QUINTO SELLO

19 18 0
                                    

********************************************

Enero 26, 2023 


Umalabot, 

Sa kabila ng mga hirap na pinagdaraanan at mga suliraning hindi parin nasusulusyunan, nais naming patuloy na makibaka upang maisa-ayos ang gusot na ito gawa ng pagiging gahaman at kapabayaan ng tao. 

Nais naming ipagdiinan na ang problemang ito ay nag-uugat din sa atin, mga tao. Kaya't tayo rin ang dapat na kumilos upang ayusin ang gusot na ito. 

Nararapat na tayo, bilang mga taong nakikinabang sa kalikasana ay mas maging maingat at maalaga sa ating kalikasan. Ang buhay natin ay nakasandal sa kanila at sila ay umaasang tayo ang unang poprotekta sa kanila. Ang kalikasan din ang nagpapanatili ng balanseng klima para sa atin at mga hayop na nakatira dito. Tayo bilang tao ay nararapat na maging masinop sa atin mga kalat na itatapon. Hindi mahirap ang pagbubukod ng mga kalat sa ating tahanan, maging sa mga establisyemento. Sa ganitong paraan magiging madali para sa atin ang mabawasan ang mga basura na posibleng maging dahilan ng polusyon sa hangin, makakatulong pa tayo sa pagkompost na magagamit sa mga programang tree planting. 

Maari tayong makilahok sa mga Tree Planting program o hindi naman kaya'y tayo mismo ang maglunsad ng programa sa mga munting lunsod, dala ang mga kabataang mabibigyan ng karunungan sa pag-aalaga ng kalikasan. 

Matuto rin tayo na magtipid. Mula sa pagkain at tubig hanggang sa konsumo ng kuryente. Siguraduhin na gumagamit lamang ng sapat para sa sarili o pamilya. Magiging malaking tulong ito upang sapat lamang ang maminang enerhiya mula sa kalikasan patungo sa ating tahanan. 

Maging boses ng kalikasan. Ikaw, bilang pag-asa ng bayan ay may kakayahang bumuo ng boses mula sa mga taong may parehong pinaglalaban. Huwag matakot na magsalita kung may nakikitang mali o kilos ng pang-aabuso sa kalikasan. Ang pakikibaka ay kailanman hindi naging rebelyon. Ito ay parte ng demokrasiya na kayo ay may kapangyarihang magsalita ay sila bilang mga lingkod-bayan na dapat gumagawa ng paraan sa usaping ito ay makinig. 


Lalo't lagi na tayo ay para sa kalikasan. Para sa bayan. 



Tumitindig, 

Socito at Tolentino 


********************************************

CLIMATE CHANGE: Liham ng HinaharapWhere stories live. Discover now