si Ma'am Emily na umupo ang kaklase kong babae na ginawa naman nito at saka nag salita.


The Red Full Moon (Moon Trilogy 1) {BL} [COMPLETED]Where stories live. Discover now