Nang marating ko ang floor kung saan ang office nya ay dumiretso ako sa tapat ng pinto nya. May nakaupo doon na alam kong sekretarya nya.

Bumaling sya sa akin ng makita ako sa harap niya at ngumiti. "Hello miss Zaniella, nasa meeting po si sir. Pero pwede po kayong maghintay sa loob." Ngiti nya.

"Salamat, eto para sayo." Binigay ko sa kanya ang isang Tupperware na naglalaman ng ulam na niluto ko.

Nagulat sya."nako miss Zaniella hindi ko po ito tatanggihan." Ngiti nya kaya natawa ako. Tumango ako.

"Sana magustuhan mo. Sige pasok na ako." Sagot ko at pinihit na ang pinto ng office.

Ipinatong ko sa mesa ang dala ko at umupo sa sofa.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko dahil naramdaman kong nag vibrate ito.

Sean:
Starbucks it is. Malapit sa inyo cuteness.

Natawa ako sa tawag nya sa akin. Minsan talaga ang dami nyang alam.

Ako:
Okay. See ya!

Dumiretso ako sa fb para makapaglibang. Hindi na ako nakakapag update sa social life ko. Minsan nagiging manang narin ako tulad ng laging sinasabi ni Jez.

Friends request from random people is off to me. Hindi ako umaaccept ng hindi ko kilala, may mga higit sa isang daan na notifications na karamihan naman ay games. Hindi naman ako mahilig maglaro.

Tinipa ko ang friend request, Jaythird Zayn Fajardo, Andifer Will Delrio, Rocky Ace Sarmiento wants to be your friend. Dali kong inaccept ang mga tatlo.

Tinipa ko ang profile ni Jaythird at tumambay doon. Napaka misteryoso ng profile picture nya. Nakatingin lang sya sa malayo habang nakaupo sa isang bench. Nakatungkod ang dalawang braso nya likod ng bench at ineenjoy ang init ng araw sa kanyang mukha.

Pinindot ko ang comments. At halos mainis ako sa mga comments ng mga babae.

So haaawwwt

Gawd i love you na!

Akin ka nalang Jaythird :*

Sana wala ka pang girlfriend!!

Hindi ko na itinuloy pa dahil alam ko namang maiinis lang ako. Masyadong madaming papansin sa mundo.

Pumunta ako sa mga mobile photos nya. Nakita ko doon ang isang pamilyar na picture. Ako habang nakatalikod at naglalakad na may caption "wherever you go, i'll be forever your shadow." Nakuha ito bago kami nagpunta ng Baguio.

Maraming nagcomment na nakakasakit para sa akin ang nabasa ko.

Girlfriend??? Hindi pwede!!

No way!! Akin lang ikaw!! Jangit ng girl.

Sino sya??!! #luckybitch

Sweet! #luckybitch

Pero isang comment ang nangibabaw sa lahat ng nakita ko.

Lisseth Zales: There's no such thing as forever:*

Hindi ko alam kung bakit ganon ang comment nya pero hindi ko nalang pinansin. Oo nga walang forever sabi nga ni Jaythird dati iyon. Nothing is forever. So, he wants me to be his nothing.

nag scroll pa ako at nakita ko ang mga sweet pictures nila ni Lisseth. Ito ang mga bago nyang ini update na pictures. Nakaakbay siya dito at nagselfie na may caption na "love her". Maraming nagcomment na bagay daw sila at sana sila nalang. Napanguso tuloy ako.

Love me BackWhere stories live. Discover now