012

1.6K 72 3
                                    


"W-Wait!" Tinawag ko ang aking ama. Lalabas na kasi sana siya pero may mga tanong pa ako!

Tumigil ito sa paglalakad pero hindi ako nilingon. I gulped.

"P-Pa'no mo nalaman na h-hindi ako si Ash-Ashley?" Kabado kong tanong. Dahil dito ay napalingon siya sa akin. May ngiti sa kaniyang labi.

"I just know."

KINAUMAGAHAN. Maaga akong ginising nang mga maids at maaga nila akong inayusan. Binuksan ni Clara ang kurtina kung saan takip ito ng malaking bintana at nakita kong sumisilip pa ang araw.

"Ang a-aga pa, anong meron?" Hindi ko maiwasan mabulol dahil hindi pa ako sanay sa ganito. Sa amin kasi, ako lang ang kumikilos at nag-aayos sa aking sarili dahil hindi ako gusto nang mga maids.

Kahit naman kumontra ako sa kanila dito nagpupumilit. Magagalit daw kasi ang ama ko.

Hindi nila ako sinagot at mas binilisan ang kanilang pag-aayos. Ako naman ay medyo inaantok pa. Biglang sumagi sa isipan ko si Faith, ang bida sa storyang 'to.

She's weird. Her attitude and the way she speaks. Parang alam niya ang lahat - pati ang libro. I need to investigate her. Pero pa'no? Nahihiya naman akong lumapit kay papa.

Napangiti ako dahil sa aking naisip. I can't believe I have a father. First impression ko nga sa kaniya ay isang mamamatay tao. Duke pala ito sa isang maliit na bansa. It feels surreal. Dahil kilala ang bansa niya sa isa sa mga pinakamayaman at prosperous. The mysterious Duke is powerful in terms of money, reputation and connections. Hindi ko aakalain na ama ko ito.

Does my mother knew? I bet she didn't. Kung alam lang niya ay sigurado akong siya ang unang kakatok sa pintuan ni papa.

Ohana is a peaceful place. Malayo sa political war. Hindi naman kasi nila kailangan ang oil rigs dahil mas source nila ang magic dito na pwede mo nang ipangtabla sa teknolohiya.

Unlike Eulysis that have 5 mages and focused more on technology, Ohana have one-hundreds of magician and sorcerers that provides them light, transportation, and other things. That's why most country fears the Duke because and at the same time ina-outcast din; dahil teknolohiya na ang kanilang gamit pero nananatili sa mahika ang Duke.

Well, it's their loss. Almost all of the ancient books, spells and power are here in this country because of it. At mayaman ito. Sino kaya ngayon ang naghihirap?

"Little Duke, you're ready," ani nang isang maid.

Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Hindi ako naka-dress kundi naka white tuck-in shirt and jogging pants.

Para bang sa isang iglap lang ay nakatayo na ako sa harapan ng apat na lalakeng mukhang kaedad ko lang habang nasa gilid ko si papa.

"This is Winsford, someone from the academy. Graduate na siya last month and he will teach you everything that you need," pakilala niya sa lalakeng naka-pormal na attire, naka-eyeglasses, black eyes, at medyo kulot ang violet niyang buhok.

"This is Niccolo, one of the top magician in our continent. He will teach you magic." He pointed the guy who's smiling widely. May dimples sa kanang pisngi. Brown at medyo mahaba ang kaniyang buhok.

"What? Why!?" Tanong ko sa kaniya pero parang wala lang 'tong narinig at nagpatuloy sa kaniyang ginagawa.

"Eto naman si Greg, ang magtuturo sa iyo kung paano lumaban gamit ang iba't-ibang sandata." Turo niya sa isang lalake na naka-mullet ang buhok at may striktong mukha.

"Lastly, this is Vernon. The one who will guard you." Turo niya sa lalakeng naka-tuxedo. Ah! Siya 'yung unang gumulo sa akin kahapon. His emerald eyes glowed like light. Nginitian niya ako.

Naalala ko tuloy iyong huling kataga na sinabi niya sa akin. Ano naman kayang nasa isip nu'n at sinabi niya 'yun?

"They will guide you for a month."

"T-teka." Pigil ko sa aking ama. "A m-month? Hindi ko ata kaya! Hindi ako kagaya-"

"You can do it," he said. He put his hands on my shoulders and looks at me straight in the eyes. "I believe in you. My blood runs in you. We are more higher than a normal human."

"W-what do you mean by that?"

He chuckled deeply. "You'll know." Turo niya sa aking noo.

Tumingin ulit ako sa mga taong nasa aking harapan. I heave a deep sigh. Okay, kaya ko 'to. I just need to believe in myself.

"Sure ka?" Isang bulong ang biglang lumitaw. "Wala kang kwenta, Ashley," it continued and laughed off.

Pinikit ko nang mariin ang aking mata. "No..." I whispered to myself. I can do it. I have people who believe in me.

And my father is right. Hindi ako si Ashley, kaya naman ay hindi ko deserve na maranasan 'yun. So what if Ashley did bad things? I didn't do it! At hindi lang iyon, pati sarili kong ina ay tinalikuran na ako.

"Ashley..." Medyo nagulat ako dahil biglang bumulong sa akin si papa. "Here's another truth. The people was cursed to hate you."

"Curse? By who?"

Tinitigan ni papa si Niccolo at tinanguan ito. Biglang umilaw ang paligid at may orb na lumabas sa gitna ng room.

Nakita ko dito ang isang babae na naka-kapa at may inabot siya sa lalakeng nakaupo. Nakatalikod ito kaya hindi ko makita.

"That girl." Turo niya sa babae. Nakalabas kasi ang ilang hibla ng buhok nito kaya alam namin. "Cursed you. What was her name again?" He looked up and tried to think.

"It was Faith, your majesty." Niccolo interrupted.

Something churned in my stomach. I was cursed? By Faith? The female lead?

"Hindi namin alam kung bakit." Sabi niya. Nakatingin parin sa itaas. "But that's that." He looks down at me again. The orb disappeared.

Sa likod ng aking ama ay nakikita ko na sa labas ng bintana na sumisikat na ang araw.

"Your mother tried to kill you because you keep being troublesome." He patted my head again. Iyan na naman ang kaniyang ekspresiyon na hindi ko mapaliwanag. Pero kahit na ganu'n, parang naiiyak din ako. My heart is getting cozy by his unexplainable stare.

"So Ashley." Tumigil siya sa paggulo sa aking buhok. "Buhayin mo ang sakit sa puso mo and turn it into hatred. The people, your mom, that girl Faith and those bastards that made you suffer... Remember it."

A Villain's Ending [COMPLETED]Where stories live. Discover now