PAGBATI

45 23 0
                                    

Ngayong nabuksan mo na ang unang pahina ng aming mga liham, hinihiling namin na sa iyong pagbasa, ikaw ay maliwanagan at makarampot ng karunungan na makakapagpabago ng iyong pananaw sa iyong kinalalagyang lipunan. 


Simulan mong tagalin ang busal ng iyong bibig, gupitin ang taling nagbibigkis ng iyong mga kamay, at buksan ang rehas na nagkukulong sa iyong isipin nang sagayon iyong lubos na masilayan na ang buhay ko ay buhay mo. 

Samahan mo kaming ipaglaban ang Inang Kalikasan. 



Sapagkat ikaw at ako, 



Ikaw at ang akdang ito,



Ay iisa.  




"Matagal naming hinintay ang pagbabalik mo...










Umalabot." 

CLIMATE CHANGE: Liham ng HinaharapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon