LIHAM NG MAY AKDA

30 21 0
                                    



Umalabot, 

Matagal ang panahong inasam kong ikaw ay aking matagpuan. Ngayon narito na ako at ang mga kasapi ko na handang ipakita sa'yo na ang buhay namin sa kasalukuyan ay hindi naging madali. Pasan ang hirap sa magkabilang balikat, ang ganti ng Inang Kalikasang inabuso matapos kaming bigyang kalinga. 


Ikaw, bilang aming pag-asa, ang hinaharap. Nais naming magbigay daan sa iyo upang lubusan mong makita ang daan at mga paraan upang kalikasa'y maisalba. Huwag kang matakot na bigyang boses ang iyong sarili ukol sa usaping ito. Hayaan mong maging gabay ang aming mga liham upang masilip mo ang mundong kinalalagyan namin sa kasalukuyan. 


Kami ay umaasa sa iyo, aming umalabot. 





Nakiki-baka para sa Inang Kalikasan, 

Primer Grupo

CLIMATE CHANGE: Liham ng HinaharapWhere stories live. Discover now