MENSAHE MULA SA AWTOR

20 15 0
                                    

Ang librong ito ay halaw sa masusing pananaliksik ng mga mag-aaral ng Cavite State University-Silang Campus, unang pangkat ng seksyon IT 1A, bilang proyekto sa kanilang asignatura.  


Ang mga impormasyon ay mula sa kanilang pananaliksik na binigyang buhay sa pamamagitan ng pagsasalaysay sa paraan ng pagsulat ng liham na tila ba ang makakabasa ng mga ito ay mula sa hinaharap.


Nakakatawa man pakinggan, ngunit kami na ang kasalukuyang pag-asa ng bayan ay sumusulat sa susunod na kabataan na magiging pag-asa rin ng bayan. Kaya habang kami ay lumalaban para sa kapakanan ng kalikasan, kami ay susulat para sa susunod na henerasyon tungkol dito upang maging madali para sa kanila na maunawaan ang mga dahilan namin sa pag-aalaga at pagbabantay sa estado ng kalikasan.  




********

Bakit UmalabotWrites? 

Ang umalabot, na halaw sa diyalektong Cebuano, na nangangahulugang 'the future' o ang hinaharap, 'writes' o sumusulat. Sa madaling salita, Sumusulat para sa hinaharap at Hinaharap na sumusulat. 


********

Ano ang inspirasyon niyo sa pagsulat ng akdang ito? 

Ang aming sarili, pamilya, at ang susunod na henerasyon. Sa kasalukuyan, namumuno ang takot dahil sa mabilis na pagkalat ng sakit dulot ng pabago-bagong klima. Inaalala namin na baka ang susunod na kabataan ay hindi na maranasan ang saya kasama ang kalikasan kung patuloy tayong nagpapabaya. 




CLIMATE CHANGE: Liham ng HinaharapWhere stories live. Discover now