020

1.3K 54 2
                                    

"Fine." Zas stood up and dragged me outside.

"S-saan mo ako dadalhin!?" Napasigaw ako dahil sa kaniyang ginawa. Masyadong mabilis ang kaniyang lakad at halos matapisod ako.

Ngunit hindi niya ako sinagot at biglang kinarga noong nakalabas kami sa bahay niya. Dito ko nakita na nasa isa kaming kagubatan. Madilim at mukhang napaka-creepy ng paligid.

When I looked at where we came from, halos mapanganga ako dahil sa sobrang laki. Mas malaki pa ata ang 'bahay' ni Zas kesa sa palasyo o sa emperyo ng Eulysis.

Napapikit ako bigla dahil sa hilo at noong binukas ko ang aking mga mata ay nakita kong nakalutang kami sa ibabaw ng isang sementeryo.

"Why did you bring me to a cemetery?" I shrieked when Zas puts me down in the muddy ground.

Tinuro niya ang isang lapida kaya napalingon ako dito. My whole world stopped. Parang may static sa aking utak. Na-blanko ang aking paligid. Nakatutok lang ako sa pangalan na nakaukit sa lapida.

Xavier Callerin

That can't be. Binalingan ko muli si Zas na blanko lang nakatingin sa akin. "Why are you showing me this?"

That's not the name of my father. That's not his grave! Buhay ang papa ko at alam ko 'yun. Umalis lang ito upang asikasuhin ang trabaho sa Ohana.

"Let's go." Kinuyom ko ang aking kamao at hinila ang kamay ni Zas. "This is not my home," I uttered.

Zas sighed. "Fine. Kung iyan talaga ang gusto mo. The reality will slap you," he surrendered.

I bit my lower lip when he carried me again in a bridal style. I know my father is alive. The Ohana is real.

Halos masuka na ako dahil sa sobrang hilo. Mukhang gumagamit si Xavier ng isang teleportation spell kaya ganito ang epekto sa akin.

"Open your eyes, Ashley." The soft whisper of Zas made me hesitate.

What view awaits me? Nakakatakot. Paano kapag totoo ang lahat? Paano kapag parte pala talaga ito ng laro ni Faith - Ashley sa akin? Ano ang gagawin ko?

"I shouldn't trust you..." I muttered to Zas, or more like to myself. I want to tell myself that this man betrayed me and he might be lying again to me.

Ngunit kahit sarili ko na mismo ay parang nagdududa na din. May parte sa akin na gustong maniwala at mau parte na hindi. I'm fighting my own self.

Then I felt the ground. We landed softly. But I can't open my eyes.

"Are we here?" I asked in a soft tone. I feel like crying again.

"Yes."

I slowly fluttered my eyes open. What I saw was unexpected. It's a cemetery.

"Ginagago mo ba ako, Zas?" Matalas ko siyang tiningnan pero umiling lang ito.

"Believe it or not. That magician - Niccolo was it?" Umupo siya sa ibabaw ng isang lapida. "He's not an ordinary magician."

"P-pero! Si Vernon? Si Winsford? S Greg- iyong mga taong nakilala ko! Nasaan sila?"

He popped his mouth. "Gone." And he imitated a bubble popping in the air. "Because the don't exist."

Para akong nabingi sa kaniyang pinagsasasabi. Ayaw ko man paniwalaan ay sariling utak ko na ang umu-oo.

My whole body went numb. Faith... Niccolo... Everything was their doing from the start?

"Useless, Ashley."

Napapikit ako dahil biglang may mga bulong na naman. Napaluhod ako dahil mas lumalakas ang mga ito. Tinakpan ko ang aking tenga.

"Stop! Stop saying that!"

They laughed more and more as if they multiplied. Their giggles and mocking voices echoed in my head.

"Kill them, Ashley."

Napasinghap ako. Ano ba 'to? Bakit ayaw nilang mawala?

"Fuck," malutong kong mura. "Stop it!" I shouted when their voices became louder.

Naramdaman kong may humila sa akin patayo pero agad ko siyang tinulak palayo. Ang aking paningin ay hindi na maayos. May iba na naman akong nakikita.

Shadows. Nakangiti din ang mga ito. Ngunit hindi katulad noon na puro insulto lang ang aking naririnig, may ibang boses ang sumasapaw sa kanila.

"Kill them, Ashley!"

"Stop! Stop!" I screamed. Napahawak ako sa kaliwa kong mata. I'm sweating all over at sumasakit na ito.

"Ashley!" May ibang boses pa na tumatawag sa akin. Isang pamilyar na boses, ngunit hindi ko alam kung nasaan ito.

May mga humahawak sa akin, may mga bumubulong. Paatras lang ako nang paatras ngunit wala itong epekto dahil mas lumalakas lamang ang kanilang boses.

"Kill him, Ashley!"

Mariin akong napapikit. Something is forming inside my mind. A familiar image created by a white line.

Napaubo ako at napaupo muli. Ubo ako ng ubo kaya tinakpan ko ang aking bibig. Noong tiningnan ko ang aking kamay ay nakita kong may dugo ito.

"Burn this hell down, Ashley."

Then the voices suddenly disappeared. A dead silence comes after. Doon ko nakita si Zas na mukhang gulat na gulat habang nakatingin sa akin.

"Ashley?" He reached out his hands.

I flinched and he retracted it immediately.

"Ashley, are you okay?"

Am I okay? Is he really asking me that?

I smiled. "What do you think?"

Hindi nawawala ang gulat niyang ekspresiyon but why does looking at him like that makes me happy?

Honestly... I feel nothing - I feel numb. Everything sinked in. Para bang enlightenment ang nangyari sa akin ngunit ang akala ko ay hahagulhol na naman ako pero wala...

I touched my eye and my cheeks.

Walang luha.

Hinawakan ko din ang aking puso. Kalma lamang ang tibok nito. Hindi mabigat ngunit hindi ko din maramdaman na magaan.

"Let's go." Lumapit ako sa kaniya at inabot ang aking kamay. Ang gulat niyang ekspresiyon ay napalitan nang pagkagulo.

"Ashley, are you okay?" Diniinan niya ang 'okay' na word habang nagtatanong.

Tumingin ako sa langit. Mukhang uulan ata dahil maambon. Binalikan ko nang tingin si Zas na nakatayo na sa aking harapan. He's looking at me up and down.

"Zas," tawag ko sa kaniya, "Let's go."

"Where?"

Tinuro ko ang isang lugar kung saan may isang malaking statwa na nakatayo na kita mo hanggang dito.

"Sa Eulysis?" Nagtataka niya akong tiningnan.

Alam ko ang iniisip niya. Isa na akong wanted na kriminal sa Eulysis at kapag babalik ako doon ay aarestuhin nila ako or worst, they will execute me on the spot.

"Yes," maikli kong sagot.

"Why?" His eyebrow raised. "Do you want to die already?"

Blanko ko lang siyang tiningnan at binaba ang aking hintuturo. Hinaplos ko ang kaniyang mukha at nanlaki ang kaniyang mga mata dahil dito.

I leaned in closer then went to his ears.

"I'll burn that hell down," I whispered at him.

There's only one thought running in my mind right now.

I'll kill them.

A Villain's Ending [COMPLETED]Where stories live. Discover now