ULTIMO SELLO

18 17 0
                                    


********************************************

Umalabot, 

Hiling ko na sa mga naunang liham ay nabigyang-linaw ka kung ano ang suliraning kinakaharap namin na sigurado akong kinakaharap mo rin. Sinisikap namin na mabigyanng lunas ang suliraning ito. Patuloy na nakikibaka sa sarili naming paraan. 

Hindi man maging madali dahil sa mga opisyal na piniling maging bingi at bulag sa katotohanan, patuloy kaming sisigaw at titindig sa abot ng aming makakaya upang makapagbigay ng pagbabago at pag-aalaga sa ating kapaligiran. 


Sa ilalim ng tirik na araw, ang bawat butil ng aming pawis sa labis na pagod sa pagpapa-intindi na pababayaan ang labis na pagbabago ng klimang ito, hindi lang mga hayop at halamang ang mawawala, pati na rin tayo. 


Sa bawat luhang pumapatak sa t'wing may buhay na binabawi ang kalikasan dahil sa mga kapabayaang ginagawa nating mga tao. 


Sa lalim ng buntong-hininga sa t'wing ang hangin ay nakakasakit sa ilong at ang tubig ay kapos na para sa mga tao. 


Mahirap man, patuloy kami sa aming pakikibaka hanggang sa marami na ang makarinig. Magbingi-bingihan man, ang liham namin ang magpapakita sa kanila hanggang sa ang nagbubulag-bulagan ay makakita. 


Nakilala mo na ba ang dapat na kasama namin sa pakikibakang ito? 

Sasagutin ka ng salamin sa iyong silid. Dala ang mga karunungang aming naipabatid. Ang bultong makikita mo sa harap ng salamin, s'ya ang magtutuloy ng aming pakikibaka. 


Kami, ang Primero Grupo, ang kasalukuyang pag-asa ng bayan, ay inaasahang makarating sa'yo ang aming liham ng pag-asa upang maituloy mo ang sinimulan ng nakaraan. Ikaw umalabot, ang pag-asa ng hinaharap. 


Handa ka na bang tumindig? 





Natanggalang-piring, 

Arboiz

********************************************

CLIMATE CHANGE: Liham ng HinaharapWhere stories live. Discover now