Chapter Six: Stick to the Plan

ابدأ من البداية
                                    

"We've talked and I tried my very best to convice her, but..."

"But she refuse?"

Halata sa mukha ni Ma'am Lorie ang disgusto. "She's asking for three to four weeks to finish her contract. Saka niya lang daw mahaharap si Riley pagkatapos ng mga commitment niya."

Hindi ko maiwasan madismaya at mainis... Inis para sa babaing iyon na napaka-selfish!

"Hihintayin po ba natin si Sam?" Naisip kong itanong.

"We don't need to wait for her. We're going to stick to our plan. Muriel, just be a little more patience with him. Sa umpisa lang naman ganyan si Riley. Hindi magtatagal ay mapapanatag rin ang loob niya sa'yo. Tiwala ako na makukumbisi mo siya na mag-undergo ng eye operation. So, please, hang on."

Hang on and goodluck to me!

HINDI ako nakatiis na hindi kumain. Kaya naman kahit pasado alas-diyes na ng gabi ay naghalungkat talaga ako ng makakain sa kusina. Kung bakit naman kasi may pa-emote-emote pa akong nalalaman?

Mabuti na lang at may nahagilap akong tinapay at chicken sandwich spread sa refrigerator. Pantawid-gutom din iyon.

Nakakailang kagat na ako nang bigla na lang may sumulpot mula sa pintuan ng kusina. Muntikan ko nang maibuga ang kinakain.

"Balak mo ba akong patayin sa takot?" asik ko kay Riley, na nagulat din nang magsalita ako.

"Sam, bakit nandito ka?"

"Ano ang dapat magtanong kung ano ang ginagawa mo rito? Teka, paano ka nakababa ng hagdan? Sino ang tumulong sa'yo?"

"Ako lang mag-isa. I told you I can do it on my own," may pagmamalaki na sabi niya.

"Ewan ko lang kung hindi mawala ang kayabangan mo kapag nahulog ka sa hagdan!" Imbes na maawa, baka pagtawanan ko pa siya! "Ano'ng ginagawa mo?" tanong ko nang mapansing parang may kung anon siyang hinahanap.

"Nauuhaw ako. Gusto kong uminom ng malamig na tubig."

"Ikukuha kita."

"No! Ako na."

Hindi na ako nagpumilit at hinayan siya. Pilit niyang kinakapa ang kilalagyan ng refrigerator. Nalagpasan na nga niya iyon pero hinayaan ko na lang siya.

Nakadalawang tinapay na ako ay hindi pa rin tapos si Riley sa paghahanap ng mahiwagang refrigerator na mas matangkad pa sa kanya. "Three steps to your left," hindi ko napigilang sabihin. Ako ang napapagod para sa kanya.

Finally, nahagilap na rin niya ang hinahanap at nakainom na rin siya ng inaasam na malalim na tubig!

"Bakit nandito ka?" Muli niyang tanong.

"Nandito ako para kumain."

Umangat ang kilay ni Riley. "Na naman?"

"Excuse me! Hindi kaya ako nag-dinner kanina."

Biglang kumunot ang kanyang noo. "Wala kang gana kanina?"

"Hindi lang maganda ang pakiramdam ko kanina."

Umangat ang kamay ni Riley. "Let me touch your forehead."

Umiwas ako at tinabig ang kanyang kamay.

"Wala akong sakit. Masama lang talaga ang pakiramdam ko kanina pero okay na ako ngayon."

"Gusto kong makasiguro."

"Okay na sabi ako! Hindi ka rin makulit, no?"

Hindi na nagpumilit si Riley at bigla siyang natahimik.

Invisible Girl  (Reprint under LIB) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن